LESSON 05- The Act

3.4K 124 7
                                    

“OUR QUEEN!”

Magkakasabay na yumukod sina Destiny, Nikki at Jillian sa harapan ni Candice nang makita siya ng mga ito. Abala ang tatlo sa pag-uusap kaya hindi namalayan ng mga ito ang kaniyang pagdating. Pumalakpak siya nang isa at umayos na ang tatlo sa pagtayo. Halos hindi makatingin ang mga ito ng diretso sa kaniya.

Humalukipkip si Candice. “Bakit naman ganiyan ang tingin ninyo sa akin?” Natatawa niyang tanong. Inilabas niya ang face powder sa kaniyang bag at nilagyan niya niyon ang mukha.

“M-medyo nahihiya lang kami dahil sa ginagawa namin sa iyo, Candice…” si Destiny ang sumagot sa kaniya.

Itinigil niya ang ginagawa. Tumingin dito. “Don’t worry. Part lang naman iyan ng act, right?” aniya sabay ngiti na parang isang demonyo.

“This can’t be! Hindi pwedeng natalo ako ng isang baguhan! At ng Aliyah pa na iyon?!” Halos magwala na si Candice. Nasa classroom siya kasama ang tatlong kaibigan. Suot pa rin niya ang gown na suot niya kanina nang matalo siya ni Aliyah bilang Miss RNHS.

Kakatapos lang ng beauty pageant at sa inis niya ay hindi muna siya umuwi ng bahay. Nagpunta muna sila sa classroom nila upang mag-usap.

Sa pagkatalo niya bilang Miss RNHS ngayong taon, alam niyang malaki ang magiging epekto niyon sa kalagayan niya sa eskwelahan na pinapasukan. May scholarship kasi ang nananalo sa pageant na iyon. Sigurado din siyang pinagtatawanan na siya ng lahat sa pagkatalo niya. Lalo na ng Aliyah na iyon. Malamang ay magpa-party pa ito sa labis na saya! At ang mga kaibigan niya, baka iwanan na siya ng mga ito dahil isa siyang talunan.

Walang imik ang tatlo. Pinapanood lamang siya.

Kinalma ni Candice ang sarili. Huminga nang malalim. “Ngayon natalo ako ni Aliyah. Ano na ang plano ninyong tatlo? Ako pa rin ba ang queen para sa inyo?” Tinapangan niya ang sarili na itanong iyon kahit tila alam na niya ang kasagutan. Nais lang niyang marinig mismo sa bibig ng tatlo ang sagot.

“Walang magbabago, Candice…” Labis na nagulat si Candice sa sagot ni Destiny.

“Destiny’s right. Ikaw pa rin ang reyna para sa amin,” dugtong pa ni Nikki.

“Yeah. You’re the reason kung bakit hindi na ako bumabagsak sa subjects natin at hindi ka namin ibabagsak nang ganoon lang, Candice. We’re still with you no matter what.” Nakangiting turan naman ni Jillian.

Kung hindi lang magiging kababawan ay yayakapin niya sana ang tatlong kaibigan pero hindi na lang niya ginawa. Kilala kasi siya ng lahat na hindi nagpapakita ng affection at pasasalamat.

“Mabuti naman kung ganoon…” Nakahinga na siya ng maluwag.

Atleast, ngayon ay sigurado na siya sa katapatan ng tatlo.

“Gusto mo bang gumanti? Meron akong idea…” ani Destiny. May nagbabadyang ngiti sa labi nito na para bang sinasabi nito na magugustuhan niya ang naiisip nito.

“Gustung-gusto ko! Gusto kong ipahiya ang Aliyah na iyon sa ginawa niya sa akin. Ipinahiya niya ako, dapat mas matindi pa ang mangyari sa babaeng iyon! Teka, ano ba 'yang naiisip mo, Destiny?”

Humakbang si Candice palapit sa mga kaibigan matapos niyang ibalik ang face powder sa kaniyang bag. “Ano na ang balita sa plano natin?” tanong niya.

“'Ayon… Paniwalang-paniwala si Aliyah na nasa kaniya na ang katapatan namin. Wala siyang kaalam-alam na pinaglalaruan lang natin siya!” Naiiling at natatawang sagot ni Destiny.

Si Destiny ang madalas na mag-isip ng gagawin nila. Malikot ang utak nito. Kapag tahimik ito at nais na mapag-isa ay hinahayaan lang nila. Alam kasi nila na may pinaplano itong magugustuhan nilang lahat. Kumbaga, ito ang utak ng grupo.

School Trip 7: Deadly SinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon