Hello. Please don't forget to vote and leave a comment. Mahalaga ang comments, nakakabuhay ng manunulat. Sa mga silent readers, huwag sanang mahiyang mag-comment paminsan-minsan. :)
***
[LUA]
"DAX, bakit kanina ka pa nakatingin sa'kin?" nagtatakang tanong ko sa half-brother ko habang nagtitimpla ako ng 3-in-1 instant coffee. Actually, merong coffee beans at coffee maker doon pero hindi ako marunong gumamit no'n. At mas gusto ko pa rin kasi talaga ang lasa ng 3-in-1 instant coffee kaya hindi ako nawawalan niyon sa stash ko. "Gusto mo bang i-try 'tong instant coffee?"
"No, I don't really like coffee," tanggi ni Dax na nakaupo sa high stool sa tapat ng kitchen island habang kinakain ang saging con yelo na ginawa ko para sa kanya. "I just noticed that you wear the same shirt almost everday."
Napatingin ako sa suot kong yellow shirt na may mukha ni Spongebob, saka ako natawa. "Strange ba na nag-uulit ako ng damit?"
"Yeah," sagot ng kapatid ko. "I mean, Milli and Pixie don't wear the same clothes more than twice. Kaya nakakapanibago na nakikita kitang same shirt ang sinusuot araw-araw."
"Komportable 'tong favorite shirt ko, eh," nangingiting katwiran ko naman. "Pero in my defense, hindi ko naman 'to sinusuot araw-araw. Marami lang akong shirt na magkakamukha ang design at nagkakaiba lang sa kulay. Kapag namimili ako sa Divisoria ng pambahay, mas nakakamura ako kapag marami akong binibili sa wholesale."
"Oh, I know Divisoria," parang na-excite na sabi niya. "But I've never been there."
"Gusto mong pumunta tayo ngayon?" pag-aaya ko sa kanya. "Tawagan natin ang iba para mas masaya."
"Tayo lang ang nasa Pilipinas ngayon," sabi niya. "Nag-sha-shopping sa Hongkong si Milli ngayon. Nagpa-hair cut naman sa Singapore si Nato. And si Pixie, nakipag-date yata sa new boy toy niya sa Thailand."
Napakurap-kurap ako sa mga katwiran na narinig ko. Pero 'yong kay Nato ang pinakanakaka-shock sa lahat. "Nagpunta pa sa Singapore si Nato para lang magpagupit?"
Tumango ang half-brother ko bilang confirmation. "As far as I know, Benz has been his barber ever since he was a toddler. But a few years ago, Benz decided to migrate to Singapore and open his own hair salon there. So twice a month, nagpupunta si Nato doon to get a hair cut."
"Wow," amazed na komento ko naman. "Wala ba siyang tiwala sa ibang barber dito?"
Nagkibit-balikat si Dax. "Nato is Nato. Kapag na-attach siya sa isang tao o bagay, hindi na niya 'yon bibitawan." I didn't know why but my half-brother gave me a teasing smile. "That's why you can never get away from him now, dear sister."
"What does it mean?"
Nagkibit-balikat lang ang kapatid ko, saka siya nagpatuloy sa pagkain.
"Anyway, bakit hindi mo sinamahan si Milli sa Hongkong?" nagtatakang tanong ko, saka ako sumimsim ng kape bago nagpatuloy. "Usually naman, sumasama sa kanya, 'di ba?"
"Well, I wanted to stay with you for the weekend since our parents are out of the country again for some business trip," katwiran niya. "Brother duties, you know."
Napangiti ako sa sinabi ni Dax. Napansin ko na pagkatapos ng insidente kay Troy, naging mas overprotective na siya sa'kin. Only child kami pareho bago namin nakilala ang isa't isa pero mukha namang natututunan na namin kung pa'no ang maging kapatid. "So, ano na? Divi tayo?"
"Sure," pagpayag naman ni Dax, saka siya tumayo. "Let's go."
***
[DAX]