LESSON 26- Insane

2.8K 133 11
                                    

MALAKAS na napasigaw si Jillian nang makita nilang tatlo ang kahindik-hindik na hitsura ni Destiny sa may salas. Halos maligo na ito sa sariling dugo. Walang saplot sa pag-ibaba at puno ng saksak ang pagkababae. May malaking sugat din ito sa leeg na may dugo pang sumisirit. Napayakap tuloy siya kay Candice dahil sa sobrang takot. Ang dalawa niyang kasama ay hindi makapagsalita. Gulat na gulat at takot na takot din ang mga ito.

“M-mamamatay na tayo! Tayo na ang susunod! Ayoko pang mamatay!” Naghihisterikal niyang sigaw habang nagsusumiksik kay Candice.

“Kailangan na nating humingi ng tulong—”

“Hindi, Candice! Ano? Sa pulis? Gusto mo bang makulong tayo kapag nag-imbestiga sila?” putol ni Rocco sa sasabihin sana ni Candice.

“Pero pwede tayong mamatay sa lugar na ito! Nakita mo ba ang ginawa kay Destiny? Para siyang hayop lang na kinatay!” Dama na rin ni Jillian ang takot sa pagsasalita ni Candice.

“Isang tao lang naman ang pwedeng gumawa nito. Si Samuel. Isa lang siya, tatlo tayo!”

“Lalaban tayo sa kaniya?”

“Oo, Candice. Iyon lang ang paraan na naiisip ko. Kailangan nating mapatay ang hayop na iyon bago niya tayo maunahan. Nandito lang siya sa loob ng bahay, nararamdaman ko.”

Mas lalong tumindi ang takot ni Jillian nang sabihin ni Rocco na kasama lang nila dito sa bahay si Samuel na siyang suspek nila sa pagpatay kay Destiny. Naisip niya na nagawa nga nitong patayin si Destiny, ano pa kaya siya? Baka mas matinding kamatayan pa nga ang maranasan niya. Ayaw niyang mamatay sa ganoong paraan.

Nahihintakutang itinulak niya si Candice.

May pagtatakang tiningnan siya nito. “Ano bang problema mo, Jillian?!”

Natatarantang umiling siya. “A-ayokong mamatay dito. Ayokong mamatay katulad nina Nikki at Destiny! Ayoko!” Tila nasisiraan ng bait na sigaw niya. “H-hindi ako makakapayag na dito magtatapos ang buhay ko. Naiintindihan niyo bang dalawa? Hindi ako mamamatay dito!!!”

“Jillian, kumalma ka nga!” sigaw ni Candice sa kaniya. Para gusto na siya nitong sampalin para lang kumalma siya.

Pero takot na takot talaga siya. Wala na siyang kontrol sa kaniyang emosyon. Tuluyan na siyang sumabog. Una, si Nikki. Sumunod si Alexander na nawawala ang katawan. Tapos ngayon si Destiny naman. Malaki ang posibilidad na siya na ang susunod.

“Paano ako kakalma kung isa-isang pinapatay ang mga kaibigan ko?! Paano kung ako na ang susunod?!” Nababaliw na sumigaw pa siya at biglang kumalma. Nanlalaki ang mata niya habang nakasabunot sa sariling buhok. “M-mali ito. Mali na plinano ko pang magkita-kita tayo. Mali na bumalik pa tayo sa lugar na ito!”

“Anong sabi mo?” Napatingin siya kay Candice. Nasa harapan na niya ito. Hindi siya nakapagsalita. Nadulas na ang dila niya na aminin ang totoo. “Magsalita ka, Jillian! Anong ibig sabihin ng sinabi mong ikaw ang nagplano na magkita-kita tayo dito?!”

Mukhang hindi titigil si Candice hangga’t hindi niya ito sinasagot. Pati ang mga tingin ni Rocco sa kaniya ay parang gusto rin ng kasagutan.

Para bang isa siyang kriminal na pilit na pinapaamin sa isang krimen na kaniyang nagawa. Wala na siyang pupuntahan. Nasukol na siya. Totoo nga na sa bibig nahuhuli ang isda.

“Oo na! Aamin na ako! A-ako ang nagpadala ng mga pictures ni Aliyah sa lahat!” pagsisiwalat niya.

Impit siyang napasigaw nang mariin siyang hawakan ni Rocco sa braso at galit na galit na hinila. “'Tang ina ka! Ikaw lang pala ang nagpadala niyon! Alam mo bang sa ginawa mo ay bumalik tayo sa lugar na ito?” Iniumang nito ang isang kamao.

School Trip 7: Deadly SinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon