CHAPTER 36: INTRAMURALS PART 2

11 2 0
                                    

Chase's POV

Nang tumunog ang whistle ng referee, tumalon ako agad para agawin ang bolang hinagis ng referee, at nang maagaw ko to ipinasa ko ang bola kay Ace.

Dinribble niya ito papunta sa ring ng kalaban ng mabilis at bago pa masteal ng iba ay nagjump shot na siya. Scooooree!

Naghiyawan naman ang batch namin at nakipagapir kami kay Ace, "Nice, pre." ngumiti siya at nakipag fist bump.

Tumakbo ako papunta sa may hawak ng bola at pinagmasdan ang galaw nito, at nang umapak siya papunta sa harap ay mabilis kong naaagaw ang bola, tsaka nagdribble papunta sa court namin.

Nang maharangan ako ay mabilis akong tumingin sa bakanteng 3-point slot at nang makita andon si Clyde malapit ay pinasa ko ito sakaniya.

Mabilis akong pumunta sa pwestong yon at inagaw ang pansin ni Clyde tsaka bumulong, "Clyde akin na!" nang maintindihan ito ni Clyde lumingon siya sa kabilang side para hindi mahalata ng kalaban na ipapasa niya sakin at humakbang ng isa tsaka na niya ipinasa sakin.

"Great pass by number 12, Javier!" sabi ng umpire tsaka nagpalakpakan ang mga nanonood.

Pagkapasang pagkapasa niya ay nakita ko si Margaux na nakaupo sa isang bench nagchecheer kinindatan ko muna siya at nginitian tsaka mabilis na ishinoot sa ring ang bola.

"Threee points scored by Boy Toyo's Captain Ball, Bautista!" sigaw ng umpire kaya muling naghiyawan ang mga batch namin at pinagpapalo naman ng mga teammates ko ang pwet ko.

"Nice one mga boy toyo!" pag cheer ni Bryce samin kinindatan ko naman siya at inapiran ako ni Ace, Clyde, Steve, at Zach.

Nang asa kabila naman ang bola binantayan ko ang player na malapit sa ring para hindi madaling ipasa ng may hawak na bola sakaniya.

Nakabantay naman si Bryce sa may hawak ng bola at sinusubukang isteal ito, pero masyadong siyang mabilis kayat naipasa niya ang bola nang hindi namalayan ni Bryce.

Mabilis na nalagpasan ng kalaban sila Ace at Bryce at nang ipapasa niya ang bola sa binabantayan ko ay hinampas ko ang bola palayo sakaniya at nakuha naman ni Steve ito at mabilis na tumakbo papunta sa ring namin at nakasunod naman si Bryce at ng ishoshoot na ni Steve ito ay nakapos kaya tumalon si Bryce para isave ang bola at dinunk Ito! Napasipol nalang ako sa
ginawa ni Bryce grabe!

"What a beautiful dunk by number 25, Chavez! Boy Toyo team scored again!"

Lumakas ang hiyawan ng mga tao sa gym kahit ang mga di namin kabatch ay nagsihiyawan na din.

"Tangina mo Bryce nakakapagdunk ka pala!" asar ni Clyde na may kasamang papuri.

"Holishet man buti na shoot mo!" puri naman ni Steve.

Sabay naman naming inapiran ni Ace sa pwet si Bryce at natawa.

Nang marinig namin ang mahabang sipol ng referee at nagsignal ng time out ay nagpunta kami sa sari-sarili naming bench.

"Grabe kayong apat halimaw sa court!" puri saming magtotropa ni Steve.

"Oo nga!  Bryce paturo naman nung ginawa mo dun!" sabi naman ni Zach.

"Oo ba! Pero di to libre kada session may bayad!" nagtawanan nalang kami sa sinabi ni Bryce at uminom nalang ako ng tubig.

Nang madapuan ko ng tingin ang bleachers ay nakita ko si Margaux na nakangiti sakin napangiti nalang din ako bigla, hay taba ang ganda m—

Natauhan ako ng may bumatok sakin at sinamaan ng tingin ang mga teammates ko "Sino yon!"

"Ako! Tanga game na kung ano ano nanaman iniisip mo!" Bulyaw sakin ni Ace napakamot nalang ako ng ulo at sinabayan na siya sa loob ng court.

Imperfect UsWhere stories live. Discover now