#RK 8: RENT

962 72 13
                                    

[LUA]

"SERYOSO ka, Pixie?" hindi makapaniwalang tanong ko kay Pixie habang naglalakad kami papunta sa gym. "Binayaran mo na naman 'yong renta sa condo ng dine-date mo ngayon?"

"He said he's still in debt kaya wala na raw siyang pambayad ng rent," sagot naman ni Pixie habang pina-practice ang pag-swing ng hawak niyang badminton. "Don't worry about it, Lua. I used my savings naman, eh."

"Puwede ba kong mag-comment, Pixie?"

"Of course," sagot niya. "Hindi naman ako magkukuwento sa'yo kung ayokong marinig ang sasabihin mo."

"Then, excuse me," sabi niya, saka niya sinabi ang saloobin niya. "Pero tingin ko, mali ang ginawa mo. Alam kong pera mo naman 'yan at mayaman naman kayo. But still, the money you gave the guy you're dating came from the allowance that Tita Daniella gave you." Si Tita Daniella ay ang mommy ni Pixie na isang sikat na morning talkshow host. "And remember, Pixie. Your mother is a single mom. Kahit pa sabihin nating malaki ang suweldo ni Tita, hindi naman ibig sabihin eh hindi na siya napapagod sa pagtatrabaho. Nakakainis lang isipin na 'yong pinaghihirapan ng mommy mo eh napupunta lang sa dine-date mo. You're not even married yet. Saka buti sana kung ngayon lang 'to nangyari. Pero hindi, eh. You even pay for his meals." Napapalataktak ako habang iiling-iling. "Saka twenty years old na siya, 'di ba? Flexible naman ang schedule ng mga college students. I'm sure makakahanap naman siya ng part-time job kung talagang kailangan niya ng pera..." Napasinghap ako nang ma-realize ko na marami akong nasabi. Pagkatapos, marahan kong tinapik-tapik ang bibig ko. "I'm so sorry, Pixie. Ang dami kong nasabi about the guy you're dating. Lumagpas ako sa boundery ko."

Tinawanan lang 'yon ni Pixie. "I don't mind, Lua. Trust me, alam ko rin naman ang mga sinasabi mo. Hindi ko lang pinapansin ang red flags kasi gusto ko pa rin si Troy. Pero ngayong narinig ko na ang opinion mo, mas natauhan na ko."

"I didn't mean to talk bad about Troy but I couldn't help it," nahihiyang sabi ko. "Sorry."

"Don't be," natatawang sabi naman ni Pixie, saka niya ko niyakap. "Gano'n talaga kapag true friend, 'no? Mas galit ka pa kesa sa friend mo. It only means that you care about me, right?"

"Siyempre naman," nakangiting sagot ko habang marahang tinatapik-tapik ang likod niya. Kaya sana, makahanap ka ng mas deserving man for you, Pixie.

***

[LUA]

"HEY, Lua."

Natigilan ako sa paglabas ng school building nang makita ko si Troy, ang dine-date ni Pixie. Hindi ko masabing boyfriend siya ng kaibigan ko kasi sa pagkakaalam ko, hindi pa naman sila official. "Hello, Troy. Cleaner ngayon si Pixie kaya nasa classroom pa siya–"

"I'm here for you," halatang galit na sabi ni Troy nang tumayo siya sa harapan ko. "Binawi ni Pixie sa'kin 'yong pinahiram niyang credit card sa'kin. Pina-block na rin niya 'yon kaya hindi ko na magamit kahit kabisado ko ang digits niyon. Anyway, she said something about getting an advice from a good friend for coming up with that decision. Ikaw lang naman ang kontra na sa relasyon namin kaya sigurado ako na ikaw din ang nag-influence sa kanya na gawin 'yon."

"Hindi ko kailangang impluwensiyahan si Pixie kasi matalino siyang babae," giit ko naman sa kalmadong boses kahit nakaka-frustrate siyang kausap. "Saka credit card 'yon ni Pixie kaya may karapatan siyang bawiin 'yon. Bakit ka sa'kin nagagalit?"

"You're too nosy and that's my problem!"

"You're being a parasite and that's the problem."

Gumuhit ang galit sa mukha ni Troy at sa pagkagulat ko, bigla niya kong binigyan ng isang napakalakas na backhand slap.

RICH KIDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon