CHAPTER 37: INTRAMURALS PART 3

13 1 0
                                    

Margaux's POV

Kinabukasan...

"Omg bitch alam mo ba, nakita ko kahapon sila Chase at Margaux. Tapos oh my gosh, nakahawak sa bewang ni Margaux si Chase!"

"What?! Seriously? Impossible! From Chloe to Margaux? Ginayuma nya yan for sure! Hindi naman maganda si Margaux. Knowing Chase, he likes pretty girls like us."

"True bitch! Hintayin nalang natin na mawala yung spell niya kay Chase! I'm pretty sure that whatever they have right now, mawawala rin yan ng parang bula."

Pag-uusap pa ng dalawang etchoserang frog. Lumabas ako ng cubicle at nakita ko sa salamin na nagulat sila. Pumunta ako sa may sink at inayos ang suot ko habang sila naman ay nagtitinginan sa isa't isa. Hugutin ko mga mata nila jan eh.

Umalis naman sila kagad at pagkaalis nila ay pumasok si Keanne na nakajersey na. "You ready na, Marg?" tanong niya sakin at halatang excited na siya maglaro. Ngayon na kasi ang laro ng volleyball girls.

"Yeah." tanging sagot ko at bumuntong hininga ako.

"Hey, dont be scared. Here," lumapit siya sakin at napakunot naman ang noo ko tsaka niya ako nilagyan ng liptint niya. Napalayo naman ako sa kaniya at akmang pupunasan ko na ang labi ko pero pinigilan niya kagad ako.

"H-Hindi ko kailangan yan! Keanne talaga."

"Shush! You look pretty kaya! Like me." umangulo pa siya sa harap ng mirror at nginitian niya ako. Napailing nalang ako sa pinagagagawa ng babaeng ito at sinimulan kong itali ang buhok ko para hindi ito sagabal mamaya sa laro. Nakita kong natigilan si Keanne sa pag-aayos at humarap siya sakin.

"Oh. My. My. My. Gosh, Margaux! You look really good. Wait, I'm so nasspeechless." nakangangang nakatitig sakin si Keanne at pumipikit-pikit pa. Ako naman ay nakakunot lang ang noo sa kaniya at umiling nalang tsaka inayos ang gamit ko.

"Girls, labas na. Magsstart na ang laro in 10 minutes." napatingin kami sa pinto ng CR at tumango kami sa coach namin. Agad naman naming inayos ang gamit namin ni Keanne at nakatingin pa rin siya sakin at nakangiti. Weirdo.

Nang lumabas na kami ay nakasalubong namin si Chloe at masama ang tingin niya sakin. Huminto siya at humarap sakin, "So ikaw naman pala ang babaeng bukambibig ng lahat. Anong ginawa mo kay Chase?! I'm sure its black magic. Humanda ka sakin mamaya, loser." inirapan niya ako at nagpatuloy na maglakad kasama ang mga alipores niyang mga pusit. Iniripan ko na lang din siya at pumunta na sa gym locker ng mga girls.

"Player din pala ang bobitang yun. Sila ata yung opponent natin. Gosh!" natawa nalang ako sa sinabi ni Keanne at nilagay lahat ng gamit ko sa locker. Pumunta na kami sa team namin na nagpplano na at tsaka nagdasal. "Amen! Go team baby girls!" natawa kaming lahat sa pangalan ng grupo namin. "Have fun lang tayo girls. Kaya natin to!" ani Gail at pumapalakpak pa siya.

"True! kaya, patumbahin na natin sila!" sagot naman ni Alexa para mas ganahan pa kami mag laro.

Habang papunta na kami sa gym ay shinake-shake ko ang kamay ko at bumuntong hininga. "Don't be nervous, Marg. Ingat ka lang dun sa bobitang Chloe na yun. She kinda good in playing balls. If you know what I mean." kinindatan ako ni Keanne at natawa kaming pareho sa pinagsasabi niya at pumunta na sa gym.

Kalaban nga namin si Chloe at hindi matanggal-tanggal ang mga matatalim na tingin niya sakin. Hindi ko na lang yun pinansin at tumingin nalang ako sa bleachers at agad kong nahanap ang isang banner na nakalagay "Go Margaux and Keanne!" nakita kong hawak yun nila Bryce, Clyde, Ace, at Chase. Tulala silang sakin lahat at hindi ko alam kung bakit. Bat ba sila natutulala sakin? Ngumiti nalang ako sa kanila at uminom muna ako ng tubig bago magsimula ang laro.

Imperfect UsWhere stories live. Discover now