“SERYOSO ba si Teacher Annie? Tree planting talaga ang gagawin natin? Is this some kind of a scam? Nagbayad tayo tapos papahirapan niya lang tayo? What the—”
“May sinasabi ka ba, Nikki?”
Pigil ang pagtawa ni Aliyah nang biglang dumating si Teacher Annie habang nagrereklamo si Nikki sa kanila nina Destiny at Jillian. Nakaupo sila at nagbubungkal ng lupa sa isang parte sa gubat na puro damuhan lang at walang puno. Umulan pa kanina sandali kaya maputik sa kanilang kinaroroonan. Dumikit na ang putik sa mga sapatos nila.
“Nikki?” Muling tawag ng guro.
Napipilitang tumayo si Nikki. “Wala po, teacher!” anito sabay ngiti. “Ang sabi ko po ay masaya itong tree planting na naisip ninyo. Nakakatulong tayo sa kalikasan. I love Mother Earth!”
“Mabuti naman kung ganoon at naiintindihan mo itong ginagawa natin, Nikki!” Naglakad si Teacher Annie papunta sa gitna at muling nagsalita. “Class, alam kong halos lahat kayo ay hindi gusto ang ganitong klase ng school trip. Some of you, ini-expect na sa isang magandang lugar tayo pupunta kung saan makakapag-enjoy kayo. This year, gusto kong maiba naman. Gusto ko’y maging makabuluhan ang school trip na ito para sa ating lahat. Napanood ninyo naman siguro sa balita noong nakaraan na taon na sa lugar na ito ay may gumuhong bundok. Nandito tayo mismo sa spot na gumuho. Napatag na ito. Naisipan kong magtanim tayo dito ng mga puno para hindi na mangyari ulit ang pangyayaring iyon. Hindi lang tayo makakatulong sa kalikasan kundi sa kaligtasan na rin ng mga nakatira malapit dito…”
Matapos magsalita ni Teacher Annie ay naglakad-lakad na ito para tingnan ang iba pa nilang kamag-aral.
Ipinagpatuloy na lang ni Aliyah ang pagbubungkal ng lupa. Gusto na niyang matapos ang pinapagawa na ito sa kanila para makapagpahinga na siya. Hindi sinasadyang napatingin siya sa kaniyang unahan at nakita niya si Rocco na nakatayo malapit sa isang puno.
Sinenyasan siya ni Rocco na lumapit siya dito. Luminga siya at nang makita niya si Teacher Annie na abala sa pag-istima sa iba nilang kaklase ay binitawan niya ang pagbungkal ng lupa at tumayo.
“Your Highness! Saan ka pupunta?” Napahinto siya sa akmang paglapit kay Rocco nang tanungin siya ni Nikki.
Inginuso niya si Rocco at tumango-tango na lang ito.
Naglakad na siya palapit sa nobyo. “Bakit? Tapos ka na ba sa pinapagawa ni Teacher Annie?” tanong ni Aliyah pagkalapit dito.
“Kalokohan lang 'yang tree planting na iyan. Bahala siya sa buhay niya.”
“Ano ka ba? Paano kung i-check niya ang mga gawa natin? Saka bakit mo ba ako tinawag? May kailangan ka ba?”
“Meron. May sasabihin ako sa iyo. Siguro naman ay hindi mo pa nakakalimutan ang naging usapan natin, 'di ba? Mamayang gabi. Gagawin na natin.”
Natigilan si Aliyah sa sinabi ni Rocco. “A-anong gagawin?” Kahit alam niya ang ibig nitong sabihin ay tinanong niya pa rin ito. Talaga ngang seryoso ito na makuha ang kaniyang pagkababae.
“'Wag ka ngang masyadong pa-inosente, Aliyah. Alam kong alam mo ang tinutukoy ko. I’ll fuck you. Remember? Huwag mong sabihin na umuurong ka na?”
Umiling siya. “Hindi!” Mabilis niyang sabi. “P-pero saan natin gagawin?”
“Diyan sa gubat. Walang tao diyan. Tayo lang.”
“Aalis na tayo mamaya. Baka maiwanan tayo.”
“Ako ang bahala. Kaya kong gawan 'yon ng paraan. Basta, kapag sinabi na ni Teacher Annie na aalis na tayo, maghanda ka na. Iyon na ang hudyat na magkikita tayo sa labas ng bus. Naiintindihan mo ba?”
BINABASA MO ANG
School Trip 7: Deadly Sin
HororIsang kasalanan ang nagawa nila sa nakaraan. Naitago man nila ito ay sisingilin naman sila nito sa kasalukuyan! Ito na ang ika-pitong aklat ng SCHOOL TRIP... Class resumes!