[LUA]
KAILANGAN ko 'tong matutunan para hindi nakakahiya kay Nato.
Iyon ang motivation ko sa sarili ko habang nandito ako sa dining hall namin at nagpa-practice ng paggamit ng chopsticks. Iniipit ko 'yong maliliit na bato na nakuha ko sa isa sa mga vase ng mansiyon. Pagkatapos, nilalagay ko ang mga iyon sa bowl.
Solo ko ang dining hall ngayon dahil may party na pinuntahan sina Daddy at Tita Shiela. At si Dax naman, buong araw nang tulog sa kuwarto niya dahil siguro sa jetlag. Kakauwi lang kasi ng half-brother ko mula sa Japan.
"Sis, what are you doing there?"
Nalingunan ko si Dax na kapapasok lang ng dining hall, halatang kagigising lang at nagkukusot pa ng mga mata. "Hello, Dax. Nagpa-practice lang akong mag-chopsticks."
"Oh?" sabi lang niya, saka siya dumeretso sa ref para kumuha ng bottled water. Pagkatapos, umupo siya sa tapat ko at tiningnan ang ginagawa ko habang umiinom ng tubig. "So, how did it go?" tanong niya habang sinasara ang lid ng hawak niyang bote. "Your date with Nato."
"Hindi iyon date," natatawang tanggi ko naman. "Nilibre niya lang ako ng sushi pagkatapos kong magpa-passport."
Alam ni Nato na magagalit ako kapag gumamit siya ng influence kaya sa normal na process siya nagpa-schedule ng pagpapagawa ng passport. Pumila rin ako sa tamang way at naghintay. Hindi naman ako na-bore dahil bukod sa mabilis naman ang pila, nanonood din kami ni Nato ng mga movie sa iPad niya.
"Anyway, okay naman ang dinner namin," pagkukuwento ko. "Pero dahil nga nahihirapan akong mag-chopsticks, nanghingi ng spoon and fork si Nato for me." Napangiwi ako nang maalala ko ang nangyaring iyon dahil nahihiya ako sa pagiging ignorante ko. "Dax, tingin mo ba, napahiya si Nato dahil sa'kin? Mukha kasing VIP siya sa resto na 'yon, eh. 'Tapos, dinala niya ang isang ignoranteng probinsiyana na gaya ko."
"Of course not," mabilis na sagot ng kapatid ko. "Lua, hindi nakakahiya kung hindi ako marunong mag-chopsticks. Kahit na Japanese restaurant 'yon, nasa Pilipinas ka pa rin. And trust me, sis. Nato will never be ashamed of you."
"Talaga?"
Tumango siya ng puno ng confidence. "Talaga."
Napangiti ako dala ng relief. "Thank you, Dax."
Ngumiti lang si Dax sa sinabi ko, saka niya binago ang usapan. "Anyway, I'll teach you how to use chopsticks later but for now..." Tumayo siya at sinenyasan akong sumunod sa kanya. "Buksan mo muna ang pasalubong namin sa'yo nina Milli at Pixie."
"Yehey!"
***
[MILLI]
"WHY do you look so happy?" reklamo ni Milli nang makita si Nato na nakangiti habang nakaupo ito sa harap ng pool na nasa harap ng Fortaleza Mansion. Umiinom ito ng tea at halata sa mukha ang sobrang tuwa. "That's a digusting face you're making, Nato."
In-e-expect na niya na sisigawan o susungitan siya ni Nato. Pero hindi iyon ang nangyari. Instead, he turned to her with a smile.
"Oh, you're here," halatang good mood na komento ni Nato. "Sorry, Milli. Sa sobrang liit mo kasi, hindi kita napansin."
At dahil ang asshole ng sinabi niya, hinagis ko sa kanya ang shopping bag na naglalaman ng pinaka-latest sa collection ng favorite luxury watch niya. Iyon ang pasalubong ko sa kanya at nasalo niya lang iyon ng walang kahirap-hirap. Himbis na magreklamo sa ginawa ko, sinilip niya lang ang laman niyon. Fortunately, he looked pleased when he saw what's inside the bag.
"I was just about to get this one," sabi ni Nato, saka ito tumingin sa kanya. "Thanks for saving me the trouble. You really know my style, huh?"
"We've known each other since we were fetuses, duh," sagot niya, saka siya umupo sa tapat nito. "So, why were you making a disgustingly happy face kanina?"