#RK 3: SUSHI

943 71 7
                                    

[LUA]

"GUYS, look," excited na sabi ko sa friends ko habang nakatambay kami sa pavilion ng Freedom Park sa school. Naglatag sila ng picnic blanket sa sahig at doon nakaupo ngayon. May mga box ng pizza, bucket ng buffalo wings, at malaking bowl ng fries sa gitna. At dahil sabay-sabay ang PE day namin, pare-pareho rin kaming nakasuot ng mustard shirt, maroon jogging pants, at white trainers. "May na-discover akong affordable Japanese resto na malapit lang dito sa Evangelina." Pagkatapos, inangat ko ang hawak kong plastic bag. Meron iyong laman na styro kung saan nakalagay ang mga sushi na sealed ng transparent plastic. May kasama na rin iyong toyo, kalamansi, at chopsticks. "Tenen, nakabili ako ng murang maki sushi–"

"That's not sushi," sabay-sabay na sabi nina Nato, Dax, Milli, at Pixie sa deadpan na boses.

"Sis, don't eat that," iiling-iling na saway sa'kin ng half-brother kong si Dax. "Hindi natin alam kung safe 'yan."

"That doesn't even look appealing," sabi naman ni Milli sa'kin. "Don't buy cheap sushi again, Lua. Scam 'yan."

"Hello, Mr. Lee," bati naman ni Nato sa kausap niya sa phone. "Gusto kong imbestigahan mo ang "Japanese restaurant" daw na binilhan ni Lua ng maki ngayon. They scammed her."

"Hey, that's too much!" reklamo ko kay Nato. "Kung ayaw niyong kainin 'tong dala ko, fine. Ako na lang ang kakain nito." Niyakap ko ang dala kong sushi sa takot ko na baka kunin nila 'yon at itapon na lang. "First time kong kakain ng sushi, you know?"

Napasinghap ang squad ko na parang horrified sila sa revelation ko. Pagkatapos, sabay-sabay nila akong binigyan ng tingin na puno ng simpatya.

"Okay, that settles it," deklara ni Pixie mayamaya. "We're going to Japan to eat sushi. Sakto kasi nagke-crave din naman ako sa authentic Japanese food ngayon."

Hinintay kong may magsabi na joke lang iyon pero himbis na 'yon ang mangyari, nagsimula na silang mag-plano ng itinerary sa Japan.

Uhm, they're serious, huh?

"Sorry pero hindi ako makakasama," sabi ko naman sa kanila dahilan para tingnan nila akong lahat na parang nagtatanong kung bakit. Binigyan ko sila ng apologetic smile bago ako nag-explain. "Wala pa kong passport, eh."

***

The next day...

THEY really went to Japan just to eat sushi!

Iyon ang nasa isip ko habang kumakaway ako sa labas ng airport pagkatapos kong ihatid doon ang squad. Hindi ko na sila nakikita pero ang kamay ko, ayaw pa ring huminto sa pagkaway. Shookt na shookt kasi ako kung ga'no kadali para sa kanila ang magpunta sa ibang bansa dahil lang nag-ke-crave sila sa authentic Japanese food.

Rich kids talaga sila.

"Lua, let's go."

Napapiksi ako sa gulat nang marinig kong magsalita si Nato sa tabi ko kaya nilingon ko siya– nanlalaki pa ang mga mata ko. "Bakit ka nandito? Hindi ka ba sumama sa kanila sa Japan?"

"Obviously, I did not," masungit na sagot ni Nato habang kunot-noong nakatingin sa'kin. "Anyway, we should hurry. Mahaba ang pila sa DFA. Ayokong abutin ng gabi doon."

"Anong gagawin natin sa DFA?"

"Sasamahan kitang magpa-passport."

Tinuro ko ang sarili ko kasi as far as I remember, wala akong gano'ng plano ngayon. Sumama lang naman ako sa airport dahil kinaladkad ako ni Milli doon pagkatapos niyang sunduin sa bahay namin si Dax. "Ako? Magpapa-passport ako ngayon?"

"Yeah, I already talked to your dad about it," sagot niya, saka niya hinawakan ang laylayan ng suot kong cardigan para hilahin ako papunta sa black Lexus niya. "After mong magpa-passport, I'll take you to a fancy Japanese restaurant for dinner. You can eat as much authentic sushi as you want. Kapag alam mo na ang difference ng totoong sushi sa mga nagpe-pretend na sushi, hindi ka na uli bibili sa mga gano'ng lugar."

"Bakit ba masyado kayong concerned doon?"

Huminto siya sa paglalakad para lingunin ako. "Have you forgotten, Lua? A year ago, na-food poison ka kasi bumili ka ng takoyaki sa isang no-name food stall. We don't want that to happen to you again."

Hindi ko alam kung mahihiya o mata-touch ako sa concern niya. Ah, 'yon pala ang reason kung bakit sobrang against sila sa pagbili ko ng mga pagkain sa mga hindi kilalang lugar. Napangiti tuloy ako. "Thank you, Nato."

He just rolled his eyes at me. Pagkatapos, hinila na uli niya ko papunta sa nag-aabang na si Mr. Lee na nakatayo sa sa tapat ng Lexus niya. "If you understand, then listen to me for today. Susunod ka sa lahat ng sasabihin ko ng walang reklamo. Okay?"

"Sige na nga," natatawang pagpayag ko naman. "Pero today lang, ha?"

***

BONUS #1

In a certain plane's business class main cabin...

"DAX, I think Nato seriously likes Lua," sabi ni Milli sa boyfriend niyang si Dax habang kumakain sila ng prosciutto wrapped salmon and cream cheese terrine na starter nila para sa meal na 'yon. Habang si Pixie naman na nasa kabilang side, narinig niyang nag-re-request nang i-serve dito ang entrée na Batangas beef caldereta. Anyway, amazed pa rin siya na hindi sumama si Nato sa trip nilang 'yon. "Japan is one of Nato's most favorite countries. Pero nagpaiwan siya para samahan si Lua na kumuha ng passport. Have you seen Nato act that way towards other girls? This is the first time for me."

"Unfortunately, it's unrequited love for our de facto leader," deklara naman ni Dax. "My sister likes Ned, the guy from the province."

"We can change that," nakangising sabi naman ni Milli habang maraming scheme ang nabubuo sa isipan niya. "This is so going to be exciting, babe."

"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
RICH KIDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon