CHAPTER 20: BAWI

14 1 0
                                    

Margaux's POV

"Hey. Uhm, gusto sana kitang makausap." nagtaka naman ako sa pakay ni Chase na ngayon ay nasa harapan ko. Bakit siya andito?

"Tungkol saan?" tanong ko.

"Tungkol satin." agad niya namang sagot na ikinakunot ng noo ko.

"I-I mean, yung mga kagagawan ko sayo. Hehe." kamot batok niyang saad at mukhang nahihiya. Binuka ko naman ng mas malawak ang pinto para makapasok siya sa loob ng room.

Agad naman siyang napatingin kay papa na nakahiga at wala pa ring malay sabay tingin sakin. Lumapit naman ako kay papa at hinawakan ang kamay niya. Namimiss ko na si papa.

"S-So uhm, what happened?" tanong niya. "Naaksidente. Nabangga yung jeep na sinasakyan niya, pauwi na sana siya non. Yun ang sabi sakin." sagot ko naman habang pinipigilang umiyak.

"It must be hard for you. Paano mo naipapagpatuloy ang lahat? Paano ka nakakakain? Paano mo nababayaran ang mga expenses dito? You said to me before na ang tatay mo na lang ang meron ka, right?"

"Oo, si papa nalang ang meron ako. Nagraraket raket ako tuwing gabi. Kumakanta ako kung saan saan, minsan nag tututor. Para kay papa lahat gagawin ko." agad namang bumalot ang katahimikan sa loob ng kwarto. Sa totoo lang hindi ko na alam ang gagawin ko. Pero kakayanin ko parin kahit anong mangyare. Pagsubok lang to.

"I'm sorry, Margaux." pagputol ng katahimikan ni Chase. Napatingin ako kagad sakaniya at naabutan ko naman siyang nakatingin na sakin at mukhang seryoso talaga siya. Nakakapanibago marinig ang pangalan ko nang sambitin niya ito.

"I'm sorry for everything. Alam ko, andami kong... maling nagawa sayo. Maiintindihan ko kung hindi mo ko mapapatawad. But, gusto ko lang sana humingi ng tawad sa lahat ng nagawa ko. I've been a very bad person to you every since day one. Sorry sa lahat-lahat ng nagawa ko. Nagsisisi ako sa lahat-lahat. I'm willing to do anything, para man lang... mapalitan ng kabutihan ang lahat ng ginawa ko. K-Kung gusto mo ko sampalin, okay lang. I deserve it." pumikit siya matapos niyang sabihin yon at parang hinihintay ata niya na sampalin ko siya.

Ramdam ko ang sinseridad niya habang sinasabi niya yun. Seryoso talaga siya. Parang sinapian ata ng anghel itong isang to. Ibang ibang Chase ang nasa harapan ko ngayon. Tinignan ko lang siya at ngumiti sa kaniya.

"Hindi mo na kailangan gumawa ng kung ano pa, Chase. Sapat na sakin yung nagsisisi ka at humingi ka ng tawad sakin. At hindi kita sasampalin no." sagot ko. Agad siyang dumilat at nagliwanag ang mukha niya at parang hindi makapaniwala.

"H-Hindi mo ko sasampalin or sasaktan?"

"Syempre hindi no. Hindi ko naman kailangang bumawi. Para san pa yun."

"Bakit ang bait mo? Sa kabila lahat ng pang gagago kong ginawa?" natawa naman ako at napailing. "Pinalaki ako ng mabuti ng tatay ko. Kaya mahal na mahal ko siya. Saka sabi ko nga, ayos lang. Nagsorry ka na, ayos na ko don." ngumiti ako sa kaniya.

Magsasalita pa sana siya nang biglang may pumasok na nurse. Mukhang ichecheck niya ang kalagayan ni papa. Nilapitan ko naman ang nurse upang magtanong.

"Uhm nurse, may copy po ba kayo ng bill namin? Para matignan ko kung magkano sana yung babayaran." tanong ko. Paano ko kaya mababayaran lahat ng yun eh ang laki-laki ng bayarin dito huhu.

"Ay mam, nabayaran na po lahat. Wala na po kayong dapat ipagalala." agad naman akong nagulat sa narinig ko. Nabayaran? Paano?

"H-Ha? Baka naman nagkakamali kayo. Hindi ko pa tapos bayaran lahat yun ah."

"Mam, bayad na po lahat. May nagbayad na po."

"Sino naman?" kunot-noo kong tanong. Agad namang tumingin yung nurse at ngumiti pa sa nasa likuran ko. "Siya po mam." at ang lawak ng ngiti niya habang nakatingin sa likuran ko. Iisa lang naman ang taong nasa likod ko at yun ay si Chase. Alangang si papa yun. O di kaya may nakikita tong nurse na to na iba pa?

"Sige mam, chineck ko lang si sir." at umalis na siya habang nay pa huling sulyap pa siya kay Chase. Agad akong napatingin kay Chase na may malawak na ngiti.

"Bakit mo binayaran?" agad kong tanong.

"Well uhm, hehe para sana at least makabawi ako sa lahat ng nagawa ko."

"Pero hindi mo kailangan gawin yun. Anlaki ng bill namin dito. Nakakahiya-"

"Don't be. Wala ka nang magagawa dahil I already paid for it." hindi ako makapaniwala sa naririnig ko. Si Chase ba talaga to? Bakit sobrang bait naman niya?

"Teka nga. Si Chase ka ba talaga? O kakambal ka ni Chase pero mabait? Hindi mo naman kailangan gawin yun eh."

"HAHAHAHA! It's me, the one and only Chase. And like I said, para man lang makabawi ako sayo kahit papaano. Okay lang sakin yun. Walang problema ang pera sakin." hindi pa rin ako makapaniwala. Pero, kailangan ko pa rin makatulong man lang dahil alan kong marami rin siyang nagastos na dapat ako ang magbabayad.

"Pero nakakahiya. Anong gusto mong gawin ko? Hindi ko kayang basta mo nalang binayaran yun. Please kahit ano!Hindi ako matatahimik."

"Uhm well, kung... pupwede sana uhm..." paputol-putol niyang sabi. Tumaas naman ang kilay ko habang hinihintay ang itutuloy niya. "B-Baka pwede sanang tulungan mo ko in my studies? Like a... tutor sana hehe."

"Yun lang ba? Sige, tutulungan kita. Walang problema." saad ko at agad naman siyang ngumiti. Ang aliwalas niyang tignan kapag ganiyan siya. Hindi siya nangttrip o kung anu man.

"So, okay na ah? Tutor na kita!" masaya niyang sambit at napatango naman ako. Nagpaalam muna si Chase na magcr, dahil kanina pa niya pinipigilan ihi niya, kinabahan ata. Habang nasa cr siya ay biglang may pumasok naman sa kwarto at nakita ko namang si Keanne ito.

"Omg hi gurl! How are you? How's tito?" niyakap niya naman ako at yumakap nalang rin ako. "Ayun hihintayin nalang natin na magising siya. Maayos na naman." agad ngumiti sa kaniya. Mukha naman siyang sumaya nang makitang ngumiti ako.

"Owemgeee you're smiling na! Hihi ang ganda mong tignan pag nakangiti! Anyways, so alam mo ba there's a creep there na tingin ng tingin sakin tapos basta parang ewan lang then-" napatigil siya sa pagkukuwento ng makita si Chase, agad gumuhit ang kaba at inis sa muka ni Keanne, halata yung inis niya dahil namula siya bigla, paano napakamistisa nito!

"Marg, bat siya andito?! Hoy ano nanamang ginawa mo sa kaniya? Sinaktan ka nanaman ba niya?! Tatawag ako ng guard!" pinigilan ko na kagad siya at baka tumawag pa nga ng guard si Keanne. Agad ko siyang pinakalma at inexplain sa kaniya kung bakit andito si Chase at agad naman siyang nahimasmasan.

"Hehe ganun ba? Sorry Chase ah? Kasi naman eh you know, you've done bad things to her."

"I understand. Kaya andito ako ngayon and I'm trying to make it up. Sorry ulit, Margaux." nagkaayos na lahat at napagpasiyahan naming kainin na ang dinala ni Ace kanina na pagkain, habang si Keanne ay walang tigil ang bunganga kakakwento, maayos naman kasama si Chase marunong din palang makisama ang isang to.

Hay ang saya pala pag magkakaayos ang lahat. Sa kabila lahat ng dinanas ko, may kasiyahan parin.

Imperfect UsWhere stories live. Discover now