S2 #RK 8: MEMORIES (6)

708 54 8
                                    

[LUA]

ONE year ago...

"I HEARD you turned down Ai's offer."

Napabuntong-hininga ako nang lapitan ako ni Antonette habang nasa entrance ako ng HUMSS building. Hinihintay ko si Dashiel na susunduin ako do'n pero heto, may dumating na istorbo. Ang haba naman ng araw na 'to. "Oo. Ano naman ngayon?"

"That's a relief," sagot ni Antonette, saka siya tumayo sa harapan ko habang nakahalukipkip. "I don't think you're relevant enough to join NFG. But come to think of it... you may have contributed something important had you become an official member."

Hindi ako sumagot kasi ayokong i-entertain ang pangha-harass niya sa'kin. Hindi ako takot sa kanya pero ayoko siyang patulan dahil may mas malaki akong problema.

Magka'no kaya ang aabutin ng pagpapa-repair sa kotse ni Nato Fortaleza?

"Your mother seduced Mr. Desmond Quindall in the past, didn't she?" nangma-mock na tanong sa'kin ni Antonette dahilan para makuha niya ang full attention ko. When I gave her a warning look, she just smirked at me. "Did your mom give you helpful tips on how to seduce a rich guy like Nato Fortaleza?"

"Kahit kailan, walang inakit ang mama ko at mas lalong hindi niya ko binigyan ng tip kung pa'no gawin 'yon," kalmadong sagot ko kahit gusto ko siyang sampalin. Pero kinalma ko ang sarili ko habang mahigpit ang pagkakakuyom ko sa mga kamay ko. "Pero tinuruan ako ng mama ko na maging respectful sa lahat ng tao. Lalo na sa mga kagaya mong naghahanap ng atensiyon."

"Excuse me?"

Ibinuka ko ang mga braso ko. "Here's the attention you want, Antonette. Ibibigay ko sa'yo ang time na meron ako bago dumating si Dashiel kaya go lang. Dumada ka lang ng dumada. Rest assured, I'll humor you."

Namula ang mukha ni Antonette na parang napahiya. "You..."

Sinubukan niyang lumapit sa'kin pero bigla rin siyang natigilan. Lumagpas ang tingin niya sa'kin, saka siya biglang umatras. Pagkatapos, inirapan niya ko bago niya ko tinalikuran. Hanggang mayamaya lang, tumatakbo na siya palayo.

Ramdam ko rin ang presensiya ng kung sino sa likuran ko. Base sa men's perfume na naaamoy ko, tingin ko eh si Dashiel ang dumating. Nang pumihit ako paharap, na-confirm ko na tama nga ang hinala ko. Hindi ko lang sigurado kung narinig ng kapatid ko ang usapan namin ni Antonette dahil nakasuot naman siya ngayon ng wireless headphones.

And his face is blank as usual.

"Let's go," sabi ni Dashiel, saka niya inalis sa mga tainga niya ang headphones at sinabit iyon sa leeg niya. "Mang Tony is here."

Si Mang Tony ang family driver namin. Pero kapag hindi busy si Sir Desmond, siya ang naghahatid sa'min ni Dashiel sa school.

Anyway, tahimik lang si Dashiel habang naglalakad kami papunta sa parking lot. Hindi ko sure kung nasa mood siyang makipag-usap pero hindi ko na napigilan ang curiosity ko. So I took the risk and lightly pulled the hem of his polo.

Lumingon sa'kin si Dashiel, blangko pa rin ang mukha. "What?"

"Dashiel, narinig mo na ba ang nangyari sa'min ng friend mong si Nato?"

"Yep. What about it?"

Napalunok ako dahil kinakabahan ako sa susunod kong tanong. "M-Magka'no kaya ang aabutin kung ipapaalis 'yong scratch sa kotse niya?"

"Probably a few hundreds of thousands," mabilis na sagot niya. "Nato's car is new and it's the latest model to boot. Also, as far as I know, he's one of the few who got the limited edition of that car in the whole world."

RICH KIDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon