CHAPTER 15: ACCIDENT

10 1 0
                                    

Margaux's POV

Tamad akong pumunta nalang sa library kesa mag canteen. Recess namin kaya free time. Pumunta akong library at umupo nalang sa pinakadulo, malayo sa mga tao. Wala akong ganang kumain, ang weird nga eh ngayon lang ako nakaramdam ng ganon.

Habang nakaupo ay tulala lang ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, kung paano na ang lahat. Pumasok nanaman sa isip ko ang mga nangyare kahapon. Sariwang-sariwa pa ang lahat.

Flashback...

Agad akong kinain ng kaba sa narinig ko kay Aling Martes. Sinabi niya na nabalita daw sa tv ang aksidente na nangyare kani-kanina lang. Ang aksidenteng kabilang si papa.

Agad kaming nagmadali nila Ace para puntahan yung sinabing ospital sa amin. Nagdadasal ako habang papunta kami doon at hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Kinakabahan ako sobra na halos manginig ang mga kamay ko at labi ko.

"Everything will be fine, Margaux ha? Let's just pray for tito." paglalakas ng loob ni Keanne sa akin. Pero kinakain pa rin ako ng takot at kaba. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at hindi ko na alam ang gagawin ko.

Habang papasok kami sa ospital, marami doon ang mga duguan doon at nagkakalat ang mga doktor sa pag gamot sa kanila. Agad naming hinanap si papa sa ER habang ako naman ay nanginginig na sa takot.

Halos mapaluhod ako nang makita ang itchura ni papa. Lalo akong napaiyak nang may benda ang ulo niya at bakas ang dugo doon pati na rin sa damit niya. Puro sugat sugat ang mga braso't mukha niya na halos ika sira ng buong puso ko. Putok ang labi ni papa, imbis na makakangiti siya ng maayos may sira na.

"P-Papa?" nanginginig kong sambit habang papalapit na papalapit sa katawan niyang nakahiga sa kama.

Napaiyak nalang ako sa tabi niya. Hinaplos ko ang pisngi ni papa habang nanginginig ang mga kamay ko. Hindi ko siya kayang makitang ganun ang itchura. Sayang yung kapogian ni papa at nabangasan na. Umiiyak pa rin ako habang hinahagod ni Ace ang likuran ko. Si Keanne naririnig kong humihikbi sa likuran ko at naramdaman kong niyakap niya ako.

Bakit nangyare sa amin ito? Ito ba yung malas na tinutukoy ni Chase? Akala ko yung pagpapahiya niya na sakin yun, may imamalas pa pala.

"Kamaganak po ba kayo ni Sir Mateo Montecillo?" tanong nung nurse at napatingin kami sa kaniya. Agad akong tumayo at pinunasan ang mga luha ko at hinarap siya. "A-Ako ang anak niya." sagot ko at agad tumango ang nurse at may tinawag ata na doctor.

Sandali lang at may dumating na doctor sa amin. "What is your name, iha?" tanong sakin ng doctor. "M-Margaux ho, doc." tumango ang doctor at pinasadahan ng tingin si papa at ibinalik na rin sakin.

"You father is fine. Nagamot naman namin siya kaagad. Baka lang matagalan ang pag gising niya. You see, masyado ang naging impact ng ulo niya. It might cause a coma." paliwanag ng doctor. Napalunok naman ako ng marinig ang salitang coma.

Nagpatuloy sa pageexplain ang doctor tungkol sa kalagayan ni papa. Mananatili pa raw siya ng ilang araw sa ospital para mabantayan siya ng mabuti. Ang priniproblema ko naman ngayon ay san ako kukuha ng pambayad sa lahat ng to. Mahirap lang kami at wala kaming malaking halaga.

"We should get a room for your dad, Margaux." narinig kong sabi ni Ace. Humarap ako sa kaniya at ngumiti ng peke. "Baka kasi hindi kayanin ng-

"I will pay for it." sabay na sabi nila ni Keanne at nagkatinginan naman sila at nagiwas agad ng tingin.

"Hindi na kailangan. Ako nalang ang magbabayad." nakakahiya naman kasi kung pati pangbayad ng room para kay papa ay sa kanila nalang. Mangungutang na muna ako. Masyado na ang naging tulong nila sakin.

"Margaux, kahit man lang ito maitulong ko para sayo. You've had so much pain already. Please? I insist."

"Pero-"

"No buts, I'll get your dad a room." at hinawi ni Ace ang kurtina at lumabas na.

"I'll pay for the second day naman." alok ni Keanne. Agad akong umiling sa sinabi niya st hinarap siya. "Keanne, hindi na. Marami ka nang naitulong sakin at nagastos. Ayoko namang iaasa sa inyo lahat. Gagawa ako ng paraan." sagot ko.

"Margaux, pera lang yan. Mas mabuting may room na ang papa mo para mas safe kayo at mabantayan siya ng maigi. Okay? Okay!"

"Hindi ba magagalit ang parents mo dito?"

"Pfft they'll understand. And besides mababait sila. Baka nga matuwa pa sila dahil I'm spending my money to help. So don't worry about it na ha? And everything's gonna be alright!" napangiti naman ako sa sinabi ni Keanne. Napakaswerte ko dahil sa kabila ng lahat, ay may mga mababait na tao na nasa paligid ko. Na kahit ang dilim ng paligid, may mga liwanag.

End of flashback

Napabuntong hininga ako. Kailangan ko talagang makahanap ng pagkakakitaan sa madaling panahon. Ayokong iaasa lahat kina Ace at Keanne ang mga gastos.

Agad na akong bumalik sa classroom at baka malate pa ako. Ramdam ko ang mga tingin ng iba habang papasok ako sa loob, yung iba pinagtatawanan ako at yung iba naman naaawa.

Pumunta na ako sa pwesto ko at umupo doon. Nakatingin lang sakin si Chase pero hindi ko na lang siya pinansin at natulala nalang sa harap.

Hindi naman ako tinatantanan ni Chase at minsan ay hinuhulog at binabato ng kung ano ano niya ko. Hindi ko nalang pinansin at binalewala ang lahat ng mga pinagagagawa niya.

Natapos rin ang klase at nilapitan na kagad ako nila Keanne at Ace. Pupunta na ako kagad ng ospital para kay papa. Aabsent sana ako kaso, hindi pwede. Naandun naman si Aling Martes at nagbabantay sa kaniya. Hindi ako pwedeng umabsent dahil baka maapektuhan ang scholarship ko.

Lumabas na kami ng classroom at nagpaalam muna ako sa kanila na magccr lang. Pumasok ako sa cr at tinignan ang sarili ko sa salamin.

Nagkaron ako ng eye bags at ang dugyot ko pa. Sinubukan ko pa ring ngumiti kahit ganun. "Magiging maayos rin ang lahat, Margaux." sabi ko sa sarili ko at naghilamos.

"Oh look a crazy bitch, talking to her self." nagulat ako ng may magsalita sa likuran ko. Tumingin ako sa salamin at nakitang si Chloe iyon at pumunta sa tabi ko at naghugas ng kamay.

"Pfft, you look like a zombie, pig. Bagay sayo! HAHAHAHA!" maarteng sabi ni Chloe habang naghuhugas ng kamay. Hindi ko nalang pinansin at aalis na sana ako ng cr nang bigla niyang hablutin ang kamay ko. "Wala akong ganang makipagsagutan sayo ngayon  Chloe." walang gana kong sagot sa mga pinagsasabi niya.

"Where do you think you're going? Sa tingin mo palalampasin ko yung pangnanakaw na ginawa mo sa boyfriend ko? You desperate bitch!" hinila niya ako ng malakas at tinulak sa isang cubicle. Pumasok siya sa loob at inapakan ang flush.

Dahil matangkad sya sa suot niyang heels ay hinawakan niya ang batok ko at inilapit sa inidoro ang mukha ko habang dinidiinan ako pababa.

"C-Chloe tama na!" pinipigilan ko ang anuman ang balak niyang gawin sakin pero malakas siya.

"You bitch! Nanakawan mo pa si Chase ha? You deserve shit you pig!" at diniinan niya lalo ang pagbaba kahit na pinipigilan ko pero nanghihina talaga ako at nadampi ang mukha ko sa tubig na umaagos sa inidoro.

"Yan bagay sayo!" sigaw niya at inaangat ko naman ang sarili ko nang biglang naramdaman ko na nawala ang kamay niya sa batok ko at inangat ko naman kagad ang ulo ko.

Paiyak na ako ngunit nakita ko si Keanne na hila hila ang buhok ni Chloe at hinila ito pababa dahilan para mapaupo si Chloe sa sahig.

"Ano ha?!" sigaw ni Keanne habang dinuduro si Chloe na nakaupo sa sahig. "This is for Margaux!" Sinugod niya ito at sinampal ng malakas si Chloe. "And this is for what you did to her!" sinampal pa niya ng malakas si Chloe sa kabilang pisngi. Sasampalin niya pa dapat si Chloe kaso inawat ko na siya at hinila paakis sa cr at iniwan si Chloe na nakaupo sa sahig habang hawak ang pisngi niya.

Imperfect UsWhere stories live. Discover now