#RK 2: JEEP

1.2K 91 16
                                    

[EVANGELINA ACADEMY]

Girls' school uniform: white long-sleeved blouse with maroon ribbon, gray vest with maroon lining and the school's gold crest on the left chest area, gray plaid skirt just below the knee, white high socks, and black shoes.

Boys' school uniform: white long-sleeved dress shirt with maroon necktie, gray vest with maroon lining and the school's gold crest on the left chest area, gray slim pants, black shoes.

***

[LUA]

KUNG maglakad sila, parang pag-aari nila ang daan.

Iyon agad ang naisip ko habang pinapanood ang friends kong sina Milli, Dax, Pixie, at Nato na naglalakad palabas ng main building. Isang pahabang linya sila habang naglalakad. Ang mga schoolmate na namin ang nag-a-adjust at umiiwas sa kanila.

Pero mukhang okay lang naman sa schoolmates namin 'yon at gets ko kung bakit. Eye candy kasi ang squad ko, eh. Sila ang resident "celebrities" ng Evangelina Academy. Bukod sa alam ng lahat ang background nila, sila rin ang cream of the crop pagdating sa good-looks. To be honest, mas makinis at mas maganda/guwapo pa sila kesa sa mga sikat na teen stars ngayon.

Parang love team nga ang turing sa couple na Milli at Dax (na magka-holding hands ngayon habang naglalakad) dahil maraming nakiki-tsismi sa love life nila. Habang si Pixie naman, star athlete dahil siya ang captain ng women's football team.

And of course, there's Nato– the school's "prince from hell." He's a jerk most of the time but I guess that's his charm. People seem to be drawn to him even though he has a sharp tongue.

"Lua!" pagtawag sa'kin ni Pixie nang makita niya ko. "What are you doing there?"

To be precise, I'm standing under that arch of yellowbell flowers that serves as an entrance to one of Evangelina's garden.

"You should have waited for me in the classroom," marahang sermon sa'kin ni Pixie, saka siya yumakap sa braso ko. Classmates kami sa 12-Starry Night na nasa ilalim ng HUMSS string. Pero dahil may club activities siya, lagi akong nauunang lumabas ng classroom namin. "May nam-bully na naman ba sa'yo sa classmates natin?"

Mabilis akong umiling para itanggi iyon. No'ng kaka-transfer ko pa lang sa Evangelina, madalas nga akong ma-bully. Pero hindi na 'yon nangyayari ngayon. I wonder why. "Wala kasing signal sa classroom natin kanina kaya lumabas ako. Tinawagan ko si Daddy, eh."

"Oh, you called Dad?" curious na tanong sa'kin ng half-brother kong si Dax. "Why?"

"Nagpaalam lang ako," sagot ko habang nakatingin sa kapatid ko. "Hindi ako sasabay umuwi sa'yo ngayon, Dax. May pupuntahan kasi ako."

Kumunot ang noo ni Dax. "I can drive you there, Lua. It's my duty as your brother."

"Okay lang ako," umiiling na tanggi ko naman. "Gusto ko kasing sumakay ng jeep ngayon. Na-mi-miss ko na, eh."

"I want to experience riding a jeep, Lua," excited na sabi naman ni Milli. Binitawan niya ang kamay ng kapatid ko para yumakap sa kabilang braso ko (dahil yakap na ni Pixie 'yong isa). "Sama ko sa'yo, Lua."

"Me also," sabi naman ni Pixie. "Then, let's have dinner together."

Natawa ako sa sinabi ni Pixie. "Hindi pa tayo nakakaalis, dinner na agad ang nasa isip mo."

"I can't believe my girlfriend ditched me for my sister," sabi naman ni Dax sa playful na boses. Pagkatapos, kumapit din siya sa braso ng girlfriend niya. "Sama rin ako."

"Fine, take me with you na rin."

Sabay-sabay kaming napatingin kay Nato na nakahalukipkip at gaya ng madalas, active na naman ang resting bitch face.

RICH KIDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon