CHAPTER 18: NEW LIFE

11 1 0
                                    

Chase's POV

Nang tumunog na ang bell, ay agad tumayo ang katabi ko at umalis. Hindi ko muna siya kayang kausapin, baka mainis lang siya saakin eh, ganun din kay Ace, muka ngang nagmamabutian na silang dalawa eh. Namimiss ko tuloy bestfriend ko.

Tumayo na ako at nagpaalam kela Bryce at Clyde na mauuna na ako, dahil napagusapan namin ni Chloe na ako maghahatid sakanila.

Nang maihatid ko na sila Chloe said bahay nila, ay dumiretso naman ako sa bahay. Nagtaka ako dahil mula sa malayo ay nakita ko ang kotse ni lolo sa tapat ng bahay. Bat siya nandito? Nang maipark ko na ang kotse ko ay agad akong lumbas, at pumasok sa bahay.

Pagpasok sa bahay ay naririnig ko sila dad at lolo na naguusap. What's happening here? Minsan lang kasi bumisita si lolo rito, kaya nakakapagtaka at dumalaw siya.

Nang dumaan ako sa puwesto nila, ay agad akong tinawag ni dad, at pinaupo ako sa tabi nila. Gumuhit naman ang pagtataka sa muka ko at tinanong sila "Hey, anong meron?" tanong ko habang papalapit sa kanila.

"Your lolo is here because he has something to say, Chase. Spare us your time for awhile." Seryosong sabi ni dad, ano pa bang bago.

Tumango nalang ako, bilang pagsang ayon kayat tumikhim muna si lolo bago magsalita. "I've seen your records at school apo. And I'm quite disappointed after I've seen it. This is your last highschool year, Chase kailangan mo nang magbago. Your grades are too low, at narinig ko din sa mga teachers at sa ilang mga bulong bulungan na, bumabalik ka nanaman sa dati, akala ko ba titino ka na?" Pangsesermon ni lolo sakin. Tinatamad lang talaga kasi ako anong magagawa niyo? Gustong gusto ko yan sabihin pero hindi ko magawa. Dahil alam kong sa huli, ako ang mapapahiya.

"Ganyan na ba natututunan mo sa eskwelahan?! Puro bad records? Sabagay, hindi na rin ako magtataka dahil puro kapalpakan lang ang ginagawa mo!" sabi ni dad habang pailing-iling na nakapamewang sakin. Hindi ko mapigilang masaktan pero sanay na rin naman ako. Puro kapalpakan lang tingin nila sakin.

"Edmund, huminahon ka." pagpapakalma ni lolo kay dad. Agad namang kumalma si dad at umiwas nalang ako ng tingin.

"Look iho, hindi pa huli ang lahat. You can still change." ani lolo.

"Pero kapag hindi nagtino ang batang yan, I'll take away your car, even your credit card. Nang matuto kang magsumikap sa sarili mo." napatingin naman ako kay dad at agad nakaramdam ng kaba. Strikto si dad at lahat ng sinasabi niya ay natutuloy. Argh! Hindi pwede yun! Pano si Chloe? Shit!

"Chase, I'm telling you. This is for your future apo. Hindi pwedeng habang buhay ka nalang ganito? Hindi porket mayaman kayo ay aasa ka nalang sa mga magulang mo. Isipin mo nalang na nagpursigi rin ang mga magulang mo, to have this kind of life. And you have to do that as well." Kalmadong sabi ni lolo. Itong gusto ko kay lolo, hindi dinaanan sa galit ang lahat ng bagay.

Saglit kaming natahimik. Tama si lolo, hindi naman pwedeng hindi ako magaral maigi. Paano nalang si Chloe? mapapahiya ako sa pamilya niya dahil isa akong mangmang. And I don't want them to think of me like that! Iisipin ko nalang na para saamin na rin ni Chloe ito. At syempre tss, ayaw ko namang mawala sakin ung kotse ko at ang mahiwagang credit card ko!

"You're right lo, kayamanan lang ng mga magulang ko ang meron ako. At hindi dapat ako laging umaasa sakanila, in the end I still need to stand up for myself. I promise lo before this quarter ends I will make you proud." Nginitian ko nalang sila at sinuklian naman ako ni lolo ng masayang ngiti, habang si dad naman ay mukhang nahimasmasan na kaya agad gumaan ang loob ko.

Napagpasiyahan ko ng umakyat sa kwarto ko para magpahinga. Nang makarating ako sa kwarto ay isinalampak ang katawan ko sa kama, at nagisip.

Paano ko to sisimulan ulit? Argh! Anlakas mo kasing magbida bida doon kanina Chase! Hindi mo naman kayang gawin mga assignments mo magisa! Teka? hehe di pala ako gumagawa ng mga assignments. Aish pano yan!

Agad akong nagisip ng paraan. At for once dito lang gumana ang utak ko! Kailangan ko ng katulong! Not the maid one! Katulong as in tutulungan akong pataasin grades ko! At pagandahin ang future namin ni Chloe! In short, I need a tutor! Napapalakpak ako sa naisip ko! Grabe ang talino ko shet!

Agad naman akong nagisip kung sino ang pwede kong maging tutor. Maraming mga matatalino sa Kentwood pero iisa lang ang gusto kong mag turo sakin. Si taba, hay kaso pano? Mapipilit ko ba siya? Sa sobrang daming kagaguhan na ginawa ko don tingin ko hindi papayag yun. Siya lang kasi ang tingin kong hindi ako pagsasamantalahan! Halos karamihan kase sa Kentwood eh halos ipaglandakan ang sarili nila. At isa pa, mukha rin naman siyang mabuting tao at mapagkakatiwalaan, ginagago ko lang siya. Tss, anubayan Chase.

Pilitin ko kaya? Papayag kaya? Eh kung gawan ko kaya ng mabuti? Hmm tama! Gawan ko nalang ng mabuti! Tsaka ko pilitin! Bat kaya ang talino ko ngayon?! AHAHAHA!

Nawala ang ngiti ko nang may kumatok sa kwarto ko, at ng buksan ko yon si yaya pala. Pinapababa na ako dahil kakain na. Nang makababa na ako, ay nakahanda na ang pagkain at ako nalang ang hinihintay kaya umupo na ako at nagsimula na kaming kumain.

Hindi ko muna sinabi ang plano kong magpatutor, hehe tsaka nalang, maiintindihan din naman siguro nila yun.

Pano ba ko magsisimula? Tsk! Nung matapos kaming kumain ay agad akong umakyat sa library namin. Doon may mga libro malamang library nga Chase eh. At hinanap ko ang isang subject don na favorite ko! Math! Favorite kong bwisitin yung teacher hehe.

Umupo ako sa desk doon at binuklat ang libro. "Lintek! Ano to?!" sambit ko habang binabasa ang mga to. Taena wala akong maintindihan!

Wala talagang pumapasok sa isip ko kaya sinarado ko na ang libro. Kailangan ko na talaga ng tulong. Kaso paano nga?

Napagpasiyahan ko munang mag text kay Chloe ng sweet sweet hihi.

To Chloe my luvs <3:
Hi baby!

Ilang minuto akong naghintay sa reply niya pero wala. Psh aba! Bakit hindi nag rereply to? Dati naman ambilis bilis mag reply neto! Nagtatampo na ko ah, minsan minsan nalang kami magkasama. Mayaya nga siya mag date.

Inisip ko nalang na baka busy siya kaya hindi ko na pinansin pa. Pinikit ko nalang ang mga mata ko nang makaramdam ako ng antok.

Imperfect UsWhere stories live. Discover now