Margaux's POV
"Anak?" rinig kong tawag sakin ni papa mula sa labas ng kwarto ko. Agad akong tumayo sa kinahihigaan ko at pinagbuksan ng pinto si papa.
"Pa? bakit ho?" tanong ko habang nakadungaw sa pinto ng kwarto ko.
"Anak ano kasi eh, wala na tayong ulam, kinain nung pusa jan sa labas. Baka pwedeng makiutang ka muna ulit kay Aling Martes?" tanong ni papa sakin.
"Eh pa, dyan lang naman sa tabi yon ah." sagot ko, nakadungaw pa rin sa may pinto.
"Eh kasi anak, puro utang na ko dun eh. Hindi na nga gumana pampapogi ko, malas nila at tinatanggihan nila ang kagwapuhan ng tatay mo." Natawa kaming dalawa ni tatay sa sinabi nya. Totoo namang pogi ang tatay ko. Lahat ng mga tindera dito sa amin napapalingon at nauutangan nya gamit ang kagwapuhan nya. Pero syempre binabayaran namin yun no. Di nga lang gumana ang powers ni papa ngayon.
"Hay sige pa, ako nang bahala. Didiskartehan ko nalang muna." Lumabas na ko sa pinto at inayos ng konti ang damit kong gusgusin at ngumiti kay papa. "Oh sya pa, mangugutang pa ko hehe." Nakakailang hakbang palang ako palayo ng habulin ako ni papa at niyakap.
Napakunot naman ang noo ko sa ginawa nya. Epekto ba to nung pusa na kumain ng ulam namin tapos nagugutom na sya, tapos naging madrama na sya ngayon? Iba talaga nagagawa pag gutom ka. At higit sa lahat, iba talaga nagagawa ng pusa, tsk tsk.
"Margaux anak, pag pasensyahan mo na kung bakit ganto ang buhay natin ha? Kung andito siguro ang mama mo at ayos kami hindi sana gani-" Pinitik ko ng slight ang ulo ni papa, at ngumiti sa kanya.
"Pa, tanghaling tapat nagddrama ka. Saka ayos lang no! Masaya naman tayo eh! Nababayaran naman natin ng unti unti yung mga utang natin. Naitatawid pa natin yung gutom natin. Tignan mo nga pa oh, kahit mahirap tayo may natulungan tayong pusa at naitawid nya ang gutom nang dahil sa atin! Kaya mag pasalamat tayo pa sa kung anong meron tayo!" Isang mahabang speech ang sinabi ko kay papa na nagpawala ng lungkot sa mga mata nya at napalitan ng tuwa. Tumawa sya at ginulo ang buhok ko.
"Ikaw talagang bata ka. Hay, salamat sa Diyos at binigay ka sakin." Kinunutan ko ng noo si papa ng parang naging banal naman ata ito.
"Pa baka mag pari ka naman nyan? HAHAHAHA charot lang pa hehe labyu! Oh sya alis na ko pa! Tamo pag balik ko may sardinas na tayo!" Ngiti ko habang kumaway sa kanya paalis ng bahay. Akala mo naman mag aabroad eh nasa may kanto lang naman ng lugar namin yung tindahan tsaka malapit samin yun.
Habang naglalakad ako, andami kong nakikitang nga batang naglalaro sa labas. Puro mga maiitim at madudungis, pero masaya silang naglalaro. Tsaka sakin pumasok ang realidad, na ganto nga pala ang estado ng buhay namin. Oo, mahirap lang kami. Pero hindi kami mga masasamang tao at negatibong tao.
Kahit hirap nakukuha namin ngumiti ni papa. Kahit minsan binubulabog na kami ng mga tindera at kapitbahay inutangan namin. Nakukuha pa rin namin ngumiti. Kaya pagbubutihin ko ang pag aaral ko para maiangat sa buhay si papa. Nagpakahirap syang palakihin ako kahit mag isa lamang siya. Hindi ko alam kung sino ang nanay ko at hindi nya sinasabi sakin kung sino. Basta, isang magandang babae at napakabait, napakamatalino at lahat. Sabi pa nya kamukha ko raw. Syempre di ako naniniwala doon lalo na sa maganda. Mataba ang pangangatawan ko, mahirap kami pero may nakakain naman kami. May minsang nagdodonate dito sa amin ng mga pagkain, ayun pinakain sakin ni papa lahat lahat. Sabi nya ayos lang daw, basta masaya syang nakikitang busog at masaya ako. Pero sa kabila ng lahat, masaya pa rin kami, isang beses lang ako umiyak sa piling nya, yun ay nung namimiss ko na ang nanay ko. Hindi ko alam kung sino siya pero umaasa pa rin ako na mahahanap ko siya. At sa wakas nakarating din ako sa tindahan, tsk kung ano ano iniisip ko eh mangungutang lang naman ako kay Aling Martes.
Kaloka, nahawaan ata ako ng pagkadrama ni papa. Napailing nalang ako at pumunta na sa harap ng tindahan.
"Aling Martes! Tao po!" sigaw ko sa harap ng tindahan nya. At doon lumabas ang isang matandang babae na nakapameywang ang isang kamay habang yung kabila naman ay namamaypay.
"Margaux! Ikaw nanamang bata ka! Ano mangungutang nanaman kayo ha?! Hindi mo pa nga nababayaran yung tawas na inutang mo dito! Tapos andito ka nanaman!" Bungad sakin ni Aling Martes, lunes na lunes sinisagawan ako ni Aling Martes!
"Hehe eh Aling Martes, babayaran ko na ho yun bukas. Magttrabaho lang ako mamaya swsweldo na rin. Baka po pwedeng makautang ulit? Hehe isang sardinas lang oh. Pangtawid lang ng gutom." Pagmamakaawa ko, sana gumana pwede pa naman akong artista.
"Sinasabi na nga ba! Hinde! Ayoko! bayaran nyo muna yung utang nyo!" sigaw ni Aling Martes. Jusko, di pa napapaos ang matandang ito?
"Babayaran ko ho yun bukas na bukas din. Parang awa nyo na ho Aling Martes." Pagpapaawa effect ko pa. Lintek nakakahiya na to ah! Pwede na talaga ako kunin na artista!
"Hindi gagana yang pagpapaawa mo sakin! Lumayas ka na!" Pagtataboy nya pa, nako kaso hindi ako pwedeng umuwi ng walang dala para kay papa. Nagugutom na yun panigurado, baka makuha pa ng MMK sa sobrang kadramahan at mag pari na talaga sa kagutuman non.
"Ah eh Aling Martes, kamusta na po ba si Mon-Mon? Maayos na po ba pag-aaral nya?" Tanong ko kay Aling Martes. Si Mon-Mon ay yung anak nyang nahihirapan mag aral, palaging bagsak at puro pasangawa ang mga grades.
Kaya Mon-Mon pangalan nun kasi Monday talaga pangalan nun, tapos nanay nya si Aling Martes, lupit diba?
Lalong nag salubong ang kilay ni Aking Martes at binaba ang pamaypay nya. "Isa pa yung bata yun! Hindi na makaintindi sa pag aaral! Jusko paano na ang kinabukasan ng batang iyon." Napasapo sa noo si Aling Martes at kita ko ang pagkadismayado nya sa anak nya.
"Ah eh baka ho makatulong ako? Magaling ho ako magturo! Baka sakaling mabago ang performance nya sa eskwelahan?" sambit ko naman at nagliwanag ang mukha ni Aling Martes, yun! Mukhang nagana hehe.
"Sigurado ka?" tanong nya.
"Opo! Basta, pautangin nyo ho ko ng sardinas hehe." Sana gumana, sana gumana.
"Oh sya sige na, oh." Abot ni Aling Martes ng sardinas sakin na ikinatuwa ko ng bongga! May dala na ko para kay papa!
"Bibigyan pa kita ng malaki nyan kapag may nagbago sa grado ng anak ko. Bayaran nyo yang utang nyo ha! Sige na umuwi ka na!" Sabi ni Aling Martes na mas lalo kong ikinatuwa
"Maraming salamat ho!" at tumakbo na ko pauwi kay papa kahit na hirap ako kasi putragis naman! Pagod na kagad ako! Antaba ko kasi lintek.
Nakauwi ako ng nay ngiti sa labi at binuksan kagad ang de lata at nilagay sa pinggan. Tinawag ko na si papa baka nasa kwarto yun at nagpapahinga. Gutom na gutom na siguro yun. Lumabas naman sya at ngumiti dahil may ulam na kami.
"Buti napapayag mo si Aling Martes, anak?" bakas ang tuwa sa mukha ni papa habang takam na takam sa sardinas.
Ngumiti ako sa kanya, "Syempre pa! Ako pa, eh mana to sayo!" nagtawanan kami at masaya kaming kumain at nabusog kami. Syempre, naubos ko yung lahat ng natirang kanin sa kaldero.
At ito ang buhay namin ni papa.
YOU ARE READING
Imperfect Us
Teen FictionMeet Zaivan Chase Bautista, ang pinaka sikat na gwapo, basketball player, mayaman at BULLY ng Kentwood University. Masungit syang tao at mapangtrip. Lahat ng atensyon sa eskwelahan ay kuha niya, ngunit pagdating sa kaniyang pamilya ay kulang na kula...