[NATO]
ONE year ago...
PAGBABA ni Nato ng kotse niya, nakita agad niya si Milli na nakaupo sa favorite bench nito sa ilalim ng wooden garden arch na entrance sa mini-forest ng Evangelina Boulevard. Parking space ang harapan niyon pero bukod sa school officials, siya lang ang puwedeng mag-park do'n.
But recently, Milli managed to get herself her own parking lane beside his. Pinayagan iyon ng school director dahil family friend nila ang mga Tiongson.
And well, the director is my grandmother who happens to be very fond of that midget.
"Young master, please give me your bag," sabi ni Mr. Lee nang isara nito ang pinto ng backseat kung saan siya bumaba. Nang muli itong magsalita, Korean language na ang gamit nito. "I'll walk you to your classroom."
"I'm not a child," iritadong sabi ni Nato sa secretary niya, saka niya ito kunot-noong nilingon. "And didn't I specifically ask you to speak in English and Filipino only? I don't need a secretary who only knows Hangul."
Si Yvo Lee ay beneficiary ng mga Yook– ang pamilya ng Korean mother niya. Koreano ang tatay ni Mr. Lee habang Filipina naman ang nanay nito na namatay noong bata pa ito. Kaya hirap na itong magsalita ng Filipino language ngayon.
Anyway, isa si Yvo Lee sa mga secretary ng mommy niya noon. No'ng tumuntong siya ng grade school, ginusto ng lolo at lola niya na magkaro'n na siya ng personal secretary. Si Mr. Lee ang napili ng mga ito dahil may dugo itong Filipino kagaya niya.
"I'm sorry, young master," sabi nito, saka ito nag-bow sa kanya bilang apology. "I'll do my best to live up to your expectations."
"Leave," utos niya rito, saka siya nagsimulang maglakad palayo. "Just pick me up after class."
"As you wish, young master."
Bumuga na lang siya ng hangin habang iiling-iling.
Mr. Lee looked docile because of his polite way of talking but he was actually a brazen man. Ito lang kasi ang naglalakas-loob na tawagin pa rin siyang "young master" kahit sinabi na niya ritong tapos na ang "phase" sa buhay niya na gusto niyang tinatawag sa gano'ng paraan. Alam naman niyang iyon ang paghihiganti nito sa kanya dahil sobrang brat siya no'ng bata siya kaya hinahayaan na lang niya ito.
A king should show his people mercy from time to time.
"Your boy toy is late, huh?" sabi ni Nato kay Milli nang tumayo siya sa harapan nito. "Why do you even need Quindall to pick you up here everyday? I know that your legs are short but you can walk on your ow–" Hindi niya naituloy ang sinasabi niya dahil binato siya nito ng nilamukos na tissue mula sa kinakain nitong sandwich. "Screw you, little witch."
"That's for calling Dax my boy toy. I don't care if you make fun of my height but I won't let any insult at my boyfriend slide easily," masungit na sabi ni Milli, saka ito tumayo at humalukipkip sa harapan niya. At dahil umabot lang ito sa dibdib niya, kinailangan pa nitong tumingala sa kanya. "How many times do I have to tell you that I'm serious with him?"
"Being serious with him doesn't mean he's automatically suited for the Tiongson heiress," nakangising sabi niya para lang asarin ito. "A new money boy like him doesn't deserve an old money girl like you. You're a smart girl so you know that, midget."
Akala niya ay maiinis ito kaya nagulat siya nang tinapatan nito ang ngisi niya.
"What are you trying to say, Nato?" tanong pa nito sa kanya. "Do you prefer me over Tabitha Ocuangco, the hotel heiress? Since I'm the number two candidate to be the Fortaleza bride, I suppose your family– especially your abuela– will be pleased if we start dating. Are you trying to secure your seat as the Fortaleza heir by having to use me?"