S2 #RK 6: MEMORIES (4)

636 59 12
                                    

[LUA]

ONE year ago...

"I SUPPOSE you're Lua Quindall."

Natigilan ako sa pagsubo ng pizza slice nang may maliit at magandang babae na bigla na lang umupo sa armrest ng armchair ni Pixie (na kumakain din ng pizza). Pinunasan ko muna ng tissue ang gilid ng bibig ko bago ako sumagot. "Yes, I'm Lua Quindall. And you are...?"

"Millicent Tiongson," nakangiting sagot niya.

Ngumiti ako sa kanya. "Nice meeting you, Millicent."

Obviously, Millicent has Chinese blood. Bukod sa singkit siya, iba rin ang kulay ng balat niya. Hindi iyon maputi na kagaya ng mga balat ng mestiza. Her complexion is kind of pinkish.

Maliit at maganda ang mukha niya. Saka kahit maliit siya, ramdam ko ang malakas niyang presensiya. Siya 'yong tipo ng tao na tititigan mo talaga kahit nakaupo lang siya. Pero aaminin ko na kahit ayokong nag-iisip ng masama tungkol sa kapwa ko, hindi ko naman maiwasang mapansin na may kakaiba sa tingin ni Millicent.

Kung tingnan niya ko, parang she's silently looking down on me.

If I will be honest, I'd say I could see a glint of meanness in her chinky eyes.

"Why are you in our classroom, Milli?" sita ni Pixie sa kanya. "Did you ditch your boys?"

"Nato's having lunch outside the school while Dax is on his way," sagot ni Millicent, saka lumagpas ang tingin niya sa'kin. "Oh, there he is."

Nalingunan ko si Dashiel. Tiningnan lang niya ko bago siya dumeretso kay Milli na inakbayan agad niya. Dahil sa ginawa niyang 'yon, na-realize ko agad kung sino si Milli sa buhay ng kapatid ko.

"Why didn't you wait for me, Milli?" tanong ni Dashiel sa kanya.

Ngumiti si Millicent at tumingin sa'kin bago siya sumagot. "Well, I can't wait to meet your sister." Pagkatapos, tumingin uli siya sa kapatid ko. "She looks like your female version, babe."

Babe? At least common ang tawagan nila. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko kung super cringey ang endearment nila kasi madali akong matawa.

Anyway, hindi nag-comment si Dashiel sa sinabi ni Millicent na magkamukha raw kami. Tumingin lang siya sa'kin habang nakapatong ang kamay niya sa ulo ng girlfriend niya. "This is my girlfriend. Be nice to her."

Okay, that doesn't sit well with me. Shouldn't he say that Millicent and I should be nice to each other? Pero dahil kababati lang namin, dinaan ko sa mas subtle na paraan ang pagsita sa kapatid ko.

"My attitude depends on how you treat me," nakangiting sabi ko kay Dashiel. "But my "default setting" is being nice so don't worry, Dashiel."

Oha, isang buwan pa lang ako sa Evangelina Academy pero nag-i-improve at napapadalas na rin ang pag-i-English ko.

Eh kasi naman, itong mga kaklase ko, panay English ang first language. Sa bahay naman, sina Sir Desmond at Dashiel ang pala-English. Buti na lang, si Ma'am Eleanor eh mas madalas mag-Filipino. Tinanong ko siya tungkol doon kasi napansin ko na kung minsan, malalim siyang magsalita ng Tagalog. Hindi ko 'yon naririnig kina Sir Desmond at Dashiel kaya nagtaka ako.

Ayon sa ginang, naging Filipino teacher daw siya sa mga first college students noon bago siya nag-decide na tulungan ang parents niya sa family business nila. Kaya raw hanggang ngayon eh nakakasanayan pa rin niya ang magsalita ng malalim na Tagalog.

"You lost, babe," natatawang sabi ni Millicent sa kapatid ko. Dahil ba iyon sa sinabi ko kanina? "Your sister is wittier than you."

"Of course, my Lua is wittier," proud na sabi ni Pixie. Hindi ko lang alam kung bakit proud siya sa'kin na parang anak niya ko. "And I like Lua better than you, Dax."

RICH KIDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon