CHAPTER 12: ACE TO THE RESCUE

20 1 0
                                    

Chase's POV

Nasaksihan ko ang pag dapo ng palad ni Chloe kay taba. Nakita ko naman na agad nagtubig ang mata ni taba at dali daling tumakbo kasama si Keanne habang sapo sapo ang pisnge niya. Shit! Teka! Baka nasaktan palad ni Chloe! Ang kapal pa naman ng taba sa pisnge, nong lechon na yon!

Hinawakan ko ang kamay na pinanggamit ni Chloe kay taba at hinamas himas it "Baby masakit ba? Kapag namaga yang kamay mo, dahil kay taba, sabihin mo sakin ah! Akong bahala!" Sabay nginitian siya at masuyong hinaplos ang palad niya.

Ilang araw na ang lumipas simula nung insidenteng yun. Ilang araw na din ang lumipas na walang bangayan saaming dalawa ni taba. Ilang araw na din ang lumipas na mukang malungkot lagi si taba. Ilang araw na din ang lumipas na wala pa ding pagbabago ang kagwapuhan ko! Hays!

Wala kaming mga teachers ngayon kasi may mga meeting. Tss, sana di nalang sila nagpaklase. Free time namin ngayon kaya wala masiyadong ginagawa. Di ko naman makausap ung tropa ko kasi kahit mga siraulo yun iniisip pa din nila kinabukasan nila, kaya ayun sila nagkokopyahan ng assignment galing sa top 1 namin! Wala naman akong gagawin doon kaya napagpasiyahan ko nalang na dito muna ako. Kakatamad maglakad eh bakit ba.

Nilingon lingon ko si taba na ngayon ay kausap si Ace at Keanne. Kelan pa sila naging close? Nakita kong patango-tango lang si Ace sa kaniya. Parang nag kukuwento siya, tss now she's making mmk stories? Wala ba siyang balak pansinin ako? Tsk bad trip na to ah!
Hindi na ako makatiis! Hinahanap ng katawan ko ang pang aasar at pantitrip!

Tinignan ko yung mga librong nakapatong sa table niya na kanina niyang inaaral. Tinabig ko yun lahat at medyo malapit lang ang pwesto nila ay narinig niya kagad ang mga nagbagsakan. Tinignan niya lang ako ng masama. Pabalik-balik ang tingin niya sa libro at sakin. Don't tell me kinocompare niya yung kagwapuhan ko jan!

At ng dahil sa inis sinipa sipa ko pa ang mga libro niya hanggang sa mapatayo na siya. Napatayo rin sila Ace at Keanne pero na kay taba lang ang atensyon ko. Now she looks pissed, great. Namiss ko rin yang ganyang reaksyon niya.

Napatitig siya sa mga gamit niya, at lumingon sakin. Tingin ng baboy ayaw magpakatay!

"Hindi mo talaga ako titigilang kupal ka?" Umiling nalang ako bilang sagot at nakipagsamaan ng tingin sakaniya. Aba sakin lang pala lumalabas tapang nito. Pag nakaharap naman girlfriend ko, natitiklop.

Lumapit siya sakin sa harap ng mga libro niya. "Alam mo, Chase." Sabi niya habang pinulot ang libro niya isa isa. "Wala kang mapapala sa kakabully mo." hinawakan na niya ang mga libro ngunit Hindi niya binalik sa desk niya, agad gumuhit pagtataka ko. Tumingin siya sa mga mata kong magaganda, at ginantihan ko naman ito.

"Mamaya isipin ko pang may gusto ka sakin, kasi ayaw mo akong tigilan." ngumisi siya at binato ang mga libro saken!

"A--Aray! Ano ba! T--tumigil ka na nga!" Sabi ko habang pilit na iniilagan ang pagbato niya ng mga libro saken! Gago tong lechon na to!

"Ano? Ansakit diba! Ganyan nararamdaman ko tuwing papasok dito! Masasakit na salita lagi ang binabato ng mga tao saken rito. Now feel me?" Seryosong sabi niya at agad na tumayo at lumabas ng classroom, agad sumunod si Keanne sakaniya. Napansin kong lahat ng attention ng mga kaklase ko ay nasa akin.

Poging pogi nanaman ba sila saken?! "Get your eyes off of me."sabi ko sa mga kaklase ko. Agad naman silang napaiwas ng tingin, at nagkunwaring may ginagawa. Mga chisomo't chismosa amp.

Sumandal nalang ako sa inuupuan ko at isinaksak ang earphones sa tenga ko, at nakinig sa music. Pumikit pa ako para feel na feel ko yung kanta, nang biglang may kumalabit sa balikat ko.

"Oh? Ace mekailangan ka?" Si Ace pala, agad kong tinanggal ang isang nakasaksak na earphone sa tenga ko para marinig ko siya.

