#RK 12: THE PROMDI KIDS

811 59 5
                                    

[LUA]

MAYBE I should stop giving excuses for Nato's petty attitude.

Aaminin ko na madalas eh pinapalagpas ko ang pagiging childish niya kasi alam ko naman na mabuti ang intention niya. Pero ngayon, na-realize ko na napapasama na ang pagiging understanding ko sa kanya. Mukha kasing masyado ko na siyang na-spoil.

"Nato, stop making me uncomfortable," seryoso at cold na pag-call out ko sa kanya dahilan para sabay silang mapatingin ni Ned sa'kin. "Kanina pa kita sinasaway, 'di ba?"

"Are you upset?" halatang nabiglang tanong sa'kin ni Nato. "What did I do? I'm just trying to make a small talk with your probinsiyano friend."

"His name is Ned," paalala ko sa kanya. "Stop calling him probinsiyano."

Halatang mangangatwiran pa siya pero nang panlakihan ko siya ng mga mata, tumahimik na siya. But judging by his frown, he's obviously upset.

"Uy, chill lang tayo," nakangiting sabi ni Ned, saka siya tumayo at umupo sa tabi kabilang side ko. Pagkatapos, yumuko siya para silipin ang mukha ko. "Bakit ka naka-pout, Lulu?"

Nag-init naman agad ang mga pisngi ko sa sobrang lapit ng mukha ni Ned sa mukha ko. Mas guwapo at mas mabango kasi siya sa malapitan. Ang bilis at lakas tuloy ng heartbeat ko ngayon! "H-Hindi naman ako naka-pout."

"Namumula ang cheeks mo," nag-aalalang sabi niya mayamaya. Pagkatapos, lumayo siya sa'kin at ipinaypay ang mga kamay niya mukha ko. "Naiinitan ka ba?"

Sasagot sana ako pero natigilan ako nang maramdaman kong kumilos si Nato. Nang lingunin ko siya, nagulat ako nang makitang nakatayo na siya.

"I'll go ahead, Lua and Ned," paalam ni Nato sa'min Ned kahit sa'kin lang siya nakatingin. Bago pa ko makasagot, lumagpas na ang tingin niya sa'kin. "Mr. Lee, let's go."

Nanlaki ang mga mata ko nang malingunan ko si Mr. Lee na mabilis tumayo mula sa kabilang mesa. Hindi ko namalayan na nando'n pala siya. Nawala ang atensiyon ko sa sekretarya nang tahimik nang umalis si Nato.

He's really upset.

"Miss Lua and Sir Ned, mauna na kami sa inyo," polite na paalam sa'min ni Mr. Lee nang huminto siya sa harapan namin ni Ned. "The young master isn't feeling well so please excuse his behavior. I hope he didn't offend you."

"He didn't. I actually enjoyed Nato's company," nakangiting sagot ni Ned. "Ingat po kayo sa biyahe."

"Mr. Lee, I made Nato upset so please have more patience with him today," sabi ko naman sa kanya. "Ingat po sa pagda-drive."

Isang polite na tango lang ang isinagot sa'min ni Mr. Lee, saka siya muling nagpaalam sa'min bago siya lumabas ng fast food chain.

Super nakakapagod ang araw na 'to.

"Lulu?"

Nalingunan ko si Ned na nakapalumbaba na sa mesa habang nakatingin sa'kin na para bang pinag-aaralan ko. Siyempre, na-conscious naman agad ako. "Hmm?"

"You really care about Nato, 'no?"

"Huh?"

"The first time I saw you with your new friends, I noticed that you were polite to them. Na parang nakiki-hang out ka lang sa kanila kasi mga friends sila ng half-brother mo. It was almost like you were only tolerating them out of pakikisama," pagsisimula ni Ned sa maingat na boses. "But now, you snapped. You only do that to people you care about. Do you know that?"

Hindi ko naiintindihan ang mga sinasabi niya pero nakaramdam pa rin ako ng pagkapahiya. "What do you mean by that, Ned?"

Natawa siya na parang na-amaze kasi hindi ko agad na-gets ang sinasabi niya. "Lulu, the more you're rude to a person, the more you're close to them. Except do'n sa talagang mga nakakaaway mo, ha?"

RICH KIDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon