LESSON 11- Trick Or Threat

3.1K 128 6
                                    

“HUWAAAG!!!” Sa pagsigaw na ginawa ni Candice ay napahinto si Rocco sa akmang pagsuntok nito kay Trevor.

Malalaki ang mga hakbang na nilapitan niya ang dalawa. Itinulak niya si Rocco palayo sa lalaki. Tinulungan niyang tumayo si Trevor. Nanginginig ito sa takot at maluha-luha. Kahit pala bully ito ay nakakaramdam din ito ng takot. Sabagay, sa laki ba naman ng kamao ni Rocco ay talagang dapat itong matakot na masuntok. Baka masira pa ang mukha nito kapag nagkataon.

“Okay ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan?” Ipinakita niya kay Trevor na nag-aalala siya para dito. Hinawak-hawakan pa niya ito sa braso na tila chine-check kung hindi ba ito nasaktan.

Siya naman ang sinaklit ni Rocco sa braso. “Anong ginagawa mo?! Bakit mo tinutulungan ang Trevor na iyan?” Inilapit nito ang mukha at mahinang nagsalita. “Kailangan nating patayin ang lalaking iyan kundi sasabit tayo. Alam mo naman siguro ang mangyayari oras na magsumbong 'yan kay Teacher Annie, 'di ba?”

Matiim siyang nakipagtitigan sa nobyo. “May plano ako…” turan niya.

Marahang lumuwag ang pagkakakapit nito sa kaniyang braso hanggang sa tuluyan na siya nitong mabitawan. Ngumisi siya sabay harap kay Trevor. “May i-o-offer kami sa iyo, Trevor. One hundred thousand kapalit ng pananahimik mo.” Natameme ito sa sinabi niya.

Kilala niya si Trevor at ang pamilya nito. Mahirap at naghihikahos ito sa buhay. Alam din niyang hindi nito kayang tanggihan ang perang inaalok niya.

“At saan naman tayo kukuha ng ganoong pera? Wala tayong trabaho!” singit ni Nikki.

“Gagawan natin ng paraan. Mag-aambag-ambag tayo. Iyang sina Rocco at Destiny, mayayaman naman ang mga iyan, e. Kahit nga silang dalawa lang, kaya na nila!”

“I can provide the half…” Itinaas ni Destiny ang isang kamay. “A-ayokong makulong. Pero payag ka na ba, Trevor? Hindi biro ang hundred thousand. Malaki na ang magagawa no’n sa iyo and to your family, right?”

Lahat sila ay nakatingin na kay Trevor na hindi pa rin nagsasalita. Walang ekspresiyon ang mukha nito. Tila nag-iisip ng malalim. Hanggang sa maya maya ay unti-unting ngumisi ito at nauwi iyon sa malaking ngiti.

“Deal!” Sa wakas ay sagot nito. Nawala na ang takot sa mukha nito. Napalitan na iyon ng malaking mga ngiti. “Madali naman akong kausap basta tutupad kayo sa usapan. So, one hundred thousand ang ibibigay ninyo sa akin at safe na safe ang secret ninyo sa akin. Walang makakaalam!” Umakto pa ito na parang zini-zipper ang bibig.

Gigil na nilapitan ni Rocco si Trevor. “Siguraduhin mo lang na tutupad ka sa usapan dahil ako talaga ang papatay sa iyo!” pagbabanta pa ng nobyo niya.

Itinaas ni Trevor ang dalawang kamay. “O, napaghahalataan naman na madali lang talaga sa inyo ang pumatay sa sinasabi mo, Rocco!” Nilabanan nito ang pagtitig ng boyfriend niya. “Sa susunod na linggo, gusto ko ay makuha ko na ang pera nang buo. Kaya niyo ba?”

“K-kaya namin,” sabay na sagot nina Destiny at Jillian.

“Very good! Sige, bahala na kayo diyan. Aalis na ako—”

“At saan ka naman pupunta?” Hinawakan ito ni Rocco sa braso.

“Bitiwan mo nga ako! Tapos na ang business ko sa inyo kaya babalik na ako sa bus!”

“Sa tingin mo ba ay ganoon lang kadali ang gagawin mo para magkaroon ng malaking halaga ng pera?” Ngumisi si Rocco sabay iling. “Nagkakamali ka!”

“Ano bang ibig mong sabihin?”

“May hinahanap kami. Tutulungan mo kaming hanapin iyong balon. Doon namin balak itago ang bangkay ni Aliyah!”

School Trip 7: Deadly SinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon