Chase's POV
Kinuha ko na ang susi ng kotse ko at binuhat ang bag ko at sinumulang ayusin ang polo ko. First day na ng pasukan namin ngayon, at kung ang iba ay ayaw sa pasukan, ako naman ay abot ngiti hanggang tenga sa saya!
Ito na ang simula ng masaya kong pamumuhay! Dahil, nang dahil sa pasukan maiiwasan ko si daddy, dahil asa school ako, kaya sobrang saya ko at malalayo ako sa malaimpyernong pamumuhay ko sa loob ng bahay kasama ang tatay ko!
Kung nagtataka kayo kung bakit wala ang nanay ko, eh dahil busy sya sa trabaho nya. Minsan nalang sya umuwi dito dahil marami siyang ginagawa at dalawa ang pinapatakbong kompanya nito, sakanya kasi pinamana nila Lolo at lola ang dalawang negosyo nito. Umuwi lang siguro siya pero sandali lang rin at umaalis kagad.
Kaya hindi ko na siya masisisi kung bakit bilang lang sa kamay ang inattendan nyang birthday at importanteng ganap sa buhay ko. Now enough of my story.
Tinext ko si Chloe na susunduin ko siya dahil sabay sana kami at para na rin makabawi ako sakanya sa nangyare last week. Di pa kasi kami nakita mula non, pero alam kong okay na kami.
Kaso ang daddy nalang daw nya ang susundo sakanya, nakaramdam ako ng panlumo dahil gusto ko sya ang una kong makita at makasama, pero ayos lang naintindihan ko naman ito.
Binuksan ko ang kotse at sumakay sa loob at pinaharurot papuntang school.
Habang papalapit na ako sa main entrance ng school ay may naaninag akong pamilyar na muka, at katawan na naglalakad papasok sa school.
Nang maipark ko ang sasakyan ay pilit kong inalala kung sino at kelan ko nakita ang matabang yun. Pamilyar talaga sya. Nakaramdam ako ng irita sa di malaman na dahilan.
Kinalimutan ko nalang siya at
pumasok na sa loob ng school ng may ngiti sa labi! Sobrang saya ko talaga.May iba pang mga bulungan akong narinig tungkol sa kagwapuhan at kakisigan ko Ngunit hindi ko na ito binigyang pansin. Sorry girls but your dream guy is already taken by his dream girl.
Anyway, hinanap ko ang classroom na papasukan ko at nang makapasok doon ay nakita ko ang best friend ko at ibang mga team mates ko.
Naglakad ako papunta sakanila, at nakipag kamayan. Umupo rin ako sa tabi ni ace habang hinahanap si chloe. Sana magkaklase kami. Unti-unti ng napuno ang classroom ngunit wala pa rin Mrs ko. Hanggang sa may pumasok. Agad kong nilingon kung sino yun, siya! Siya yun! Siya yung nakita Kong naglalakad papasok. Nakaramdam nanaman ako ng pagkairita dito at sinundan ang tingin sakanya, tss kaklase pa namin sya. Agad nabaling ang attention ko sakanya ng kausapin ako ni Ace.
"Chase, text mo kaya si Chloe tanungin mo kung asan na sya. Mahirap na" sabi ni ace sakin, dahil nahalata nya sigurong may hinahanap ako.
Agad kong sinunod ang sinabi nya at tinext si chloe kagad kung nasaan sya
To baby chloe:
Baby asan ka na? Nasa school ka na ba? What section are you? Do you want me to come? I love youHinintay ko ang response nya at saktong nag bell na nang mag text sya.
From baby chloe:
Oh baby no need, mag bebell na rin, I'm fine, and your classroom is beside my classroom naman, so you can come here whenever you like;)
Natuwa naman ako dahil don. Hindi na din masama dahil katabi ko lang naman ang classroom nya, pupuntahan ko nalang siya tuwing may free time. Itinago ko na ang cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko, dahil pumasok na ang adviser namin at mukang magsisimula na ang klase.
Hindi ko maiwasang patagong lumingon sa matabang babaeng nasa likod, at inalala kung san ko siya nakita at kung bakit nakakaramdam ako ng irita tuwing nakikita siya.
"Huy? Bro sino ba nililingon mo sa likod? Pfft wag mong sabihing nakikita mo so Chloe jan! Baliw na baliw ka na don ah HAHAHA" Panunukso sakin ni bryce team mate ko.
"Ulol! Siraulo" nasabi ko nalang, at tinigilan na ang paglingon sa babaeng nasa likod. Mahirap na, baka makahalata sila dito magselos pa Mrs ko pag nakarating sakanya.
"Class stand up!" Agad na utos ng adviser namin na Agad naming sinunod. "Boys form your line alphabetical order from a-z on the right side" tumayo naman kaming mga kalalakihan at luminya sa bandang kanan.
"Girls on the left side alphabetical order from z-a!" Nagtaka naman ang mga babae dahil sa baliktad na formation ngunit Agad naman nila itong sinunod.
"Torres Nicole and Alvarez Karl last row..." naguluhan ako sa ginawang sitting arrangement ni sir, pero habang tumatagal ay nagegets ko na ito.
So ganito yon sa pinakalast na babae sa alphabetical na apelido yung magiging seatmate o katabi ng pinakauna na lalaki sa alphabetical ng apelido.
Nang ako na ang tatawagin ay nilingon ko ang posible Kong maging katabi. Si taba wait ano ba apelido nito?
"Montecillo Margaux and Bautista Zaivan" langya tinawag ako sa first name ko amp hindi ako sanay doon!
Tinawanan ako ng mga kaibigan ko dahil alam din nila na ayaw ko ng may tumatawag sa first name ko, inis kong nilingon ang teacher ko, pero abala ito sa kakatingin sa papel na hawak nito. Tss langya ka tanda.
Nauna akong maupo sa pangatlo dito sa last row at ibinaba ang mga gamit ko, yumuko nalang ako dahil wala ako sa interest silipin kung sino ang katabi ko. Panigurado naman kasing kukulitin at lalandiin lang niya ako.
Natapos na si sir sa pag aayos samin ngunit wala pa din akong naririnig na nagsasalita at mukang tahimik ang katabi ko. Teka may katabi ba ako?
Dahan dahan kong tinaas ang ulo ko at hinawi muna ang buhok ko, pagtapos ay tinignan ko kung may katabi ba ako.
Laking gulat ko ng nakita ko si taba, at dahil malapitan ko na syang nakikita namukaan ko ito kagad. Siya! Siya yung bumastos sa Mrs ko! Hindi ako pwedeng magkamali! Siya yun!
Agad nangibabaw ang irita sa muka ko habang nakatingin sakanya ng may pangiinsultong tingin.
"Napaka malas ko naman." Sinadya kong lakasan para marinig ni taba habang nakatingin sakanya.
Alam kong narinig nya yun dahil gumalaw ang braso niya, sign na nagulat siya. Pero asa harap pa din ang tingin nito at nakikinig sa guro namin.
Napa sandal nalang ako sa kinauupuan ko. Nakita kong may nakasiksik na ballpen sa bag niya. Bulok naman ng ballpen nito.
Until unting gumuhit ang ngisi sa labi ko dahil may naisip akong napakaganda at napakasayang gawin sa mga gamit nito.
Margaux's POV
Nagulat ako sa narinig ko sa kaniya na parang nananadya pa ang loko. Kung minamalas ka nga rin naman. Tss kala mo naman siya lang malas, langya nayan.
Hay nako, bahala ka jan. Tss.
Basta ako, nandito ako para mag aral ng mabuti dito! Yun naman talaga ang pakay ko dito, di yung makinig sa mga kasabihan ng walang kwentang lalaking ito.
Di ko nalang siya pinansin at inayos ang upo ko sa arm chair na nandidito. Grabe ang laking pagkakaiba ng arm chair dito sa mga past schools ko. Ilang taon akong nakaupo sa sira-sirang kahoy na upuan doon.
Habang nakikinig naman kay sir ay napansin ko siya sa peripheral view ko na parang nakangisi. Ano nanaman kaya ang iniisip ng kupal na to? Napailing nalang ako at nagpatuloy sa pakikinig kay sir at kinuha ang ballpen ko kaya nagsulat sulat nalang ako ng mga ibang rules sa notebook kong luma.
Hindi kasi kami pwedeng bumili ng maraming bagong notebook kaya yung luma nalang muna ang ginamit ko. Sayang rin kase hehe.
Nagpatuloy lang sa pageexplain si sir at nakita ko namang nag head down tong katabi kong kupal na to. Tss, lakong pake jan. Bahala siya! Nakinig nalang ako kay sir hanggang sa mag bell na, sign na recess na.
Nako abutin kaya ng pera ko ang nga pagkain dito jusq.
YOU ARE READING
Imperfect Us
Teen FictionMeet Zaivan Chase Bautista, ang pinaka sikat na gwapo, basketball player, mayaman at BULLY ng Kentwood University. Masungit syang tao at mapangtrip. Lahat ng atensyon sa eskwelahan ay kuha niya, ngunit pagdating sa kaniyang pamilya ay kulang na kula...