S2 #RK 1: MARRIAGE PROPOSAL

786 61 5
                                    

[NATO]

"I HOPE you're not serious with that, Nato."

"I'm serious, Uncle Des," seryosong giit ni Nato habang kaharap si Uncle Desmond. Nando'n sila ngayon sa study nito dahil nang sabihin niya kanina na may importante siyang proposal, doon siya nito dinala. Merong lounge area doon kaya ngayon, magkaharap sila habang may isang pabilog na mesa sa pagitan nila. "I'm very serious. Hindi ko kayo pupuntahan dito at kakausapin ng ganito kung prank lang ito. Of course, I intend to also ask Tita Laura and Tito Damian for Lua's hand."

Napansin niyang dumaan ang iritasyon sa mukha ni Uncle Desmond pero mukhang nagpipigil ito na pagalitan siya. "Nato, your parents are good friends of mine. So please don't make me hit you."

"You can hit me if you give Lua's hand to me, Uncle."

"Gusto mo ba talagang mapalo kitang bata ka, ha?"

Sasagot sana siya pero natigilan siya nang may marinig silang katok sa pinto. Mayamaya lang, dumating si Aunt Eleanor na mas dalang tea para sa kanila. Pagkatapos ihain ang tsa at macarons sa mesa, umupo ito sa tabi ni Uncle Desmond.

"Bakit ang tahimik niyo?" nagtatakang tanong ni Aunt Eleanor habang nagpapalipat-lipat ng tingin sa'min ng asawa nito. "What's with the tension?"

"Hon, listen," parang nagsusumbong na sabi ni Uncle Desmond habang nakatingin sa asawa. "Nato said he wants to marry our precious daughter."

"What?" halatang nabiglang sabi ni Aunt Eleanor, saka ito tumingin sa kanya. "Nato, sweetie. Have you confessed to our Lua? Did she accept your feelings?"

"Uhm... maybe she'll accept me if I confess?"

Napasinghap ang ginang. "Have you gone crazy, Nato? You want to marry our daughter when you haven't confessed your feelings to her yet?"

"That's what I'm saying," dagdag ni Uncle Desmond. "Alam naming lahat ang feelings mo para kay Lua. We all know except the very subject of your affection, hijo. Which reminds me..." Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa, saka ito pumalataktak habang iiling-iling. "Para kang hindi Fortaleza niyan, eh. Hindi mo ba alam kung ga'no ka-flashy si Nick nang nag-confess siya kay Mi Sun?" Sina 'Nick' at 'Mi Sun' na binanggit nito ay ang daddy at mommy niya. "Your father even learned Hangul and studied Korean culture to court your mother and her whole family. Akala nga namin ay magma-migrate na si Nick sa South Korea no'n kasi every week, dinadalaw niya ro'n ang mommy mo para ligawan."

Aware siya na ginagawang Manila-Bulacan ng daddy niya ang Pilipinas-Korea noon. Hindi issue ang pera sa pamilya nila. Ang naging problema ng daddy niya ay nagkasakit ito dahil himbis na magpahinga, ginagamit nito ang kakaunting free time nito para manligaw.

But I respect Dad for that.

"Gano'n din ka-flashy ang Ate Nara mo," natatawang dagdag ni Aunt Eleanor na parang may naalala itong nakaka-amuse. "As far as I know, hinamon niya sa horse racing ang ex-husband niya noon. Then, she asked him to marry her as a prize for winning the match. Your sister was a little reckless and aggressive when she was younger."

And that's exactly why she's divorced now.

"But you are timid, hijo," natatawang pagpapatuloy ng ginang. "Bilang isang Fortaleza, nagtataka ako kung bakit hindi all-out ang pagpaparamdam mo sa anak namin."

Nag-init ang mga pisngi niya sa pagkapahiya. "I did, at first. Pero lahat ng style ko sa pag-pursue, hindi effective kay Lua, eh. She hated it."

Natawa si Uncle Desmond nang parang may bigla itong naalala. "Ah. Is that why Lua dumped you in the past?"

RICH KIDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon