CHAPTER 35: INTRAMURALS

11 2 0
                                    

Margaux's POV

Makalipas ang dalawang linggo at mas napalapit kami sa grupo nila Chase. Di ko akalaing mapapalapit kami sa grupo nila dahil una palang, kinamumuhian na ko nila, lalo na si Chase.

Biglang bumaliktad ang mundo, ngayon ang weirdo niya.

Napapabuti naman ang lagay namin ni Papa, marami siyang raket at may permanenteng trabaho na rin siya. Wala na kaming masyadong ginagawa dahil nagdagsaan ang mga projects last week kaya ngayon, chill-chill nalang kasi papalapit na ang intramurals.

"Class attention! Next na ang Intramurals natin. Alam niyo na naman siguro yon diba? Wala namang shunga-shunga dito. May mga sports na pwede niyong salihan including, Basketball, Volleyball, Badminton, Table tennis, etc. Magsign up nalang kayo dun sa board sa may Main Hall." ani Ms. Fernandez. Nagsidaldalan naman ang mga kaklase ko tila mga bubuyog ang naririnig ko.

Bigla namang nagsalita si Ace na nakaagaw ng atensyon ko. "May sports ka na alam?" tanong niya sakin.

"Marunong ako konti mag-volleyball. Pero matagal na nung huli kong laro nun eh. Ikaw ba?" napangiti naman si Ace sakin na ikinalukot ng noo ko.

"Grabe, ang payat mo na talaga. Gumaganda ka talaga, nagpapaganda ka no?" natawa naman ako sa sinabi niya at napailing. "Bakit naman tayo napunta jan?" natawa rin siya at umiling din, "Wala, napansin ko lang pagbabago mo. Pero anyways, naglalaro kami ng basketball. Varsity nga kami eh." kumindat pa ang loko. Pumopogi si Ace infairness. Ay anubayan! Kaibigan mo yan, Margaux. Jusko.

"Nako edi panalo na pala tayo nyan HAHAHA!" nagtawanan naman kami at nakisabat naman si Bryce samin.

"Sus, bano naman yan si Ace eh. Ako kaya pinakamagaling saming magtrotropa." singit ni Bryce at nag-act pa siya ng nagshshoot na kunware nay bola siyang hawak. Parang timang tong isang to.

"Mamatay na nagtanong Bryce." sinimangutan naman ni Bryce si Ace at natawa naman ako sa kanila. Nagusap-usap lang kami tungkol sa magaganap na Intrams at nakisali na rin sila Keanne, Clyde, at Chase samin.

"Omg, I can't believe it! You play volleyball? Hala let's join!" niyugyog ni Keanne ang braso ko habang ako ay pinapaklama ko siya sa pagkahyper niya.

"Holy moly! Ampayat mo na! Look!" mineasure pa niya ang braso ko. Grabe. ang laki na nga ng pinayat ko. Papayat pa pala ko ng ganto.

"Oo nga no! Grabe, I'm proud of you, sis!" nagarteng bading si Clyde na ikinatawa naman namin. "Hoy ikaw! Baka mamaya bakla ka na ah! Kaya ba ayaw mo sa babae ha?" pang-aasar ni Bryce kay Clyde. Inambahan naman ng suntok ni Clyde si Bryce at pinagtawanan namin ang dalawa.

"Sali kayong dalawa, alam ko si Keanne marunong yan eh. Mukha lang boplaks." inasar naman ni Ace si Keanne at inirapan niya si Ace. "Boplaks your face tamaan kita jan sa mukah eh!" sagot naman ni Keanne.

Patuloy lang ang pagkulitan namin hanggang sa mag-recess na kaya nagsilabasan na kami at pumuntang canteen. Umupo na kami sa upuan at umorder na sila.

Tuwing asa canteen, marami akong naririnig na chismisan sa paligid.

"I still can't believe na sinasamahan nila Chase yung dating fatty na yan. Ang chaka-chaka niya naman!"

"True bitch! Gosh, siguro ginayuma niya yan. Diba she came from the slums?"

Sa totoo lang, nasasaktan din ako sa mga pinagsasabi nila pero hindi ko yun iniinda. Nasanay na rin naman ako sa mga sinasabi nila.

"Can't y'all shut up?" biglang bulyaw ni Chase sa mga babaeng nagchichismisan dun at nag sorry naman ang mga babae sa kaniya at mabilis na umalis . Tinignan ko si Chase at ngumiti ako sakanya tsaka binulong ang 'thank you'.

Imperfect UsWhere stories live. Discover now