#RK 11: TSUNDERE

928 85 23
                                    

[LUA]

BUMALIK kami sa loob ng HappyChic kasi nag-insist si Nato na doon linisin ni Ned ang sugat ko kesa sa labas.

Kaya heto, nakaupo ako habang naka-squat sa harapan ko si Ned. Si Nato naman, nakatayo sa harapan namin para raw takpan ako mula sa ibang customers kahit hindi naman ako makikitaan. Bukod sa may cycling shorts naman ako sa ilalim ng skirt ko, nilagay na rin ni Nato ang vest niya sa mga hita ko.

He can be so overprotective sometimes.

Mukha ngang bodyguard si Nato habang nakatayo. Um-order siya kanina ng mga burger at fries na nakapatong lang sa mesa. Hindi siya kumakain sa fast food na iyon habang busy naman kami ni Ned kaya hindi pa namin magalaw 'yong pagkain. Binili lang iyon ni Nato para hindi raw masabing nakiki-aircon lang kami doon.

"Lua, sabihin mo sa'kin kung mahapdi, ha?" halatang nag-aalalang bilin sa'kin ni Ned habang marahang pinupunas ang basang panyo niya (na binuhusan niya ng tubig mula sa dala niyang distilled bottled water) sa mga gasgas sa tuhod ko. Mayamaya lang, Betadine naman ang pinapahid niya ro'n. "Hindi ba masakit?"

Napangiti ako habang umiiling. "Hindi masakit, Ned. Alam mo namang mataas ang pain tolerance ko, 'di ba?"

"Ah," malakas na sabi ni Nato mayamaya. Nakatalikod siya sa'kin kaya hindi ko alam kung anong klase ng facial expression meron siya ngayon. Pero 'yong boses niya, parang naiinis na naman. "Kaya pala manhid ka."

Kumunot ang noo ko sa pagtataka. "Hindi ko gets ang connection, Nato."

"Nevermind," masungit na sagot ni Nato.

"Galit ba siya?" halatang kinakabahang tanong ni Ned habang nakatingala siya sa'kin. "May nagawa o nasabi ba tayong masama?"

"Default setting ni Nato ang pagiging grumpy," nakangiti at pabulong na sagot ko kay Ned na ikinatawa niya. Siyempre, mas lalo naman akong napangiti kasi gustong-gusto kong nakikita at naririnig na tumawa ang biggest crush ko. Pero mabilis din akong napasinghap nang maramdaman ko ang hapdi sa kabilang tuhod na nilagyan ni Ned ng Betadine. "Ouch."

Gumuhit ang guilt sa mukha ni Ned. "Sorry, Lulu–"

"Are you okay, Lua?" nag-aalalang tanong naman ni Nato na sa isang iglap lang ay nasa nakaluhod na sa tabi ko at nakatingin sa mga tuhod ko. Pagkatapos, tumingala siya sa'kin nang nakakunot ang noo. "Seriously, let's go to the hospital. Baka mamaya, may internal bleeding ka na or what. Saan ka ba nadapa? Bakit ka nadapa?"

Hindi ko alam kung matatawa o mapapailing ako sa pagiging OA ni Nato. Pero nang makita ko ang concern sa mukha niya, na-realize ko na ganito lang talaga siya sa mga kaibigan niya. Na kahit nagsusungit siya, may pakialam pa rin siya sa'min.

And that's enough for me to forgive him for the awful things he said to me this morning. Dapat ngayon pa lang, sanay na ko sa mga nasasabi niya na hindi naman talaga niya sinasadya. Pero siyempre, gusto ko pa ring marinig ang direct apology niya. Kasi gusto kong malaman kung alam ba niya kung ano ang nagawa niyang mali.

"Okay lang ako, Nato," nakangiting pag-a-assure ko sa kanya, saka ko tiningnan si Ned na maingat nilalagyan ng adhesive bandage ang mga tuhod ko. "Maingat si Ned kaya nga lagi siyang may dalang first-aid kita sa gamit niya, eh. He knows what he's doing." Tumingala sa'kin si Ned para ngumiti. Kinilig ako at para itago iyon mula sa kanya, tumingin uli ako kay Nato na nakasimangot na sa'kin. "Nurse ang mommy at mga ate ni Ned. Then 'yong daddy naman niya, med tech. Ned came from a family of health care workers. Amazing 'no?"

"Yeah, sure," sagot ni Nato sa halatang iritadong boses. "And I came from a family of old money. Mas cool, 'di ba?"

Pinanlakihan ko siya ng mga mata bilang pagsaway sa kanya. "Nato."

Sumimangot lang si Nato pero hindi naman na siya sumagot. "It seems like you don't need me here. Should I leave and give you more time with your friend?"

Hay nako, nagtatampo na naman siya.

"No," kontra ko. Kapag umalis si Nato ng ganito ang mood niya, siguradong kawawa ang lahat ng makakasalubong niya. Kaya umurong ako sa kinakaupuan kong sofa, saka ko tinapik ang space sa tabi ko. "Sit here."

"But you're upset with me."

"I'll be more upset if you leave."

"Fine, if you insist," parang napipilitang sabi ni Nato, saka siya tumayo at umupo sa tabi ko. Pagkatapos, hinawakan niya ang laylayan ng blouse ko. "You can bite me if you want to scream, Lua."

"I don't bite," natatawang tanggi ko naman habang iiling-iling.

"Ang close niyo pala?" halatang amazed na sabi ni Ned habang nakatingala siya sa'min ni Nato. "Sorry kung nosy pero kayo na ba?"

Nag-init ang mga pisngi ko, saka ako mabilis na umiling dahil ayokong ma-misunderstand ni Ned ang relationship namin ni Nato. "Ned, hindi–"

"Who knows?" nakangising sabi ni Nato habang nakatingin kay Ned. "What you see is what you get, right?"

Excuse me, Mr. Narcisso Antonio Teodoro Olivero Fortaleza?!


***

[Yvon]

Somewhere inside the HappyChic, disguised as a suspicious "tourist..."

"LADY Milli, red alert," pabulong na sabi ni Yvon kay Milli Tiongson na kausap niya gamit ang phone. Malapit lang siya sa mesa nina Ned, Lua, at ang boss niyang si Nato kaya naririnig niya ang usapan ng mga ito. "My boss screwed up again. I repeat: my spoiled, petty, and tsundere young master said something awful that might make Lady Lua hate him."

"As expected of Nato," halatang frustrated na sabi ni Milli. "Don't worry, Mr. Lee. I'll be there to clean up his mess."

***

NOTE: Sorry for the late and super short update! I'm cooking up something special for RICH KIDS readers. It's gonna be exciting so please watch out for my future announcement. ;)

RICH KIDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon