[LUA]
TAMA ba na isinama ko sila rito?
Nangingiti habang iiling-iling na lang ako habang pinapanood ko ang mga kaibigan ko na bumibili sa isang fishball stall.
"Kuya, I want ten piraso of fishball, twenty piraso of kikiam, and ten piraso of squidball," sabi ni Milli na ginagawang shield si Dax dahil takot itong matalsikan ng mantika. "And please make it sawsaw do'n sa sweet sauce po."
"And please make it tusta po," dagdag naman ni Dax na magkakrus ang mga braso sa harapan para siguro hindi matalsikan ng mantika. "Salamat po."
"It's not the right way to buy fishball 'no," iiling-iling na sermon ni Pixie kina Milli at Pixie. Si Pixie na may hawak na malaking cup at siya rin mismo ang tumutusok ng gusto niyang kainin mula sa kalan. Ah, siya rin pala ang reason kung bakit tumatalsik ang mantika. Gigil na gigil kasi siya sa paghuli ng malalaking fishball. "You have to tusok-tusok your choice on your own like what I'm doing para sa full experience. Hindi 'yong pinapahirapan niyo pa si Manong."
"Okay lang po, Ma'am," halatang masayang sabi naman ni Manong Fishball. "Pinakyaw niyo lahat ng tinda ko, eh. Salamat uli, ha?"
"You heard Manong," sabi naman ni Milli. "Saka it's your fault naman why we're acting this way 'no."
"That's right," pagsang-ayon naman ni Dax sa girlfriend niya. "Sobrang karas mo kayang kumilos. See? Tumatalsik ang mantika."
Natawa si Pixie. "That's why it's fun!"
Napangiti na lang ako habang iiling-iling. Nakatayo ako ngayon sa harap ng isang tall round table na nasa tapat ng fishball stand. Ang maganda kasi sa street na iyon na puno ng iba't ibang street food, may mga ganitong klase ng mesa na nakakalat sa paligid. Parang food park pero nasa gilid ng kalsada.
Bukod sa tapos na kong kumuha ng merienda ko, nandito rin ako dahil ako na naman ang naka-assign na sumalubong sa mahal na hari.
"Lua."
Speak of the devil...
Napangiti ako nang makita si Nato na naglalakad palapit sa'min habang may bitbit na dalawang transparent plastic bag na naglalaman ng mga milk tea.
Gaya ng inaasahan namin, nakasimangot at halatang iritado siya. Masikip kasi ang daan doon kaya siguradong hindi nakadaan ang luxurious car niya. Kaya heto, naglalakad siya sa ilalim ng initan. Kahit mag-a-ala singko na ng hapon, napakainit pa rin.
At mainit din ang suot niya.
Hindi bagay sa kalsada ang suot niyang dress shirt. Hindi nakakapagtaka na pinagtitinginan siya ng mga tao sa paligid, maliban kina Pixie, Dax, at Milli. Pero kunsabagay. Matangkad, guwapo, mabango, maputi, at halatang mayaman si Nato kaya sobrang takaw-atensiyon.
"Sumunod ka nga," nangingiting bati ko sa kanya nang makalapit siya sa table namin. "Bakit hindi ka nagpasama kay Mr. Lee para naman napayungan ka niya. Halatang init na init ka na, eh."
"I'm not a child," nakasimangot na sabi ni Nato, saka niya ipinatong ang limang naglalakihang milk tea sa mesa. "Plus, Mr. Lee has to find a parking space first. But he'll join us later because he misses fishball na raw."
Napangiti ako do'n. "Well, buti na lang at nakasunod ka."
Kumunot ang noo niya sa pagtataka. "Hindi mo ba in-e-expect na susunod talaga ako rito? In the first place, how dare you leave me out from this food trip? May iba ba kayong GC na hindi ako kasali, ha?"
"We didn't mean to leave you out," apologetic na sabi ko naman. "Saka wala kaming secret GC na hindi ka kasali. Eh kasi kanina, nag-aya si Dax na mag-merienda sa hotel daw kasi wala ang parents namin sa bahay. Pero no'ng sinabi ko na nagke-crave ako sa street food, sinabi niya na maghahanap na lang kami ng fishball. Then, tinawagan niya si Milli para magpaalam. Eh magkasama pala sina Milli at Pixie kasi nagpa-spa sila. So, ayun. Tinawagan ka naman agad ni Milli kanina para pasunurin ka, 'di ba?"
![](https://img.wattpad.com/cover/171108218-288-k286883.jpg)