CHAPTER 06: FRENSHIPS

14 2 0
                                    

Chase's POV

Nang narinig ko ang ring ay agad akong tumayo at nagpaalam sa mga kaibigan ko.

"Mga kupal, pupuntahan ko lang si Chloe yayaain kong kumaen sunod ako sainyo." Nakangiti kong sabi dahil excited na kong makita si Chloe muli.

"Ay paktay mga pre si lover boy patay na patay na kechloe! Iba to!" Sabi ni Bryce. Sa magtotropa siya talaga yung mahilig manukso.

"Kaya nga pre, mamaya makalimutan na tayong ilibre niyan! Panigurado ung baby na ni Zaivan aasikasuhin non! HAHAHA!" Pangaasar at pagdadrama nitong si Clyde at sinadya pa ng lokong diinan ang first name ko. Langya tong mga to! Si Clyde naman ang mapangasar, wala nga lang pumapatol sakaniya kasi ang sunget sa iba, saamin lang siya ganiyan kasiyahin.

Pinaghahampas ko nalang sila Clyde at Bryce sa ulo "Mga gag*! Peperahan niyo nanaman ako!" Pabiro kong sabi na ikinatawa nila, dahil imposibleng perahan nila ko langya pano ang yayaman den ng mga yan! Mga kupal nga lang.

"Yaan niyo na si Chase mga pre, alam ko namang mahal pa den tayo niyan!" Napangiwi ako sa sinabi ni Ace. Nababakla nanaman to saken! Kadiri ew ew!

"Mga kupal! Diyan na nga kayo! Kita nalang tayo sa canteen." Natatawang sabi ko at naglakad an palabas sa room, narinig ko pa ang kantyawan at asaran nila kaya napangiwi nalang ako, at dumiretso na sa katabi naming classroom.

Binuksan ko ito since wala namang teacher tsaka break time naman at tinignan ang paligid. Nang makita ko si Chloe ay agad ko siyang tinawag.

"Hey! Chloe tara sabay ka samin nila Ace eat tayo together" nanlalambing kong sabi. Grabe sobra ko siyang namiss! Gusto ko siyang yakapin pero baka memakakita pa samin, kasuhan kami ng pda. Nagyakapan lang eh kala mo naman hinubaran ko na siya. Hmm pero pwede ren. Napangisi nalang ako sa naisip ko, at bumbling sa napakagandang babaeng asa harap ko ngayon.

"Baby I'm sorry I can't, nagpromise ako sa girls na sasama ako sakanila ngayon, actually they're waiting for me right now." Paliwanag into. Aaminin ko nadismaya ako dahil inuna niya ang iba kaysa sakin. Gusto ko siyang makasama pero mukang malabo, hay.

Ngumiti nalang ako at tinago ang iniindang sakit sa puso at lungkot. Ayokong makita niyang nasaktan ako.

"Ah ganoon ba? It's fine babe I understand. Siguro next time nalang." Hindi ko na naitago ang pagkadismaya sa boses at mga mata ko.

"Osige, pano baby kita nalang tayo mamaya hinihintay na nila ako eh. See you later sweetie!" sabay halik sa pisngi ko ng mabilisan. At tinalikuran ako at lumabas sa room nila.

Naglakad ako papuntang canteen ng may panlulumo at bagsak ang balikat. Hinanap ko ang mga kaibigan ko at nang nakita ko sila, ay agad ko silang nilapitan at umupo sa puwesto ko.

"Oh pre? Akala ko ba kasama mo girlfriend mo? Where is she?" Hindi ko sinagot si Bryce at pinaglaruan ang pagkain sa aking harapan. Nawalan na ko ng mood kumain.

"Chase, ayos ka lang? Do you want to talk about somethin?" alok ni Ace, dahil napansin niya sigurong malungkot ako at wala sa mood.

"Ayos lang ako, akala ko lang kasi makakasama ko si Chloe yun pala may kasama siyang iba. Mababaw na rason ba yun para maging malungkot?" sabi ko ng hindi sila nalulungkot.

"Hayaan mo muna siya bro. I'm sure babawi yun. Ikaw pa din boyfriend nya no hindi ka naman siguro non ipagpapalit! Nasayo na ang lahat oh." Pag papagaan ng loob sakin ni Bryce.

Imperfect UsWhere stories live. Discover now