"It's about, Margaux." nagtaka ako dahil pamilyar ang pangalan pero hindi ko siya maalala. Sino nga ulit yun?

"Your seatmate, si taba." Sabi niya, siguro nahalata niyang nagtaka ako. Ah siya, naalala ko ang tanungan namin at nakumpirmang siya nga yon. Isang beses ko lang kasing sinabi pangalan niya, paano di naman bagay yung pangalan niya! Mas maganda at bagay sakaniya yung taba tsaka lechon sama mo na ung butchog!

"And what about her?" Sabi ko at isinaksak uli ang earphones at hininaan nalang ang volume. Di naman pala masiyadong important sasabihin nito inistorbo pa pag sosound trip ko!

"Bakit? Mamatay na ba? Ako nalang sasagot sa pamburol at pang libing HAHAHA!" Natatawang sabi ko, pero mukang hindi ata natawa si Ace dahil nanatiling blanko at seryoso muka niya. Grabe ang seryoso naman nito, nagbibiro lang eh, imposible kaya yon! Anlusog lusog nung butchog na yun eh! imposibleng magkasaket. Tsaka kawawa magbubuhat sakaniya papasok sa kabaong niya no, mamaya mabalian pa ng buto! Kaya papayat muna siya bago madeads hehe.

"Chase, I can't believe you, man." simula niya habang pailing iling. "Wala ka lang mapapaala kung ituloy mo yan. Nakakasagabal ka lang sa pagaaral niya dito. And how can you say those words to her?" Seryosong sabi niya. Ngayon lang niya Ako pinagsabihan kaya nagtaka ako, awang awa naman ata kaibigan ko sa butchog na yon. Baka nagpaawa kanina.

"Bat ba alalang alala ka sa matabang yon? I can do whatever I want pre. Isa na yon ang di tigilan yung babaeng yon. Gusto ko siyang pahirapan. And you're out of my business, man." seryoso kong sabi sakaniya.

"Pre akala ko ba magaayos ka na, kasi graduating ka na? Eh bat parang kinain mo ata lahat ng sabi mo? Kaibigang payo lang pre, tigilan mo na si Margaux, makakasira ka lang ng buhay sa ginagawa mong yan." tumawa ako ng may halong sarcasm sa kaniya at hinarap siya ng maayos.

"Pre hindi ka naman ka ganto dati ah? Oo pinagsasabihan mo ko pero hindi tayo umaabot sa ganto. What the heck is your problem? Ano ngayon kung ganyan ang trato ko sa kaniya? Bagay sa kaniya yon."

"Chase wala kang alam sa pinagdadaanan niya. Kung alam mo lang, Chase-"

"Ace, I don't care kung anong pinagdadaanan ng matabang yan. I do whatever, I want! Tsaka hindi ako interesado sa kung ano man meron ang babaeng yan. Who knows, maybe pang paawa lang niya yan."

"You're really unbelievable, Bautista. Sinisira mo lang ang buhay niya." sambit nya pagkatapos ay umiling siya at nag walk out. Bakit ba apektado yun sa nangyare? Psh, langya nagalit pa si Ace nang dahil sa babaeng yun. Bwiset!

"Omigosh iba na talaga ang dating ni girl dito ha. Nag away na yung dalawa oh."

"Dapat mapaalis na yan dito! Mygaaahd yung dalawang fafa kooo!"

"You're all out of this! Can ya'll just shut up!" sigaw ko kaya nagpatuloy ulit sila sa kung ano mang ginagawa nila na halatang peke. Nakakainis na dito.

Lumayas ako ng room at padabog na sinara ang pintuan. Pumunta ako sa gym at kumuha ako ng bola. Pinaalis ko lahat ng naglalaro doon na mukhang wala ring mga magawa. Kaya kong paalisin mga tao dito dahil isa ang lolo ko sa nagpatakbo sa eskwelahan na ito.
Kinalimutan ko muna ang nangyare at nag basketball na lang para malibang muna ako. Nakakabwiset.

Bakit ba alalang alala si Ace doon! For sure nagsumbong o nagmakaawa yon kay Ace! Alam kong taga pag tanggol siya ng naaapi pero bago to, hindi niya pa ako pinatigil sa pantitrip ng gantong kalala, dahil alam niya namang titigil ako, pero ngayon pinigilan niya ako! Lintik na taba to, pag ako nawalan ng kaibigan hihiwain ko taba non!

Lahat na nagkandaleche-leche nung dumating siya dito. Tss, babawian ko yung tabang yon! Iniistress nya ko, pati kagwapuhan ko nadadamay.

Napangisi ako ng may mabuong plano sa isip ko para umalis na siya dito at mabalik na sa normal ang lahat. Ewan ko lang kung hindi ka pa umalis dito, taba.

Imperfect UsWhere stories live. Discover now