#RK 1: CONCERT TIX

4.6K 125 79
                                    

[LUA Quintall, 18]

"YOU ALL won't believe this," excited na pagkukuwento ko sa friends ko habang nakaupo ako sa sahig at may hawak na malaking mug ng hot chocolate. "Nag-camp out ako sa labas ng mall with my fellow fangirls and fanboys. Pang-number 23 ako sa pila pero kabado pa rin ako kasi alam kong ma-so-sold out agad 'yong tickets para sa concert ng U-niverse." That's my favorite three year old Kpop boy group who are currently expanding their global influence by doing a world tour. "12PM nag-open 'yong mga ticketing booth pero after ten minutes pa lang, nag-iiyakan na 'yong mga nasa harap ng pila kasi nagkakaubasan na raw ng magagandang seats. Eh ako naman, maiyak-iyak na rin ako. 'Yong katabi ko nga, tina-try na rin niyang bumili online pero nagka-crash daw 'yong site. Gusto ko nga rin sana kaso wala naman akong credit card. Anyway, no'ng turn ko na, halos nadasalan ko na lahat ng santo na kilala ko. Pati nga guardian angel ko, iniyakan ko na sa isip ko." Tinawanan ko ang sariling joke ko pero nang hindi nag-react ang friends ko, nagpatuloy na lang ako. "So, ayun nga. No'ng ako na 'yong nasa counter, sinabi ba naman ni ateng na ubos na raw ang tickets! Jusko, muntik na kong mag-breakdown. Pero ayokong mag-give up agad kasi nag-camp out nga ako, 'di ba? Kaya nakiusap ako kay ateng na i-refresh niya lang ng i-refresh. Hanggang voila, may naging available na seat." Binaba ko ang mug ko sa sahig para kunin ang pahaba kong wallet. Pagkatapos, nilabas ko ang concert ticket ko na may kasamang souvenir card. May picture iyon ng all-members ng U-niverse. "Tentenenen! Look, I got a tix in the gen ad section. Upperbox B sana ang target ko pero ito na lang ang available. Hindi ko na kasi afford 'yong ibang section so nag-settle na ko sa gen ad. Ang importante naman, nasa loob ako at hindi na ko Team Bahay ngayon."

Nanatiling tahimik ang squad ko habang nakatingin sa'kin na parang hindi ako maintindihan sa haba ng kuwento ko.

"Hey, nakinig ba kayo sa kuwento ko?" natatawang sita ko sa kanila. Hindi naman ako na-offend dahil kahit two years pa lang akong "saling-pusa" sa squad, alam kong hindi nila sasadyain na pahiyain o saktan ako in any way. Nagtataka lang talaga ako sa kawalan nila ng reaction ngayon kasi kadalasan naman, nag-re-react sila sa mga sinasabi ko. "Bakit wala kayong reaction d'yan?"

"Lua, no offense but we can't relate," sabi ni Milli na patagilid ngayon ang higa sa sofa habang ginagawang unan ang kandungan ng boyfriend niyang si Dashiel. And Dashiel happens to be my half-brother. "I mean, why do you have to go all through that when you could have just told us that you wanted to see that concert?"

[Millicent "MILLI" Tiongson, 18, the youngest daughter of the CEO of Comfort&Deluxe Foods Corporation, its flagship brand Satisfried is one of the biggest fast food chains in the country.]

Milli's appearance: Chinita, small face, short hair, petite frame and fun size, porcelain skin. She likes wearing turban headbands and cute casual dresses.

"That's right, little sis," pagsang-ayon kay Milli ni Dashiel na kunot-noong nakatingin sa kanya. Napangiti na lang ako sa pagtawag niya sa'kin ng "little sis" kahit four months lang naman ang tanda niya sa'kin. "Plus, you could have just borrowed my card. Better yet, ask our father for one." Pumalataktak siya habang iiling-iling. "I can't believe Dad hadn't gotten you your own card yet. I'll talk to him later."

[Dashiel "DAX" Quindall, 18, the oldest son of the CEO of Soar High Holdings Inc., the top company when it comes to producing processed meat. Also, the company's flagship brand called 'Breaktime' is one of the leading convenience store chains in the country.]

Dax's appearance: Mestizo, cute in a nerdy kind of way because of his round eyeglasses, messy hair, skinny. He likes hoodies and white T-shirts when at home (and during lazy days) because they are comfy. But he always dresses up smartly when he's outside.

RICH KIDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon