#RK 18: THE PAST (4)

588 43 7
                                        

[LUA]

TWO years ago...

HINDI ko alam kung kung anong mararamdaman ko ngayong kaharap ko na si Desmond Quindall– ang biological father ko raw. Parang gusto ko nang pagsisihan ang desisyon ko na makipagkita sa kanya. Pero mabuti na lang, ni-request ko na doon na lang kami sa bahay namin magkita. Gusto ko kasi, nasa malapit lang ang mama at papa ko.

To be precise, nando'n kami sa kubo na ginawa ng papa ko sa bakuran namin. Doon kami tumatambay kapag mainit o kaya ay napuputulan kami ng kuryente.

Dito ang safe place ko kaya dito ko rin ginustong makilala si Desmond Quindall.

"Kumusta ka na, Lua?" tanong sa'kin ni Sir Desmond. "Pasensiya ka na kung inistorbo ko ang pagpapahinga mo. Gusto na kasi talaga kitang makausap."

"Okay lang po ako, sir," polite na sagot ko. Nakita ko ang disappointment sa mga mata niya nang tawagin ko siyang "sir." Pero anong magagawa ko? Ngayon lang kami nagkita kaya hindi ko pa kayang maging affectionate sa kanya. Saka para sa'kin, ang papa ko lang ang nag-iisa kong tatay. "Ang sabi po sa'kin ni Mama, kayo raw po ang nagbayad ng hospital bills ko. Saka simula raw po nang malaman niyo ang tungkol sa'kin, araw-araw na raw po kayong dumadalaw sa ospital. Hindi lang daw po kayo nagpapakita sa'kin kasi ayaw niyo raw po na ma-stress ako." Mariin akong napahawak sa laylayan ng suot kong sweatshirt. Gano'n kasi ako kapag kinakabahan at nahihiya, eh. "Thank you po sa lahat. Ang laki po ng utang-na-loob ko sa inyo."

"You don't owe me anything, hija," umiiling-iling na kontra niya. "Ginawa ko lang ang trabaho ko bilang daddy mo. Saka gusto ko ring bumawi sa'yo sa lahat ng pagiging pagkukulang ko sa'yo."

"Hindi naman po maituturing na pagkukulang 'yon," maingat na sabi ko. "Ang sabi po ni Mama sa'kin, hindi naman daw po niya sinabi sa inyo na may anak kayo. Wala po akong ill-feelings sa inyo kasi hindi niyo naman po alam na nag-e-exist ako. It's not like you abandoned us so you don't need to feel guilty about that, sir."

"I can't help it, Lua," katwiran niya. "May hinala na ko noon pero hindi ko sinunod ang kutob ko kasi no'ng panahong nalaman kong nagkaanak si Laura, pareho na kaming kasal no'n. Ayoko nang guluhin uli ang mama mo, at aksidenteng masaktan ang asawa ko."

"Tama po ang ginawa niyo," sabi ko na halatang ikinagulat niya. "Naging mabuti naman po sa'min ni Mama ang papa ko."

Okay, aaminin kong hindi ko pinag-isipan ang mga sinabi ko. Na-realize ko lang na hurtful words pala ang mga iyon nang gumuhit ang sakit sa mukha ni Sir Desmond. Mas malala iyon kesa no'ng unang beses ko siyang tawaging "sir."

"Lua, naiintindihan ko na si Damian ang nakagisnan mong ama at naging mabuti siya sa inyo ni Laura," maingat na pagsisimula niya. "Pero puwede bang bigyan mo ko ng pagkakataon na maging parte ng buhay mo bilang daddy mo? Kung papayag ka, gusto ko rin sanang ipakilala sa'yo ang asawa't anak ko. You have a brother the same age as you, hija."

Alam ko naman 'yon kasi na-mention na rin iyon sa'kin ni Mama. Pero hindi ko alam kung ano ang dapat isagot sa kanya ngayon. Nagdesisyon akong maging honest na lang.

"Sir Desmond, anong klase po ba ng pagbawi ang gusto niyong gawin?" naiilang na tanong ko sa kanya. "Gusto ko po sanang marinig ang plano niyo ngayong alam niyo na po ang tungkol sa existence ko."

For some reason, his face lit up. "Gusto kong ibigay sa'yo ang lahat ng karapatan mo bilang isang Quindall, anak. At magiging official 'yon kung gagamitin mo ang apelyido ko."

"Hindi ko po 'yan magagawa," mabilis at iritadong pagtanggi niya. "Ako po si Lua Rosales. Si Damian Rosales po ang tatay ko. Hindi ko po gagamitin ang apleyido niyo dahil lang kayo ang biological father ko."

RICH KIDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon