Margaux's POV
Makalipas ang ilang araw matapos ang pag aaply ko ng scholarship, at ang kahihiyang natamo ko doon, naghihintay nalang ako para sa darating na sulat.
Sana magkaron ako ng scholarship. Pagaaralan ko talaga ng mabuti! Para maiahon ko ang si papa sa hirap ng buhay namin.
Nasa kwarto lang ako, nagmumokmok. Si papa naman ayun may gawa ulit, laking pasalamat ko nga sa kaniya at may nakikita kami kahit papaano. Plano pa nga ni papa bumili ng tv para daw may libangan ako, kaso sabi ko itabi niya nalang para sa pangangailangan namin.
Hay, ang hirap talaga ng buhay kapag mahirap ka, ang saklap, ang-
"Margaux anak! May dumating na sulat!" nanlaki ang mata ko at napatayo kagad sa pagkakahiga ko at dali daling lumabas sa silid ko at tumakbo sa labas kahit hirap akong kumilos! Aba syempre, moment of scholarship na ba etey to! Woooh eto na eto na! Lumapit rin sakin si papa para tignan kung anong meron. Naeexcite akong buksan!
Binuksan ko na kagad ang puting envelope at tinignan ang nasa loob nito. Pagkatingin ko....
"Anak ng! Bill ng kuryente natin! Babayaran ko yan bukas din! Tsk tsk akala ko pa naman yung scholarship mo anak." nalungkot ako sa nakita ko. Akala ko talaga eto na. Lechugas na bill lang pala ng kuryente namin. Anak ng!
Nanlumo ako at nalungkot na bumalik sa kwarto, narinig kong tinawag ako ni papa ngunit di ako makabaling ng tingin. Sobrang lungkot ko at dismayado. Pabagsak ulit akong humiga sa kama kong mukhang gigiba na pero kaya pa naman.
Siguro, hindi talaga ako para doon.
Napamulat nalang ako at nagulat ng hapon na. Nakatulog pala ako. Kinusot kusot ko ang mga mata ko at tumayo na sa pagkakahiga ko at lumabas na ng kwarto. Pupungas pungas akong pumunta na ng kusina naming maliit na halos katabi lang rin ng sala namin. Kala mo naman mansyon ang bahay!
Nagsalin ako ng tubig sa baso at ininom ito at nagulat nalang ako ng may nagtakip ng mata ko. Ngumiti ako dahil alam ko naman kung sino to, syempre ang nagiisang tatay ko lang naman.
"Lah si papa! Anu ginagawa mue!" biro ko at natawa naman siya. Tinanggal niya rin ang kamay niyang nakatakip sa mga mata ko at ihinarap ako sa kaniya. May dinukot siyang kung ano na nakasipit sa may lamesa namin at mga luma kong libro.
Sabay pinakita niya sakin ang isang... sulat.
"Alam kong ito ang hinihintay mo. Aminin mo. HAHAHAHA!" pinakita niya ang envelope na napakaganda ng disenyo at may tatak ng Kentwood University.
"Buksan mo na anak." nakangiting sambit ni papa sakin. Ako naman ay napangiti ng todo at agad agad binuksan ito! Eto na! Eto na talaga pramis peksman pumayat man! Ang moment of scholarship na ba etey part 2! Wooooh!
Napasigaw ako sa tuwa ng makitang may scholarship na nga ako! Nagtatatalon pa ko sa tuwa at kitang kita ko ang saya ni papa habang nakatingin siya sakin.
"Oh dahan dahan lang anak, baka gumiba bahay natin!" biro ni papa na kinatawa ko nalang. Sanay akong siya ang nagbibiro ng ganyan sakin.
"Sira ka pa! HAHAHAHA! Pero pa! Eto na talaga! Pag bubutihan ko mag aral para satin." ngiting ngiti kong sambit kay papa at napayakap naman ako sa kaniya.
"Dahil dyan, magcecelebrate tayo anak!" napatingin ako kay papa at nangunot ang noo. "Ano naman po yun pa? May pakulo ka nanaman ah!" natatawang sabi ko.
"Hindi muna sardinas ang ulam natin ngayon! Tuyo with matching itlog!" napangiti naman ako dahil masarap at paborito ko ang ulam na yun! Nadoble pa ang saya na nararamdaman ko! Hinding hindi ko makakalimutan ang araw na ito.
YOU ARE READING
Imperfect Us
Teen FictionMeet Zaivan Chase Bautista, ang pinaka sikat na gwapo, basketball player, mayaman at BULLY ng Kentwood University. Masungit syang tao at mapangtrip. Lahat ng atensyon sa eskwelahan ay kuha niya, ngunit pagdating sa kaniyang pamilya ay kulang na kula...