LESSON 21- Hanged Man

3K 125 15
                                    

PARANG gumuho ang mundo ni Destiny sa kaniyang nakita sa gitna ng gubat. Nagtatalik sina Candice at Rocco. Nasa ibabaw ang babae habang gumigiling. Kapwa hubo’t hubad at parang may sariling mundo. Nakapikit ang mga ito at halatang sarap na sarap sa ginagawa. Hindi agad nagawang gumalaw ni Destiny. Oo, inaasahan na niya na makikita niyang magkasama ang dalawa pero hindi ganitong tagpo ang nasa isip niya. Ang akala niya ay nag-uusap lang ang dalawa. Mas matindi pa pala doon ang kaniyang makikita.

Nag-init ang gilid ng mata ni Destiny at sunud-sunod na naglaglagan ang luha doon. Parang unti-unting kinukuyumos ang kaniyang puso hanggang sa madurog iyon at magkapira-piraso.

“Destiny, t-tara na—” Ipiniglas niya ang braso nang hawakan siya doon ni Jillian.

Bakit siya aalis? Bakit niya hahayaan ang dalawa sa pagtataksil ng mga ito? Siya pa ba ang dapat mahiya? Hindi ba dapat ay ang mga ito ang dapat mahiya sa kababuyan na ginagawa ng mga ito?

“Malapit na ako, Rocco!” sigaw pa ni Candice na akala mo ay isang hinete na nakasakay sa kabayo nito. Wala yata itong kapaguran sa pagtaas-baba sa pagkalalaki ng kaniyang nobyo.

“A-ako din! Faster, please. Faster!” sagot naman ni Rocco.

Mas binilisan ni Candice ang paggalaw na parang may hinahabol.

Doon na siya natauhan. Mariin niyang ikinuyom ang mga kamao at malalaki ang hakbang na nilapitan ang dalawa. Sa may likuran siya ni Candice pumwesto para hindi siya nito makita. Gusto niyang magulat ang malanding babaeng iyon.

Walang pagdadalawang-isip na sinabunutan niya si Candice at hinila ito sa buhok palayo kay Rocco. Wala siyang pakialam kung nabitin man ito o ano. Basta ang gusto lang niyang gawin ay saktan ito! Patayin ito! Kung mapatay man niya ito ay nararapat lang iyon dito. Napaka landi nito!

Ginamit ni Destiny ang lahat ng lakas niya para makaladkad ang walang saplot na si Candice. Kitang-kita niya ang pagdugo sa binti nito dahil sa pagkuskos niyon sa matutulis na bato. Kulang pa ang mga iyon sa sakit na nararamdaman niya. Walang-wala pa ang ginagawa niya ngayon kay Candice kung ikukumpara sa kirot at hapdi na idinulot nito sa kaniya.

“Hayop ka! Malandi kang babae ka! Putang ina ka!!! Papatayin kita! Papatayin kita!” Nagpupuyos sa galit na sigaw niya. Panay pa rin ang iyak ni Destiny sa sobrang galit.

“Aray ko! Ano ba?! Bitawan mo ako!” sigaw din ni Candice. “Tulungan niyo ako!!!”

Kahit panay ang paghingi ng tulong ni Candice ay walang kumikilos para tulungan ito o awatin siya. Tila takot din ang mga ito na madamay sa galit niya o baka nabigla ang mga ito at hindi magawang gumalaw.

Nagdidilim na ang paningin niya at hindi na niya alam ang kaniyang ginagawa. Natabunan na ng poot ang kaniyang utak ng sandaling iyon.

Nagsimula na si Candice na makawala sa kaniya. Hinawakan na nito ang kamay niya at pilit na inaalis iyon sa buhok nito. Mas lalo naman niyang hinigpitan ang pagkakasabunot dito. Inihinto na niya ang paghila dito at mabilis siyang pumunta sa harapan ni Candice. Isang malakas na sipa sa tiyan ni Candice ang pinakawalan niya.

Nanghihinang napahiga ito sa lupa. Sa lakas ng pagkakasipa niya ay parang naparalisa ang buong katawan nito.

“Sinasabi ko na nga ba! Hindi ka dapat pagkatiwalaan na ahas ka! Putang ina kaaa!!!”

Pumaibabaw siya kay Candice. Inupuan niya ito sa may tiyan upang hindi ito makawala. Paulit-ulit niya itong pinagsasampal habang minumura ito at sinasabihan ng kung au-anong masasakita na salita. Hindi naman magawang makalaban ni Candice sa kaniya dahil sa nanghihina na ito.

Hanggang sa nahagip ng mata niya ang isang malapad na bato sa may tabi ng ulo ni Candice. Nanlilisik ang mga mata na dinampot niya iyon. Sumigaw siya at itinaas iyon sa ere at akmang ihahampas sa mukha ng nanghihinang si Candice.

School Trip 7: Deadly SinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon