#RK 10: NED

802 77 21
                                    

[LUA]

IT ALL started with a text.

"Lua, nawawala si Ned! Humiwalay siya sa'min ni Ward, eh. 'Tapos, hindi na namin siya nakita paglabas namin ng university."

Nanggaling ang text na 'yon sa BFF kong si Nia. Nakalimutan ko na ngayon nga pala sila magpapasa ng requirements para makapag-exam sa university na malapit lang sa Evangelina Academy. Hindi rin nila ipinaalala sa'kin 'yon kasi may plano daw silang i-surprise sana ako. Eh kaso, bigla raw nawala si Ned kaya hayun, nagtext na si Nia sa'kin.

Nang malaman ko ang nangyari, umalis agad ako ng school. Hindi ko na rin natext si Dax kasi busy ako sa pagtetext kina Nia. Nagpapalitan kami ng update dahil nag-decide kaming maghiwa-hiwalay para mahanap si Ned. Parati kasing lutang si Ned kaya lagi kaming nagwo-worry sa kanya.

At siya 'yong tipo ng tao na madaling mabiktima ng budol-budol dahil masyado siyang naïve– just like a cinnamon roll character.

Pagbaba ko ng jeep, tumakbo agad ako papunta sa HappyChic– ang favorite fast food chain ni Ned. Iyon ang pinakamalapit na HappyChic branch mula sa pinanggalingan nilang university kaya naisip ko na baka doon siya nagpunta. Sobrang addict kasi siya sa HappyChic kaya sigurado ako na nandoon siya. Hindi iyon naisip nina Nia at Ward kaya pinuntahan nila ang bus terminal kasi iniisip nila na baka doon naghihintay si Ned.

Pero sinunod ko ang instincts ko kaya– ouch.

Naputol ang pagkausap ko sa sarili ko dahil natalisod ako at napaluhod sa magaspang na kalsada. Napasinghap ako dahil ramdam kong nagasgasan ang mga tuhod ko. Saka nakakahiya rin dahil pinagtinginan ako ng mga tao sa paligid. Pero hindi ko 'yon pinansin. Tumayo agad at tumakbo papunta sa HappyChic.

Mas mahalagang makita ko muna si Ned!

Pagpasok ko sa fast food chain, hindi lang ang AC sa loob ang nakapagbigay sa'kin ng relief. Nakita ko kasi agad si Ned na naka-squat sa harap ng isang batang babae na tinulungan niyang tumayo. Hindi ko naririnig ang sinasabi niya pero mukhang nagjo-joke siya kasi nakangiti siya. At tumatawa naman ang bata, gano'n din ang mommy (?) na kasama nito.

Ned looks like an angel...

Hindi 'yon exaggeration. Si Ned 'yong tipo ng lalaki na dadalhin mo sa pamilya mo at siguradong magugustuhan ng buong angkan mo. Idagdag pa na sobrang maamo talaga ang mukha niya– halatang hindi gagawa ng kalokohan. At hindi lang pang-display ang mukha niya kasi talagang mabait siya. Religious, magalang, matalino, athletic, at friendly pa.

Bonus na lang na sobrang guwapo niya rin.

Kahit na simpleng white T-shirt, jeans, at black athletic shoes lang ang suot niya, ang pigi-pogi at super fresh pa rin niyang tingnan. Saka laging amoy-baby si Ned, kahit pa pinagpapawisan. Kaya nga siya ang campus heartthrob sa previous school ko.

Halata bang crush ko si Ned?

"Lulu," nakangiting bati sa'kin ni Ned nang nakita niya ko pagkatayo niya. Pagkatapos, para siyang bata na naglakad-takbo palapit sa'kin. "Anong ginagawa mo rito?"

"Hinahanap kita," sagot ko naman nang salubungin ko siya. Siyempre, ngiting-ngiti naman ako kasi tinawag niya kong 'Lulu.' Siya lang ang tumatawag sa'kin ng gano'n simula pagkabata. "Ang sabi kasi nina Nia at Ward, nawawala ka raw. Hindi mo pa dala 'yong phone mo."

"Ah, hindi ako techy kaya hindi ako nagdadala ng phone kapag kasama ko naman sila. Saka nag-iwan naman ako ng sticky not sa bag ni Nia. Sinabi ko sa kanya na maglilibot-libot muna ako at magkita na lang kami sa bus terminal. Baka hindi niya nakita 'yong note ko," mahabang paliwanag niya, saka niya ko inaya sa mesa niya. Table for two sa tapat ng glass wall ang puwesto niya kaya magkaharap kami nang umupo. "Tapos na kong kumain pero gusto mo bang i-order kita ng food?"

RICH KIDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon