S2 #RK 10: MEMORIES (8)

953 57 9
                                    


[LUA]

"LUA Quindall!"

Bakit ba full name kung tawagin ako ng mga tao rito?

Huminto ako sa pagbabasa ng magazine ni Chase para mag-angat ng tingin sa'kin. Napangiti ako nang makita ko ang tao na kanina ko pa hinahanap. "Bryan Chen."

Hindi rin naman ako masyadong nag-effort sa paghahanap sa kanya. Tumambay lang ako sa isa sa mga concrete benches sa Freedom Park habang hinihintay ang pagsundo sa'kin ni Dashiel. Hindi rin ako nainip dahil binasa ko ang magazine ni Chase.

"Can I join you?" nakangiting tanong sa'kin ni Bryan. Nang tumango lang ako, umupo siya sa katapat na bench kung saan merong isang mesa sa pagitan namin. "So, do you need my family's service now?"

Natawa ako sa tanong niya. "Ang business-minded mo talaga 'no?"

"Nagiging pushy na ba ko?"

"Hindi pa naman," matapat na sagot niya. "Saka okay ang ganyang attitude lalo na kung may business kayo. Hindi naman lalapit lang sa'tin ang mga customer o client natin kung tutunganga lang tayo."

Gets ko naman si Bryan kasi kapag tinutulungan kong magbenta ng leche flan ang mama ko noon, kinakapalan ko rin ang mukha ko sa paglapit sa mga customer para ialok ang paninda namin. Kung hindi ko 'yon gagawin, hindi kami makakabenta ng maayos.

"Thanks for being understanding," sabi ni Bryan mayamaya. "Nakita ko ang car ni Nato kanina. He's still using it kahit nando'n pa rin 'yong scratch."

Napangiwi ako sa sinabi niya. Ngayong kalmado na ko, full-on ko nang nararamdaman ang kahihiyan sa ginawa kong iyon. "Nag-offer na si Sir– I mean ang tatay ko na bayaran ang magagastos ni Nato sa pagpapagawa ng car niya. Pero ang sabi ni Nato, hindi raw niya tatanggapin ang pera mula sa'min."

"Oh, is that so?"

"Kung sa car studio niyo magpapagawa ng kotse si Nato, okay lang ba kung bigyan mo ko ng copy ng resibo?" pakiusap ko sa kanya. "Para kahit tumanggi si Nato, maipapadala pa rin sa kanya ng tatay ko ang tamang price."

"Sure, I can do that," pagpayag naman niya. "Pero sana, sa car studio namin magpagawa si Nato. Our company is the best for luxury cars but..." Napakamot siya ng pisngi. Halata sa mukha niya ang hesitation pero pagkatapos ng ilang segundong pag-pause, nagpatuloy din siya. "I don't get along with Nato."

"Don't worry– most of us don't."

Natawa lang siya sa sinabi ko.

"Kahit hindi kayo okay ni Nato, kung ang talyer niyo naman ang best choice para sa luxury cars, sigurado akong sa inyo pa rin siya magpapagawa ng kotse niya," pag-console ko sa kanya. "Na-mention mo naman na sa inyo pa rin niya pinagawa ang previous car niya, 'di ba?"

"That's only because he didn't know that I was the youngest son of our family," parang down na paliwanag niya. "Usually kasi, 'yong daddy at mga kuya ko lang ang nakakausap niya kapag nasa car studio namin siya. He expressed his disappointment when he found out that I belong to the family that caters to his car collection." Humugot siya ng malalim na hininga, saka umiling-iling bago nagpatuloy. "My dad was upset when he realized that I don't get along well with Nato– our biggest client. If he stops patronizing our car studio because of his bias against me, I'm sure my family will blame it on me."

I feel sorry for him if that happens but something is bothering me. "If you don't mind my asking, puwede ko bang malaman kung bakit hindi kayo okay ni Nato?"

I know that Nato has a terrible attitude. Pero ayon sa mga nalaman ko mula kina Pixie, Ai, at Chase, mukhang hindi naman siya ang tipo ng tao na maninira ng negosyo ng iba dahil lang sa personal bias. Unless may reason si Fortaleza para gawin 'yon.

RICH KIDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon