#RK 13: GROUP HUG

729 64 5
                                    

[LUA]

I'M really, really, really happy to see my childhood friends again.

Simula no'ng nasa kinder pa lang ako, classmates ko na sina Ned, Nia, at Ward. Naging super close lang kaming apat no'ng 4th grade pero simula naman no'n, hindi na kami naghiwa-hiwalay. Idagdag pa na halos magkakalapit lang ang mga bahay namin noon sa probinsiya. Si Ned lang ang medyo napalayo dahil sa subdivision sila nakatira.

Anyway, while our friendship isn't perfect, I can confidently say that we genuinely love each other. That's why it would be an understatement if I say that I miss us together.

"Gusto ko nang sumama sa inyo," emosyonal na sabi ko sa kanila no'ng nasa bus terminal na kami. "Gusto ko ring makita sina Mama at Papa."

Kanina, nagulat ako nang dumating sa HappyChic sina Dax, Milli, at Pixie na kasama sina Nia at Ward.

Dahil dumating sila, nagdesisyon kaming mag-merienda na. Maging si Ned na katatapos lang kumain that time eh kumain uli. Pero nag-ice cream na lang siya. Habang kami naman, nag-burger at fries (kinain namin 'yong in-order ni Nato kasi sayang naman).

Pagkatapos naming mag-merienda, nag-aya na si Nia na umuwi kasi gagabihin na raw sila.

Ginamit namin ang kotse ni Pixie pero si Dax ang nag-drive at naghatid sa'min ng friends ko sa bus terminal. Hindi na sumama sina Pixie at Milli dahil hindi na sila kasya sa sasakyan. Pero nagpasundo naman si Milli sa driver niya kaya hindi na raw namin kailangang mag-worry sa kanila ni Pixie.

Habang nagpapaalam ako sa friends ko ngayon, hinihintay naman ako ni Dax. Nag-coffee muna siya sa café sa tabi ng bus terminal at do'n din naka-park ang kotse.

"Hindi ba puwedeng sumama ka sa'min ngayon?" tanong ni Nia. "Sobrang miss ka na rin naman, eh."

Umiling ako. "May pasok pa bukas, eh. Pero this weekend, magpapaalam ako kina Daddy at Tita Eleanor para makadalaw ako sa inyo."

Mukhang natuwa naman si Nia sa narinig niya. "Promise?"

Ngumiti at tumango ako bilang sagot. "Promise."

Tumili siya, saka siya naglululundag. Pagkatapos, niyakap niya ako ng mahigpit. "Hihintayin kita, ha?"

Hinila ni Ward si Nia palayo sa kanya. Minura siya ni Nia pero hindi niya ito pinansin. Pagkatapos, ginulo niya ang buhok ko habang nakangisi. Ah, I miss this carefree boy. "Lua, okay ka lang ba talaga sa new friends mo? Mas chill na sila ngayon kesa no'ng first time namin silang ma-meet. Except for one."

Kumunot ang noo ko sa pagtataka. "Who?"

"Narcisso Antonio Olivero Teodoro Fortaleza," natatawang sagot niya. "Nato for short, right? Nakasalubong namin siya kanina, eh. He's still a jerk and he seems worse now."

Napabuga ako ng hangin habang iiling-iling dala ng disappointment.

"Nato is just in a bad mood," nakangiting pagtatanggol ni Ned kay Nato. "Magkasama kami kanina, eh. Okay naman siya."

"Oh, is that so?" komento ni Ward. "Baka nga bad mood lang siya kanina."

Ngumiti lang si Ned kay Ward, saka siya tumingin sa'kin. "It's nice seeing you again, Lulu. Kahit nasira ko ang surprise visit sana namin sa'yo, masaya pa rin ako kasi nakumpleto tayo ngayon." Ibinuka niya ang mga braso niya. "Come on."

Siyempre, nag-expect naman ako na yayakapin niya ko. Bukod sa excitement, kinilig din ako kaya nagmamadali akong naglakad palapit sa kanya. Pero mabilis din akong natigilan sa sunod niyang sinabi.

