#RK 0: VIRUS

1.2K 74 35
                                    

[Dax Quindall]

"CHINESE, oh."

"Hala, baka may virus 'yan."

"Bakit kasi pakalat-kalat ang mga chekwa na 'yan dito sa'tin?"

"Dapat kasi i-ban na ang mga 'yan sa pagpasok sa Pilipinas."

To say that Dax was pissed would be an understatement. "Chekwa" was a derogatory term after all. Pero most of all, hindi niya gusto ang pagpaparinig ng mga tao kay Milli.

Nagpunta lang naman sila ni Milli sa mall ngayon dahil gutom na sila at 'yon lang ang malapit na may matinong kainan sa area. Pagbaba pa lang nila ng elevator, pinagtinginan na sila ng mga tao. 'Yong may mga face mask, nagsilayuan agad. Habang 'yong mga walang suot na face mask, nagsipagtakip ng ilong at bibig.

"Milli, cough," bulong ni Dax sa girlfriend niya habang naglalakad sila papunta sa elevator. "Kung uubo ka, mas lalong matatakot ang mga 'yan."

"Don't bother," sabi ni Milli na may hawak na milk tea sa isang kamay, habang ang isa naman ay hawak ang phone nito. Nag-o-online shopping na naman siguro 'to. "You can't blame those people, you know? Merong virus ngayon dito at galing 'yon sa mainland China. Hindi mo sila masisisi kung natatakot sila sa mga gaya kong may lahing Chinese."

"But that's stupid," giit niya. "Hindi naman lahat ng Chinese o may lahing Chinese eh carrier ng virus."

"Hindi naman ako mamamatay kung paparinggan nila ako," kaswal na sabi ng girlfriend niya. "And I agree with their sentiments. Hindi naman heartless ang pagba-ban sa mga flights mula sa bansa na epicenter ng virus outbreak. The healthcare system in the Philippines sucks. Sino ba ang mas maapektuhan kapag kumalat ang virus dito? Siyempre, 'yong mga working class at 'yong mga mahihirap na tao. Sila 'yong walang protection at mahihirapan kapag nagkasakit sila. Kaya may karapatan silang i-voice out ang fear nila."

"Kahit pa nagve-vent out sila sa maling tao?"

"I get you, Dax. Alam kong never magiging tama ang generalization," sabi ni Milli. "Pero sa situation ko, ako ang may privilege kaya willing akong mag-adjust. Fear makes people mean." Nilagay na nito ang phone nito sa bag nito, saka ito tumingin sa kanya. "At ikaw, hindi ka dapat maawa sa mga gaya ko. We're not being discriminated; people are just scared. Believe me, babe. May capability ang China na protektahan ang citizens nila kaya hindi nila kailangan ang awa ng mga Filipino. Use that energy to empathize with our fellow countrymen. We're living in a third world country, you know?"

He was still pissed but if Milli was willing to let it slide, he had to follow her lead. Saka medyo kumalma na rin siya dahil may na-realize siya. "Lua is rubbing off on you, babe."

She rolled her eyes at him, but smiled while gently shaking her head. "Yeah, your sister's kindness is contagious."

He smiled at her rare honesty when it comes to Lua's effect on them. Also, he felt proud of Milli. "You've mature, Milli."

"I know, right?"

Huminto siya sa paglalakad at hinawakan ito sa kamay. Pagkatapos, hinila niya ang girlfriend niya hanggang sa magkaharap na sila. Then, he cupped her face between his hands and leaned down to kiss her. It wasn't a mere peck. And it wasn't quick either.

He kissed her on the lips. Hard. Long.

The hell with the people around watching them. He just didn't kiss her to prove to those loudmouths that his girlfriend was virus-free. He did that because he realized that he fell in love with Milli all over again.

She has me wrapped around her fingers, huh?


***

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 06, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

RICH KIDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon