#RK 6: PHONE

915 82 14
                                    

[LUA]

"OMAYGAD I forgot my phones at home."

Napatingin ako kay Pixie na kanina ka pa kinakalkal ang backpack niya. Lunch break na namin no'ng na-realize niyang hindi niya dala ang mga phone niya, eh. Mukhang wala siya sa sarili buong morning classes namin kasi may hang-over siya nang pumasok. Kagabi kasi, nag-clubbing sila nina Milli, Dax, at Nato. Hindi ako sumama kasi hindi naman ako umiinom ng alcoholic drinks. "Pixie, gusto mo bang hiramin ang phone ko? Baka kasi may kailangan kang itext or tawagan."

"Thanks, but no," sagot ni Pixie habang sinasara ang backpack niya. "Hindi kasi ako sanay sa android. No offense."

Tinawanan ko lang 'yon. "None taken. It's not like I own android."

Ngumiti lang siya sa'kin, saka siya kumapit sa braso ko. "Dahil naiwan ko ang phone ko, let's go."

"Pupunta tayo sa house niyo?"

"No, we're going to the mall since mas malapit ang mall dito kesa sa house namin," sagot niya habang hinihila ako palabas ng classroom namin. "I'll buy new phones."

"Seryoso?!"


***

[LUA]

SERYOSO nga si Pixie.

Heto kami ngayon sa EP Mall– ang mall na pagmamay-ari ng Fortaleza Group of Companies. Oo, ang company ng pamilya ni Nato. And speaking of him...

"Bakit ba sumama kayong lahat?" reklamo ni Pixie kina Dax, Milli, at Nato na naglalakad sa harapan namin. Habang si Pixie naman, nakayakap pa rin sa braso ko. "Gusto kong masolo si Lua today, eh."

"Not happening," sabi ni Nato, saka siya huminto sa paglalakad. Pagkatapos, humarap siya sa'min habang nakapasok ang mga kamay sa mga bulsa ng pants niya. "I'm sure you left your phones on purpose to have an excuse to buy new ones," bintang niya kay Pixie, saka niya nilabas ang isang kamay para marahang dutdutin ng daliri ang noo ni Pixie. "I know you, glutton. Modus mo na 'to ever since we were kids, eh."

"Tsk," reklamo ni Pixie, saka niya inalis ang kamay ni Nato sa noo niya. "Gusto kitang murahin pero employee niyo ang lahat ng staff dito. Saka alam kong may secret bodyguards ka dahil sobrang OA ng protection sa'yo ng family mo."

"Of course," confident na sagot ni Nato. "I'm the son of the Fortaleza clan and the future heir of the company."

Napangiti naman ako habang iiling-iling. Nando'n na kami sa sosyal na tindahan ng mga phone. Kaunti lang ang mga gaya naming customers na nandoon. Dahil siguro weekday at tanghali pa.

Pixie just rolled her eyes at Nato. "Milli, lend me your phone."

Lumapit si Milli sa'min– habang hila-hila si Dax sa braso– at inabot ang phone niya kay Pixie. "Anyway, Pixie. If you want to get the best phone, just ask Dax. Alam mo namang techynerd 'tong boyfriend ko."

"Techynerd?" iiling-iling na tanong ni Dax. "Is that even a word?"

"Yes," sagot ni Milli, saka siya tumingin ng matalim sa boyfriend niya. "Because I said so."

Umarte lang si Dax na sini-zipper ang bibig.

Habang si Pixie naman, naging busy sa pagta-type sa phone ni Milli. Mayamaya lang, sabay-sabay kaming nakatanggap ng message sa group chat namin.

Ah, 'Nato's Slaves' ang pangalan ng GC. Naglaro kasi kami noon at kung sino ang mananalo, siya ang mag-de-decide ng magiging name ng group chat. Obviously, si Nato ang nanalo kaya gano'n ang tawag sa GC namin.

RICH KIDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon