S2 #RK 2: SIBLINGS

651 47 3
                                    

[LUA]

"HOW IS it, little sis?"

"Good," sagot ko sa tanong ni Dax pagkatapos kong sumipsip mula sa milk tea na binili niya para sa'kin. "Pero parang 'yong mga kape lang na binibili niyo 'to, eh– overpriced. Meron namang nabibili na instant milk tea. Saka kaya ko ring gumawa ng sago from scratch."

"Sago?" natatawa habang iiling-iling na tanong ni Dax. Pagkatapos, sumipsip muna siya sa milk tea niya bago siya nag-drive at nagpatuloy sa pagsasalita. "You mean the tapioca pearls?"

"Yes," sagot ko habang nginunguya ang black pearls. "Gusto mong gawan kita ng homemade milk tea?"

"Sure," pagpayag niya. "But it won't stop me from patronizing Milli's milk tea shop, sis. She'll kill me."

Natawa lang ako sa sinabi ng kapatid ko.

'Milli Tea' ang tawag sa milk tea shop na tinayo ni Milli sa establishment sa tapat lang ng Evangelina Academy. Mahilig siyang mag-franchise pero ngayon, nagtayo siya ng sarili niyang business dahil na rin sa pagkahilig niya sa milk tea. Noong nakaraang taon, madalas siyang lumipad sa Taiwan para sa pagkumpleto ng mga kailangan niya para sa pagtatayo ng Milli Tea.

At nitong nakaraang summer vacation– to be precise, noong April na birth month nina Milli at Nato– binuksan na nga ang Milli Tea. Hindi ako nakapunta sa opening ng shop dahil nasa Antique kami nina Mama at Papa no'n. Tuwing school break kasi, sa kanila ako nagbabakasyon. Pero siyempre, nagpadala ako ng flowers para sa kanya.

"Si Kuya Wincent ang business partner ni Milli sa milk tea shop niya, 'di ba?" tanong ko kay Dax mayamaya. Si Kuya Wincent ang older brother ni Milli at ang presidente ng isa sa mga subsidiary companies ng Comfort&Deluxe Foods Corporation ng mga Tiongson. "Buti may time pa si Kuya Wincent na tulungan si Milli sa pagtatayo ng business."

"Hindi pa naman nagsisimula si Kuya Wincent sa training niya as the successor ng company nila," paliwanag ng kapatid ko. "I don't know the details but according to Milli, her brother is in a rebellious stage right now."

"Rebellious stage?" nagtatakang tanong ko naman. Kuya Wincent is one of the most gentle and kindest people I know. Hindi ko ma-imagine na nagrerebelde siya. Sorry kay Milli pero mas bagay sa kanya ang role ng "black sheep" sa mga Tiongson. "Pa'nong pagrerebelde?"

"There's a requirement that Kuya Wincent has to fulfill first before Tito Lino and Tita Mildred acknowledge him as the next CEO," pagkukuwento niya. "But apparently, Kuya Wincent refused to do that. Kahit na tine-threaten na siya ng parents niya na idi-disown siya as the Tiongson heir, hindi pa rin daw siya nagba-budge."

"Oh. I'm sure may reason si Kuya Wincent," komento ko. "Hindi kasi siya 'yong tipo na magrerebelde lang out of whim."

"I know, right?" pagsang-ayon sa'kin ng kapatid ko. "Kay Milli ang role na 'yon sa Tiongson family."

Natawa ako kasi hindi ko in-expect na pareho pala kami ng iniisip ni Dax.

Anyway, kaming dalawa ang sabay na umuwi ngayon dahil meron daw meeting si Milli tungkol sa bago niyang franchising venture. At hindi pa rin pumapasok si Nato na madalas akong "kidnapin" para ihatid pauwi. Pero kahit pumasok na siya, hindi pa rin ako papayag na magpahatid sa kanya hangga't hindi pa kami nagkakabati.

Mangyayari lang 'yon kapag nag-apologize na siya.

"It's Nato's car," sabi ni Dax habang nagpa-park siya sa tabi ng convertible car ni Nato. "His favorite one."

Napangiwi ako kasi pagtingin ko sa labas, nakita ko ang "marka" na ginawa ko sa lumang sports car ni Nato. Nakasulat pa rin do'n ang salitang 'GAGO.' "Bakit ba hanggang ngayon eh hindi pa rin pinapabura ni Nato 'yon? Saka meron naman siyang ibang kotse, 'di ba?"

RICH KIDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon