[LUA]
ONE year ago...
"LUA, talaga bang aalis ka na?"
"Oo, eh," nakangiting sagot ko sa tanong ni Nia na katabi ko habang nakaupo kami sa kama ko at nanonood ng Kdrama sa laptop niya. "Pumayag si Sir Desmond na dito ako mag-summer vacation pero gusto niya na nando'n na ko sa bahay nila one week bago ang pasukan."
Um-attend si Sir Desmond ng moving up ceremony ko kasama sina Mama at Papa. Bilang regalo sa'kin, binigyan niya kami ng parents at friends ko ng one week vacation sa Boracay. Sinama ko sina Ned, Ward, at Nia para makagawa kami ng maraming memories kasi hindi na ko makakasama sa kanila sa senior high.
Bukas na ang alis ko kaya para sulutin ang last night ko sa bahay nina Mama at Papa, nag-decide si Nia na mag-sleepover. Gusto rin sanang sumama nina Ward at Ned pero hindi pumayag ang parents ko. Kahit daw kasi childhood friends ko sila, hindi pa rin daw tama na matulog ang mga babae at lalaki sa iisang kuwarto sa age naming 'yon. Kaya bukas ng umaga na lang pupunta sina Ned at Ward para magpaalam sa'kin.
"Big time talaga siguro ang rich dad mo 'no?" tanong sa'kin ni Nia. "Na-Google ko 'yong Evangelina Academy no'ng nakaraan, eh. It's one of the most elite schools in the country. Grabe 'yong tuition fee do'n."
Alam ko 'yon kasi nag-search din ako tungkol sa Evangelina Academy.
"Ayokong isipin na elite school 'yon," matapat na sabi ko. "Ang nasa isip ko lang, iyon ang school ng half-brother ko kaya doon ako papasok. It makes me feel better if I put it that way."
"Will you really be okay there, Lua?"
"We'll see."
Bumuga siya ng hangin habang iiling-iling. "Lua, I'll miss you."
"I know," natatawang sabi ko. "Don't worry, Nia. Gagawa ako ng online diary para sa'yo. Saka madalas akong dadalaw. Ang sabi ni Sir Desmond, halos three hours lang daw ang biyahe niya mula sa bahay nila hanggang sa bahay namin. Makakauwi ako kahit kailan ko gusto."
"That's a relief," sabi ni Nia, saka siya tumingin sa'kin. "So, kelan ka magko-confess kay Ned? You're going to confess before you leave, aren't you?"
Nag-init ang mga pisngi ko pero hindi ko rin mapigilang mapangiti. "Tomorrow– bago ako umalis, magko-confess na ko kay Ned."
***
[LUA]
OKAY, NED doesn't need to look this good so early in the morning.
Halatang kakaligo lang niya dahil bukod sa basa pa ang buhok niya, hindi pa rin siya nagsusuklay. Pero iyon nga ang charm ni Ned, eh. His mesiness is somehow attractive.
"Sabay dapat kaming pupunta ni Ward dito," pagkukuwento ni Ned habang nag-iinat. "Pero pinuntahan daw siya ni Nia kanina at nagpasamang bumili ng pandesal sa bakery ni Mang Lito. Mayamaya na raw sila pupunta rito."
Napangiti ako kasi alam kong gagawin 'yon ni Nia para bigyan kami ni Ned ng privacy.
Kaya heto, magkaharap kami ngayon sa double swing sa bakuran namin. Dumating na si Sir Desmond at kasalukuyan silang nagbe-breakfast nina Mama at Papa sa loob ng bahay. Binibigyan nila ako ng time na magpaalam sa mga kaibigan ko.
"You look like your father," nakangiting sabi ni Ned mayamaya. "Is it okay to say that?"
"Nasabi mo na, eh," natatawang sabi ko naman. "Siyempre, okay lang 'yon. Hindi naman ako bulag, Ned. Nakikita ko rin naman na kamukha ko ang biological father ko."
"I think just like Tita Laura, your biological father seems kind," maingat na sabi niya. "Well, at least now. Aware naman ako sa gist ng nangyari sa mga magulang mo noon. Pero ngayon, nakikita kong okay naman na ang totoo mong tatay. I'm relieved."
BINABASA MO ANG
RICH KIDS
Ficção AdolescenteSquad goals kami. Pero ako 'yong patatas sa'min. Sad 'nu?