#RK SEASON 1 FINALE

745 64 13
                                    

[LUA]

PAGPASOK pa lang sa exclusive village na iyon, napanganga na ko sa naglalakihang mga mansiyon na nadadaanan namin.

Kaya na-shock ako nang pumasok ang kotse sa estate na may malawak at magandang garden. Nang bumaba kami ng sasakyan, mas lalo akong na-shock nang sumalubong sa'kin ang three-story modern mansion ng mga Quindall.

Ganito 'yong mga mansiyon na napapanood ko sa mga afternoon teleserye!

"Lua, okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Sir Desmond sa'kin. "May problema ba?"

Tumingin ako sa kanya, saka ako mabilis na umiling. "Sir Desmond, sobrang laki po ng bahay niyo."

"Bahay natin," nakangiting pagtatama niya sa'kin. "Let's go inside."

Tumango lang ako, saka ako sumunod sa kanya sa loob ng mansiyon.

Kung maganda iyon sa labas, mas maganda sa loob. Lahat ng gamit do'n, sobrang sosyal. Kahit weird ang mga painting na nakasabit sa mga dingding, sigurado naman akong super expensive ng mga iyon. Bukod do'n, ang bango-bango rin ng paligid.

At centralized aircon ang buong bahay!

"Oh, you're here."

Bigla akong natigilan sa paglalakad nang may maganda at eleganteng ginang na sumalubong kay Sir Desmond. Nang halikan siya ng biological father ko bilang pagbati, na-realize ko na siya ang asawa ng tatay ko.

Simpleng long-sleeved dress na umabot sa ankle ang suot ng ginang. Maiksi ang buhok niya at maliit ang mukha. Alam kong nasa fourties na siya pero sa totoo lang, puwede pa siyang pumasa na nasa mid thirties pa lang. Saka balingkinitan din siya– parang pang-dalaga pa ang katawan. Did she find the fountain of youth or something?

"Lua, this is my wife Eleanor," pagpapakilala ni Sir Desmond sa asawa niya. "Eli, that's Lua, my daughter."

"H-Hello po," bati ko sa kanya nang makabawi na ko sa pagkabigla. "Ma'am Eleanor."

Mukhang hindi na nagulat si Ma'am Eleanor sa tinawag ko sa kanya. Ngumiti lang siya at lumapit sa'kin para i-beso ako sa magkabilang-pisngi.

Shucks– ang bango-bango niya!

"Welcome home, Lua," nakangiting bati sa'kin ni Ma'am Eleanor pagkatapos niya kong i-beso. Pagkatapos, hinawakan niya ang mga kamay ko. "You must be hungry. Tinanong ko si Laura kung ano ang paborito mong mga pagkain. She said you like caldereta so for our lunch today, I cooked beef caldereta for you. Just in case you're not in the mood for caldereta, nagluto rin ako ng iba mo pang mga paboritong ulam like kare-kare, chicken barbecue, and nirelyenong bangus. Pero kung may kine-crave ka ngayon, 'wag kang mahihiyang magsabi sa'kin."

"My wife can cook anything," proud na sabi ni Sir Desmond. "At mas masarap pa siyang magluto kesa sa ibang professional chef na kilala ko."

"Hon, don't say that," halatang nahihiyang saway dito ng ginang. "Baka mag-expect si Lua at hindi ko maabot 'yon."

"Hindi po 'yan totoo," nakangiting tanggi ko naman, saka ako suminghot ng malakas. "Naaamoy ko po ang mga niluto ko. They smell good po."

Napangiti si Ma'am Eleanor sa sinabi ko na parang natuwa. Halatang may sasabihin siya pero natigilan siya nang may nagsalita mula sa likuran niya.

"Is she my sister?"

Napatingin ako sa grand staircase at muli, natulala na naman ako sa nakita ko.

A very handsome boy is going down the stairs. Para siyang younger version ni Sir Desmond. Kahit na simpleng hoodie at shorts lang ang suot niya, halata pa ring "iba" siya sa ordinaryong mga teen na gaya ko. He gives off the "rich boy" aura.

RICH KIDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon