S2 #RK 3: MEMORIES (1)

580 40 3
                                    

[LUA]

"I HAVE a friend in your class," sabi ni Dashiel habang naglalakad kami sa hallway sa floor daw ng mga taga-HUMSS strand na gaya ko. "To be precise, she's Milli's friend."

"Okay," sabi ko habang yakap-yakap ko ang tote bag na naglalaman ng snacks ko. Bukod sa lunch box na hinanda ni Ma'am Eleanor para sa'kin (ayaw ni Dashiel magbaon kaya ako lang ang ginawan niya), meron din akong dalang food stash ko just in case magutom ako. "Pero sino si Milli?" tanong ko habang pasimpleng sumisilip sa mga classroom na nadadaanan namin. Mukhang normal naman ang mga iyon. Pero meron akong napansin na meron doon na wala sa dati kong school. De-aircon ang mga kuwarto rito.

"Millicent 'Milli' Tiongson is my girlfriend," nonchalant na sagot ni Dashiel sa tanong ko kanina. "I'll introduce you to each other later. If we makeup."

Napasinghap ako, saka ako lumingon sa kapatid ko. Hindi ko na pinansin iyong sinabi niya tungkol sa pagbabati namin dahil mas interested ako sa love life niya. "May girlfriend ka na?"

He looked at me like he's offended by my question. "Do you find it hard to believe that a geek like me managed to get myself a girlfriend?"

"Hindi sa gano'n," umiiling na tanggi ko naman. "Nagulat lang ako na pinayagan ka na nina Sir Desmond at Ma'am Eleanor na mag-girlfriend. No'ng kinausap kasi nila ako, sinabi nila sa'kin na sana raw eh 'wag ko munang isipin ang pakikipag-date. Gano'n din ang bilin sa'kin nina Mama at Papa bago ako pumunta rito."

"Well, you're a girl," katwiran niya. "I don't know why pero mas overprotective daw talaga ang parents sa mga anak nilang babae kesa sa mga anak nilang lalaki."

"Medyo unfair 'yon," nakasimangot na sabi ko.

Gusto ko rin siyang i-call out dahil sa sexist remark niya pero bigla siyang may binitawang nakaka-distract na tanong.

"Gusto mo na bang magka-boyfriend?" tanong niya sa'kin. "Don't worry. Hindi kita isusumbong kina Mommy at Daddy kapag nagka-boyfriend ka. I'm not a snitch."

"W-Wala pa 'yon sa isip ko," giit ko naman, saka ko siya naalalang i-call out. "Hindi fair na magkaiba ang rules sa'tin nina Sir Desmond at Ma'am Eleanor dahil lang sa kanya-kanya nating gender."

"Don't complain to me," reklamo niya, halatang naiinis dahil sa pag-call out ko sa kanya. "Complain to Mom and Dad."

"I won't complain to them," giit ko naman. "Pero may plano akong kausapin sila tungkol sa issue na 'to. Ang pagrereklamo kasi, walang naso-solve na issue. Pero ang isang maayos at educated discussion, magiging beneficial 'yon sa mga involved parties."

My brother turned to me with a horrified look on his face. "I don't know why but I feel the urge to hit you lightly on the head for saying that. It's normal for an older brother to hit his rebellious little sister to knock some sense into her head, isn't it?"

Hindi agad ako nakasagot kasi kahit only child lang ako bago ko nakilala si Dashiel, lumaki naman ako na may mga kaibigang merong mga kapatid. May harmonious relationship si Ned sa mga ate niya pero dahil siguro iyon sa malaking age gap nila. Mas malapit siguro ang sibling relationship namin ni Dashiel kina Nia at sa little brother niya.

Madalas batukan ni Nia ang kapatid niya kasi madalas din silang mag-away...

"If you hit, then I'll hit you back," banta ko kay Dashiel. "Saka bakit ba umaarte kang kuya ko eh para four months lang naman ang tanda mo sa'kin? We're still born on the same year."

"I'm taller than you," parang proud na katwiran niya. "You're so tiny that I see you as a six year old child."

"I'm sixteen not six," naiinis na paalala ko sa kanya. "Turning seventeen soon."

"Well, I'm seventeen now," katwiran pa rin niya. "See? I'm the older sibling here so the hierarchy between us is now established."

Magrereklamo sana ako pero natigilan ako nang may isang maganda at matangkad na babae ang lumabas mula sa classroom na hinintuan ni Dashiel. When the girl saw my brother, she smiled and walked to us until she's standing in front of me– checking me out quite obviously.

Ang ganda talaga niya at ang bango-bango pa!

"Dax, is she your half-sister?" tanong ng babae habang nakatingin pa rin sa'kin.

Oh, siya ba ang girlfriend ni Dashiel? Kung oo, masasabi kong magaling pumili ang kapatid ko. Mukha kasing mabait din si "Milli."

Saka parang familiar ang face niya.

"Yes, she's my sister," sagot ni Dashiel, saka siya tumingin sa'kin. "Lua, that's Pixiemay 'Pixie' Arellano. Siya 'yong sinasabi ko sa'yong friend ko na magiging classmate mo."

Ahh.

Si Pixie naman ang hinarap ng kapatid ko. "Pixie, this is my sister Lua. Be nice to her." Nilingon niya uli ako. "Susunduin ko pa si Milli sa front gate kaya I'll go ahead. Good luck."

Hindi man lang niya ko binigyan ng chance na makasagot dahil tumalikod na siya sa'min at mabilis na tumakbo palayo.

"Milli will kill him if he's late," natatawang sabi ni Pixie, saka siya humarap sa'kin. Pagkatapos, humalukipkip siya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa na para bang jina-judge niya ang buo kong pagkatao. Then, she smirked when our eyes met again. Napansin kong nagbago ang warm aura niya at napalitan iyon ng kaunting hostility. "So, you're Lua, huh? Actually, I'm instructed by the "young master" to–" Biglang kumalam ng malakas ang sikmura niya. "Eat. I'm hungry." Bumuntong-hininga siya habang tinatapik-tapik ang tiyan niya. Bumalik na rin ang friendly disposition niya na ikinabigla ko. Ang bilis magpalit ng mood ng isang 'to. "I had breakfast before I left for school but I guess it wasn't enough."

"Meron akong snack na puwede kong i-share sa'yo," offer ko naman, saka ko kinuha mula sa tote bag ang plastic ng monay na may palamang liver spread. "Kumakain ka ba ng monay na may liver spread?"

"Ngayon pa lang," sabi ni Pixie, saka niya kinuha mula sa'kin ang in-offer kong snack. Pagkatapos, nag-thumbs up pa siya sa'kin. "But I eat exotic food so don't worry too much, Lua."

"Hindi naman 'yan exotic food," natatawang sabi ko sa kanya. "Pero sana magustuhan mo pa rin ang favorite comfort food ko."

RICH KIDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon