CHAPTER 30:A FRIEND PT2

16 1 0
                                    

Margaux's POV

"OMG the bagyo is so lakas talaga! So guys currently its making ulan here and I'm getting wet HAHAHAHA oops!" napailing na lang ako sa kalokohan ni Keanna na nagvvlog dito sa tabi ko. Sabi niya ivvlog raw niya yung ulan dahil antagal daw nung sundo niya. Nagagawa talaga ng mga nakasinghot ng ulan, tsk HAHAHAHA

"So here guys I'm with my beshy here today. She's so beautiful diba? Pero mas maganda ako! HHAHAHAHA!" napabuntong nalang ako ng hininga at natawa na lang rin. Naghihintay kami sa may nang may dumating na mga lalake na mukhang dugyot.

"Pre diba yun yung mataba dati? Grabe laki nung ginanda."

"Onga eh, pormahan mo nga kung matapang ka."

"Psst miss! Sabay ka na sakin. Bumabagyo na oh."

Sinamaan ko ng tingin yung lalaki at inirapan siya. "Mas mukha ka pang binagyo! Tse!" nagulat yung lalaking pinagsabihan ko non at pinagtawanan naman siya ng mga kaibigan niya. "Di kita titigilan miss. Babalikan kita." inirapan ko lang ulit siya at hindi nalang pinansin. Eh totoo naman kasi eh, mukha siyang binagyo.

"Girl, I'm so proud of you na ha. You make sagot sagot na to those people! Hihi!" sambit ni Keanne na natapos na magvlog. Pumalakpak pa siya ng parang bata at nginitian ko nalang.

"Gosh! Ano bang secret mo babae ka ha? Gumaganda ka! Grrr!" lumapit pa siya sa mukha ko na para bang sinusuri ito. First time ata makakita ng napakagandang nilalang. Char.

"Wala yung mga binili mo lang sakin na products." sagot ko.

"Binili ko rin naman yun eh bat di ako ganyan ka clear skin! Andaya mo girl!" natawa na lang ako sa inakto ni Keanne. Clear skin rin naman siya ewan ko ba kung anong inaarte nitong babaeng to. Ilang minuto na ang lumipas at dumating na ang sundo ni Keanne.

"Are you sure you don't want to make sabay?" tumayo na siya at isinakbit ang bag niya. Umiling naman ako sa kaniya, "No need, kaya ko na ang sarili ko." ngumiti ako sa kaniya at nagbabaye naman kami sa isa't isa.

Medyo malakas pa rin yung ulan pero kaya ko na naman kaya hinanda ko na yung payong ko at umalis na sa school. Baka kasi gabihin pa ako wala pa namang tao sa bahay. Kailangan kasing mag stay ni papa sa pinagttrabahuan niya kaya ayun, home alone muna ako hehe.

Habang naglalakad ay may pamilyar ako na kotse na nakita. Kanino nga bang kotse yan? Aha! Kay Chase! Nakita kong lumabas si Chase sa kotse niya at naglalakad palayo. Ano namang trip nitong lalaking to sa buhay?

Para siyang zombie na naglalakad at walang pake sa paligid niya. Agad agad akong naglakad ng mabilis para maabutan ko siya at pinayungan ko siya. Napatigil naman siya sa paglalakad niya at dahan-dahang lumingon sakin.

"May problema ba?" tanong ko kay Chase na basing basa na sa ulan. Nagulat ako ng bigla siyang yumakap sakin at humagugol sa balikat ko. Nakakaiyak ba yung ulan?

Hinagod ko ang likod niya kahit basa at tinanong siya, "Okay ka lang ba? Anong nangyare?" nakayakap pa rin siya sakin at umiiyak. Ilang sandali at tumingin siya sakin kumalma.

"P-Pwede bang samahan mo muna ako? Kahit saglit lang." Kamot batok niyang pakiusap sakin. tumango ako sa kaniya at nauna siyang maglakad pabalik sa kotse niya at sumakay doon. Sumakay na lang rin ako at hinayaan siyang magdrive kung saan man.

Nakarating kami sa condo niya at pumasok kami sa loob non. Agad-agad siyang bumagsak sa sofa at humiga, kumuha naman ako agad ng towel niya sa bathroom at pinunasan siya.

"Ano bang nangyare sayo, Chase? Magpalit ka muna ng damit." kumuha ako ng damit sa kwarto niya at binigay sa kaniya. Naghubad naman siya at agad akong tumalikod dahil syempre ayokong mabahiran ng kung ano man ang mga eyes ko no.

"U-uhm tapos ka na ba?" tanong ko habang nakatalikod pa rin.

"Mmm." yun lang ang tanging sagot niya kaya humarap na ako sa kaniya at nakitang humiga na ulit at pinikit ang mata. Mukhang pagod siya kaya hinayaan ko nalang siya na magpahinga at naghanap muna ako ng maluluto sa kusina. Akalain mong fully stocked tong lalaking to pagdating sa pagkain.

Nakahanap naman ako ng soup at madaling lutuin kaya ito na ang niluto ko.

"Chase... gising ka muna. Kumain ka na oh, habang mainit." gising ko sa kaniya. Dinutdot ko yung tagiliran niya at ginigising siya. Hirap niyang gisingin.

"Mmm..."

"Chase dali na oh, pagkakain mo makakatulog ka na." pero hindi pa rin sya gumigising kaya nilapag ko muna yung soup sa table at inalog ng mahina si Chase.

"Uy Chase gisi-"

Nagulat ako nang biglang hinila ako ni Chase at napaibabaw ako sa kaniya. Ang lapit ng mukha namin sa isa't isa, napalunok ako dahil unang beses kong makita ng ganto kalapit ang mukha namin.

"C-Chloe... balik ka na oh..." narinig kong sambit niya. Si Chloe? Ano kayang nangyare sa kanila? Balik ka na?

"C-Chase hindi ako s-si Chloe." sinubukan kong tumayo pero nakayakap ang mga kamay niya sa likuran ko. Naramdaman ko rin na ang init ng katawan ni Chase. Nang ikapa ko ang no niya ay inaapoy to sa lagnat hala.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Dahan-dahan kong tinanggal ang kamay nyang nakapulupot sakin at tumayo.

Wooh, grabe yun ah. Nakaka- ewan ko ba! Ang weird sa pakiramdam na makitang asa malapitan siya.

Kumuha nalang ako ng maliit na bimpo at ng maliit na palangana at nilagyan ng maligamgam na tubig.

Pinahiran ko ang katawan niya ng bimpong basa habang natutulog siya.

Ang himbing ng tulog niya, ang pogi niya.

Napailing nalang ako! Kadiri! Ano ba tong pinagsasabi ko! Inalis ko sa isip ko yon at pinunasan nalang si Chase.

Hindi ko kayang iwan tong isang to dito lalo na't ganito ang sitwasyon niya. Di na lang muna ako uuwi, kaya nag text ako kay papa na hindi ako makakauwi para alam niya kung nasan ako.

Pero hindi ko pa rin maalis sa isip ko kung anong nangyare sa kanila ni Chloe.

Imperfect UsWhere stories live. Discover now