[LUA]
TWO years ago...
"PIGILAN mo ko, Nia," sabi ko sa kanya habang nakatingin ako sa grupo ng boys sa P.E class namin. Dapat eh naglalaro sila ng basketball sa school gym pero hayun, porke umalis saglit ang teacher namin, pinag-iinitan na naman nila si Ned. Napansin ko na no'ng game pa lang kanina eh pasimple na nilang binabanatan si Ned na as usual, tinatawanan lang 'yon. "Kanina pa mainit ang ulo ko kaya talagang papatulan ko ang mga 'yon."
Hindi ako masaya sa P.E class namin pero hindi lang 'yon dahil sa nangyayari kay Ned ngayon. 'Yong teacher kasi namin, pinaglaro ng basketball ang boys habang kaming mga girls, sinabihan niya na i-record ang magiging score ng game.
I thought it is unfair so I politely asked him if the girls could use the half of the court to play basketball. Minasama iyon ni Sir Litimco at pinahiya ako sa klase. Sinabi niya na ako na lang daw kaya ang magturo kasi ang dami ko raw alam.
Smart-shaming, how classy.
Gusto ko pa sanang sumagot pero dahil ayokong madamay ang classmates ko kapag uminit ang ulo ng P.E teacher namin, tumahimik na lang ako. Pero mukhang na-offend talaga si Sir Litimco sa request ko kasi iniwan niya kami. Babalik din daw agad siya pero ten minutes na ang dumadaan, wala pa rin siya.
Napagod na sa paglalaro ang boys kaya huminto muna sila at nag-water break. Habang kaming mga girls naman, nawalan na ng gagawin. Kaya karamihan sa'min, nagkukuwentuhan na lang. Habang 'yong iba naman, gumagawa na ng homework namin para sa next class.
At heto naman kami ni Nia, pinapanood si Ned.
Fine, ako lang talaga ang "nagbabantay" kay Ned pero dahil wala namang ginagawa si Nia kundi ang manood ng Japanese school drama sa phone niya, hinila ko siya para ituro sa kanya ang nangyayari ngayon sa gilid ng gym.
"Hindi kita pipigilan kasi gusto kitang makitang nakikipag-away uli. Ang astig mo kaya," excited na sabi ni Nia, saka niya ipinakita sa'kin ang phone niya. Iyong female Japanese teacher na naka-twin pigtails at nakasuot ng red jacket and jogging pants, may mga high school gangsters na kaaway. "Lua, gayahin mo 'to, o."
Napabuga na lang ako ng hangin habang iiling-iling.
Hindi naman ako "siga" o "gangster" gaya ng tawag sa'kin ng karamihan sa mga schoolmates namin.
Marunong lang akong lumaban mula sa mga nambu-bully sa'kin at friends ko dahil no'ng nasa elementary ako, madalas akong sumisilip sa taekwondo class na nadadaanan ko kapag pauwi ako. Nahiya akong magpa-enroll sa parents ko kasi ayokong dumagdag sa gastos nila. Kaya nag-self study na lang ako sa pamamagitan ng panonood sa kanila sa bintana.
Noong freshman year naman namin sa junior high, meron kaming naging P.E teacher na nagte-train bilang professional female boxer. Naging close kami kasi ang dami kong tanong tungkol sa sports niya. Kapag uwian na, pinupuntahan ko siya sa faculty. Pagkatapos, dinadala niya ko sa gym kung saan siya nagte-train. Hinahayaan niya kong manood sa kanya at binigyan din niya ko ng training regimen na naaayon daw sa age ko.
Hindi ko in-expect na pagtuntong ng high school eh magagamit ko ang mga natutunan kong taekwondo and boxing moves. Salamat na rin siguro sa natural kong athletic body kaya madali para sa'kin ang i-execute ang moves na napapanood ko.
Kaya nga kung ano-anong action films ang pinapanood sa'kin ni Nia, eh.
Anyway, mabilis ding nawala kay Nia ang atensiyon ko nang nakita kong dinutdot ng class bully na si Garry ang noo ni Ned.
Okay, ibang usapan na kapag physical assault na!
Pinulot ko ang bola ng basketball na gumulong sa paanan ko. Ihahagis ko sana iyon kay Garry pero natigilan ako nang makita at marinig kong tumawa si Ned. Iyon lang ang ginawa ni Ned kaya nagtaka ako kung bakit parang napikon si Garry.
BINABASA MO ANG
RICH KIDS
Roman pour AdolescentsSquad goals kami. Pero ako 'yong patatas sa'min. Sad 'nu?