S2 #RK 9: MEMORIES (7)

500 55 8
                                    

Schedule: Two updates every Thursday.

Note: Please don't forget to vote and leave comments so I wouldn't forget/lose motivation to update din. Salamat in advance. :))

***

[LUA]

"DASHIEL, I'm sorry," puno ng guilt na sabi ko sa kapatid ko habang magkaharap kami sa table for two sa garden. Umiinom siya ng tea habang umiinom naman ako ng hot Milo. Inaya ko siya ro'n para makapag-usap kami. "Napagalitan at na-punish ka ni Sir Desmond dahil sa'kin."

"It wasn't your fault," cool na sabi ni Dashiel, saka siya sumimsim ng tea bago nagpatuloy. "Let's blame it on Nato."

Napangiti ako sa sinabi niya. Saka napansin ko na gentle na siyang tumingin at makipag-usap sa'kin. Nawala na 'yong indifference na nararamdaman ko noon kapag may interaction kami. "Dashiel, tanggap mo na ba ko?"

"Hmm?"

"Feeling ko kasi, tanggap mo na ko as your sister," matapat na sabi ko. Aware ako na ang cheesy ko ngayon pero alam kong ito ang perfect timing para mag-heart to heart kaming magkapatid. "Ang nice mo kasi sa'kin ngayon."

"Was I mean to you before?"

"Yes."

Napangisi siya habang iiling-iling. "You're brutally honest, Lua."

"Mali ba ko?"

Umiling siya sa tanong ko. "I was only tolerating you at first. Alam ko naman kasing wala kayong kasalanan ng mama mo. Pero eventually, nainis ako sa'yo kasi feeling ko, ang detached mo kina Mommy at Daddy. I hated that."

Medyo nalungkot ako sa revelation niya pero wala naman akong magagawa. Alam ko kasing awkward pa rin ako kina Sir Desmond at Ma'am Eleanor hanggang ngayon. I just feel bad that it seems to hurt my brother.

"But now I know that you genuinely care for our dad and my mom," pagpapatuloy ni Dashiel, saka siya tumingin sa'kin. "That's all I need to know."

"So, okay na tayo?"

Tumango siya, saka niya pinatong ang kamay niya sa ibabaw ng ulo ko. "From now on, I'll be nice to you."

"I'll be nicer to you, too," pangako ko sa kanya. "Thank you, Dashiel."

"Dax," sabi ni Dashiel sa'kin. "Just call me 'Dax' from now on, little sis."

Napangiti ako sa sinabi niya. Ah, masarap pala sa pakiramdam kapag tinatratong baby ng "kuya" ko. Ngayon eh feel na feel ko na talaga na may kapatid ako. "Okay, Dax."


***

[LUA]

"SO, YOU'RE the famous Lua Quindall, huh?"

"Yes," nakangiting sabi ko sa cute guy na nasa harapan ko ngayon. Hinila niya ang armchair ni Pixie at umupo siya ro'n habang nakaharap sa'kin. Break time namin at lumabas si Pixie para bumili na naman ng food kaya "nasolo" ako ng new stranger na 'to. "Famous na ba ko?"

"Lahat ng dumidikit kay Nato Fortaleza, nagiging instant famous," sagot niya habang nakapalumbaba at nakatitig sa mukha ko. "You're not a knockout beauty but you're pleasant to the eye. Puwede na rin."

I know I should be offended but I didn't feel an ounce of malice from this guy so in the end, I just laughed it off. Ewan ko ba pero magaang agad ang pakiramdam ko sa kanya. Saka ang gentle kasi ng mukha niya. "Puwede ko bang malaman kung sino ka?"

"I'm Chase Florentino," pagpapakilala niya. "Ai is my cousin."

"Now I know kung bakit magaang ang loob ko sa'yo," nangingiting sabi ko. "I like Ai because she's nice. You have the same vibes as her, Chase."

Napangiti si Chase sa sinabi ko. "That's one of the best compliments I've heard in my life, Lua Quindall. Thank you."

Ngumiti lang ako sa sinabi niya. "So, may kailangan ka ba sa'kin?"

"I just want to introduce myself," sabi niya. Pagkatapos, may kinuha siyang magazine mula sa backpack niya. Inabot niya iyon sa'kin. "I made that magazine as a graduation gift for Nato back when we were in junior high. Naging in-demand 'yan kaya nag-reprint ako. Then, pinamigay ko sa schoolmates natin. That's why I'm loved by most of our schoolmates."

Natawa lang ako sa mga sinabi niya, saka ko tiningnan ang magazine.

Sina Nato at Chase ang nasa cover. Nakakapit si Chase sa braso ni Nato na nakatingin sa left side kaya na-emphasize ang attractive profile niya. Ang tangos ng ilong ni Fortaleza, ha? Saka kahit nakasimangot siya, ang guwapo pa rin talaga.

Mukhang ang bata pa nina Nato at Chase rito kahit last year lang naman yata ang picture na 'to since Grade 11 pa lang kami.

Binuklat ko ang magazine at ini-scan ng basa ang mga nakasulat doon. Merong "friendship history" do'n na mukhang mula sa childhood memories ni Chase kay Nato. Marami ring trivia doon tungkol kay Fortaleza. Ngayon gets ko na kung bakit marami ang nanghingi ng copy niyon.

"You can have it, Lua," sabi ni Chase mayamaya. "Gusto ko talagang ipagkalat ang friendship history namin ni Nato."

"Thank you, Chase," natatawang sabi ko, saka ko sinara ang magazine bago ako tumingin sa kanya. "I'll read this later."

"Please read it for real," sabi niya. "Gusto ko ng shock absorber na makikinig sa pagfa-fanboy ko kay Nato. All of my friends are already tired of listening to my stories about him, eh. I sound like a broken record na raw. Since you're new, hindi ka agad magsasawa sa'kin."

"Gusto kitang makakuwentuhan pero hindi ko sure kung mag-e-enjoy ako kung si Nato lang ang topic natin," matapat na sabi ko sa kanya. "I'm not fond of your friend."

"I'll change your mind," confident naman na sabi ni Chase. "Nato is my first love for a reason, you know."

Okay, that revelation left me speechless.

Too much information.

"Chase Florentino, what the hell are you doing here?"

Napatingin ako sa nagsalita at napasimangot nang makita kong si Nato nga ang dumating. Bukod sa hindi ako masaya sa presensiya niya, hindi rin ako natutuwa na umaarte ang classmates ko na parang may celebrity na dumating. May iba pa ngang girls na talagang napatili pa.

Kaya lalong nagiging arrogant 'tong si Fortaleza, eh.

"Hi, Nato," bati ni Chase sa kanya. "I'm just introducing myself to Lua Quindall."

Nato lightly whacked Chase on the head before he turned to her with a smug look on his unnecessarily handsome face. "Lua Quindall, did I ask you to pay for my car's repair? Tinawagan ako ng daddy mo, eh. He said he'd pay for it."

"Ang sabi ni Sir Desmond, tumanggi ka raw," sagot ko. Halatang nagulat sila ni Chase sa tinawag ko sa tatay ko pero hindi ko na lang pinansin ang reaksyon nila. "Pero in-assure niya ko na kahit tumanggi ka raw, mag-se-send pa rin daw siya sa'yo ng payment."

"I don't need your money," masungit na sabi ni Nato. "I'm a man of my words, Lua Quindall. I said I wouldn't punish you so I won't. If I take your money, that's the same as taking back my words."

"Hindi naman na "tayo" kaya okay lang kahit tanggapin mo ang payment namin," giit ko naman. "No'ng kalmado na ko, na-realize ko na mali ako para gumanti sa'yo sa gano'ng way. I suddenly feel sorry for your parents. Kasi sila ang bumili ng kotse mo, eh. That and damaging other people's property is a crime."

"I still don't want your money," masungit pa ring sabi ni Nato. Pagkatapos, piningot niya sa tainga si Chase at hinila ito patayo. Nagreklamo si Chase pero tumayo din naman at nagpakaladkad kay Nato habang palabas sila ng classroom. No'ng nasa pinto na si Fortaleza, saka lang niya binitawan ang tainga ni Chase. Then, he turned to me. "Lua Quindall, you're a strange one."

Bumuntong-hininga ako habang iiling-iling. "Not as strange as you, Fortaleza."

RICH KIDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon