Chase's POV
Ilang araw na umipas. Napansin kong parang palagi ng nalalate si taba at... I can't believe I'm saying this pero... unti unti na siyang pumapayat. Pero taba pa rin ang tawag ko sa kaniya. Lagi rin tulala at mukhang malalim ang iniisip. Isama na yung malalim niyang eyebags pfft.
Anlaki rin ng pinagbago niya, she looks more quiet than before. At hindi na rin siya pumapalag sakin kapag pinagttripan ko siya.
Pero naiinis pa rin ako sa kaniya. Sa kanila psh. Naalala ko nanaman yung araw na nag sumbong sakin si Mrs. ko. Nakita kong mamula mula ang pisngi niya at umiiyak siya.
Flashback...
Pagpasok ko palang ng classroom at nag uumapaw na ang galit at inis ko. Hindi ko matanggal sa isip ko ang mukha ng baby ko. I've warned everyone not to hurt my baby at hindi ako makapaniwalang itong dalawang to pa ang susuway non. At ayokong nakikita ang mahal ko na umiiyak, mananagot sakin kung sino man ang gumawa non.
Sinugod ko kagad si Keanne na tahimik na nag cecellphone. Malakas kong pinalo ang desk niya na naging dahilan naman ng pagkagulat niya.
"C-Chase, may problema ba?" halata ang kaba sa mukha niya pagkasabi niya non. Tss, dapat ka talagang kabahan.
"Hindi ba't binalaan ko lahat dito na walang mananakit kay Chloe ha?! Ano tong ginawa mo sa kaniya?! I can't believe na ang isang tulad mo ang gagawa non!" galit na galit kong sigaw sa kaniya. Nanginginig niyang binaba ang phone niya at nang dahil sa inis ko ay itinapon ko yon sa kung saan man.
Nakatungo si Keanne ngayon at ramdam kong lahat ng tao ay nakatingin ngayon samin pero wala akong ni isang pake sa kanila.
"Ngayon tutungo-tungo ka ha?! Asan yung tapang mo nung sinaktan mo ang girlfriend ko?!" hindi ko na natiis ang galit ko sa kaniya. Wala siyang masabi sakin kaya inangat ko ang mukha niya sakin at nakita kong halos mangiyak-ngiyak na siya.
"Anong karapatan mo ha Keanne?! Ilabas mo yang lakas mo saken! Si Chloe pa talaga ang naisipan mong gawan non?! Hinding hindi ko palalampasin tong ginawa mo at yang kaibigan mong nagpagulo ng lahat!"
"H-Hindi n-naman kami yung nagsimula non C-Chase eh. Si Chloe ang n-nag simula ng lahat. Hind-"
"Now you're saying that my girlfriend is a liar? Kitang kita sa pisngi niya ang pamumula na ginawa nyo! Pagsisisihan mong ginawa mo yan, Keanne." napaiyak na si Keanne siguro dahil sa takot. Dapat lang na matakot siya dahil prinsesa ko ang sinaktan niya at walang pwedeng manakit sa kaniya.
Sasampalin ko na sana siya nang may pumigil ng kamay ko at inis kong tinignan kung sino ang gumawa non. Inis kong binawi ang kamay ko at tinignan siya ng masama.
"Isa ka pa! Ikaw ang puno't dulo ng lahat! Saan ka naman nakakuha ng lakas para saktan si Chloe?! Sa mga taba mo? Pagbabayaran niyo to!" sigaw ko kay taba na walang emosyong nakatingin lang sakin.
"Wag mong idamay si Keanne dito. Wala siyang ginagawang masama, Chase. Si Chloe ang nagsimula ng lahat." napailing naman ako sa pinagsasabi ng babaeng to.
"Pwede ba tigilan niyo ang pangsisisi kay Chloe?! Siya na nga yung sinaktan niyo siya pa sisisihin nyo! Malilintikan kayo!"
sinampal ko ng malakas si Margaux dahilan para mapabaling ang tingin niya sa side niya. Malakas ang pagsampal ko sa kaniya dahil ramdam ko yung pananakit ng kamay ko.Bumaling naman ako kay Keanne at sasampalin na sana pero pinigilan pa rin ako ni taba. "Wag mong idadamay si Keanne, Chase. Wala siyang ginagawang masama." wala pa ring emosyon ang pananalita niya. At nalaman ko nalang na hinila niya na si Keanne palabas ng room habang ako ay inis na inis pa rin.
YOU ARE READING
Imperfect Us
Teen FictionMeet Zaivan Chase Bautista, ang pinaka sikat na gwapo, basketball player, mayaman at BULLY ng Kentwood University. Masungit syang tao at mapangtrip. Lahat ng atensyon sa eskwelahan ay kuha niya, ngunit pagdating sa kaniyang pamilya ay kulang na kula...