"Group hug tayo," nakangiting deklara ni Ned, saka siya tumingin kina Nia at Ward na parehong parang gustong batukan si Ned. "Bilis, nangangawit na ko."

Aaminin ko na disappointed ako na group hug pala ang sinasabi ni Ned. Pero hug na 'yon, tatanggi pa ba ko? Siyempre, hindi. Kaya ako na ang unang nag-dive sa yakap niya. Mabilis namang sumunod sina Nia at Ward. Pagkatapos, niyakap namin ng mahigpit ang isa't isa.

Aww, ngayon pa lang eh na-mi-miss ko na ang childhood friends ko.


***

[NED]

"WALANGYA ka talaga, Nedryk Quindos!"

Tinawanan lang ni Ned ang pagmumura sa kanya ni Nia kahit mahirap iyong gawin dahil sinasakal siya nito ngayon. Pero hindi naman mahigpit ang pagsakal nito sa kanya. Saka sanay na rin siya sa pagiging palamura at medyo violent nito kapag galit ito.

Saka may kasalanan din naman ako.

Anyway, nasa loob na sila ng bus ngayon at sa bandang gitna sila nakapuwesto. For three seaters ang nakuha nilang upuan. Siya ang nakaupo sa tabi ng bintana at si Ward naman ang nasa gilid ng aisle habang pinapagitnaan nila si Nia (na sinasakal pa rin siya).

"Kung nagugutom ka, sana sinabi mo na lang sa'ming hinayupak ka," pagpapatuloy ni Nia sa pagsermon sa kanya. Pagkatapos, binitawan na siya nito para humalukipkip. "Nasira tuloy ang pag-surprise natin kay Lua. Ang selfish-selfish mo talaga minsan, eh. Kaya hindi ko gets 'yong mga nagsasabing good guy ka. Spoiled brat ka kaya!"

Lalo siyang natawa sa sinabi nito. "Hindi ko naman kine-claim na good guy ako," tanggi niya sa sinabi nito. "But I'm really sorry for ruining the surprise. Gusto ko kasing maglibot mag-isa kaso alam ko namang hindi niyo ko papayagan. Kaya tumakas na lang ako."

"At naisip mong magpaalam by sticking a note sa bag ko?" iritadong tanong ni Nia. "Hindi ko kaya agad napansin 'yon kaya nataranta kami no'ng nawala ka. Nakakagigil ka talagang hinayupak ka, eh."

"Tumigil ka na nga sa kakamura, Nia," natatawang saway dito ni Ward. "Baka mamaya eh may magbuhos na sa'tin ng holy water dito."

Namula ang mukha ni Nia na halatang napahiya. Pero effective naman ang pagsaway dito ni Ward dahil tumahimik na ang babae.

"Ned, okay lang ba si Lua do'n sa Nato?" tanong sa kanya ni Ward habang nagbabalat ng itlog ng pugo na binili nito kanina. "No'ng na-meet pa lang natin si Nato noon, hindi na maganda ang vibes ko sa kanya, eh. Alam kong pinagtanggol mo lang siya kanina kasi ayaw mong mag-worry si Lua. But admit it, Ned. That rich kid is bad news."

"Lahat ng rich kids, hindi ko feel," dagdag naman ni Nia. "Kasi parang iba ang mundo nila sa mundo natin, eh."

"Let's not put a wall between us," nakangiting saway niya kay Nia na umarte lang na sini-zipper ang bibig. Pagkatapos, tumingin naman siya kay Ward para sagutin ang tanong nito kanina. "Don't worry, Lua is fine. Kilala naman natin siya, eh. Madali siyang mag-adapt sa kahit saan. Saka may napansin ako kanina."

"Ano 'yon?" sabay na tanong sa kanya ng mga kaibigan niya.

Tumaas-baba ang mga kilay ni Ned habang malaki ang ngiti niya. Meron siyang revelation at excited na siyang makita ang magiging reaction nina Nia at Ward. "Napansin ko na crush ni Nato si Lua at parang gusto rin siya ni Lua."

Nia and Ward didn't look amused and then they talked simultaneously– saying the exact same words. "Ang slow mo talaga, Nedryk Quindos."

Wow, his friends really had good rapport when teasing him, huh?

RICH KIDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon