#RK 5: BDAY CAKE

921 84 15
                                    

[LUA]

"WOW," puno ng amazement na bulong ko sa sarili ko habang nakatingala ako sa giant tower of cream puff. Ano nga uling tawag dito? "Kruko-something?"

"It's a French dessert called croquembouche," pagtatama sa'kin ni Nato na nakaupo sa tabi ko habang umiinom ng champagne. Kung ang perfect pronunciation at boses niya lang ang pagbabasehan, masasabi kong nakaka-in love siyang magsalita ng foreign language. "But you can just call it cream puff tower."

"Hindi ko alam kung bakit pero 'yong brain ko, sinasabi sa'kin na tawagin 'yang power puff cake."

He just gave me a blank look, obviously missing my pop culture reference. This guy probably has never seen a single Power Puff Girls episode and I honestly feel sad for him.

"Never mind," sabi ko na lang, saka ako muling tumitig sa cream puff tower sa harapan namin. "Extra rin si Pixie, 'no? Nagpagawa siya ng ganyan kalaking cake para sa birthday ng big bike niya. She's so thoughtful even to inanimate objects."

At iyon ang reason kung bakit nandoon sila ngayon sa mansiyon nina Pixie. Sa gitna ng malawak na garden ginaganap ang swimming party. Bukod kasi sa hardin eh meron ding swimming pool doon.

Nakakaaliw nga kasi may mga college students na nandoon. Marami rin siyang nakitang teen stars, social media celebrities, at influencers na malapit sa age nila. Sobrang lawak talaga ng connection ni Pixie sa showbiz dahil siguro sa mommy niya.

Siyempre, invited din ang squad nila.

Nasa mini-bar sina Dax at Milli. Binabantayan kasi ng half-brother ko ang girlfriend niya para hindi masyadong malasing.

Habang ako naman, kumuha ng isang silya at umupo sa harap ng cream puff tower. First time ko kasing makakita ng gano'n. Namalayan ko na nga lang na nasa tabi ko na si Nato nang iabot niya sa'kin kanina ang plato na may mini cream puff tower. Kaya heto, hanggang ngayon ay hindi pa rin kami umaalis sa puwesto namin.

Ah, nakalimutan ko palang i-mention na naka-display din sa garden ang big bike ni Pixie. Customized daw ang hot pink color niyon. Hindi ko alam kung ano ang ireregalo sa big bike niya kaya nag-drawing na lang ako ng chibi version ni Pixie habang nakasakay sa big bike niya. Pagkatapos, ginawa ko iyong sticker.

Pixie seemed to love my present. Dinikit kasi niya niya ang isa sa mga sticker sa big bike niya kahit maraming bike lovers ang kumontra. According to her friend, "my bike, my choice."

"Pixie just wanted an excuse to eat croquembouche," sabi naman ni Nato mayamaya. "You know how much of a big glutton she is, don't you?"

Natawa ako pero hindi ko 'yon ma-deny. Kasi kanina, nakita ko si Pixie na may dalang malaking plato na may lamang mataas na tower ng cream puff. Mukhang mag-isa niya lang iyong kakainin. Nawala na nga siya sa public kaya malamang, kumakain na siya somewhere.

"Iba talaga kayong mga rich kids," nakangiti habang iiling-iling na sabi ko. "Nagpa-birthday party si Pixie for her big bike just because she wanted to eat a tower of cream puff. Noong nasa probinsiya pa ko, kailangan ko pang mag-ipon bago ako makabili ng simpleng birthday cake. Iyong tig-se-seven hundred pesos na cake, malaki na para sa'min."

"I don't know what to say since I can't relate," sabi niya mayamaya. "Sorry, I guess?"

"Hindi mo naman kailangang mag-sorry kasi hindi naman gano'n kamisrable ang sitwasyon namin noon. Cliché 'to pero masaya naman kami, eh," sabi ko, saka ko binago ang usapan. "Anyway, bakit ka nga pala nakabuntot sa'kin? Ginagawa mo na naman ba kong shield para iwasan ang mga girls na humahabol sa'yo?"

"Of course not," tanggi naman niya. "Itatanong ko lang naman kung ano ang gusto mong cake. Pero 'wag kang mag-assume. I'm just doing this for small talk."

RICH KIDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon