CHAPTER 26: MONTHSARY

13 1 0
                                    

Chase's POV

Pagod akong humilata sa kama dito sa kwarto ng condo ko. Kung nagtataka kayo bakit ako napagod, secret ko na yon!

Hehe jok lang. Inasikaso ko kasi yung surpise ko para kay Chloe bukas magsisix months na kami eh kaya gusto ko special!

Kaya nang umuwi si Margaux galing sa condo ko ay nagayos na ko ng sarili at naghanap ng restaurant na kakainan namin ni Chloe! Nagpareserve na din ako ng bouquet of roses para sakaniya, para maappreciate at masayahan siya sa surpresa ko!

Kaya eksaktong 5pm ay nakauwi ako dito sa condo ko at ngayon ay nakahilata sa kama ko. Napagpasyahan kong umidlip muna saglit..

NAGISING ako dahil sa sunod sunod na tunog ng cellphone ko, at pagkatingin ko 7am na ng umaga! Ano ba yan! Plano ko pa naman sanang batiin si chloe ng 12 am ng happy monthsary, sayang!

Chineck ko at puro mga greetings ng mga taga Kentwood na happy monthsary, pero walang galing na text mula kay Chloe sa akin, hmm baka tulog pa siguro yun.

Napagpasyahan kong ligpitin ang condo ko at nang matapos ay dumiretso akong mall para mamimili ng masusuot at ireregalo ko para kay Chloe.

Dumiretso ako sa men's store at doon ko binili ang nakita kong suit na sobrang ganda at bagay na bagay sa akin! Pagkatapos ay ilang oras pa ako naglibot ng may makita akong jewelry store, naghanap ako ng pwedeng ipang regalo at iisang bagay lang ang napagpaagaw ng attention ko.

Isang singsing na napakasimple pero sobrang ganda, agad ko itong kinuha at dineretso sa cashier. "Miss may maliit ba kayong size ng singsing na to? Payat kasi yung daliri ng reregaluhan ko hehe."

"Sige po sir titignan ko po kung meron, wait lang po." at agad siyang pumasok sa isang room, wala pang ilang minuto ay bumalik na siya ng may isa pang box ng ring.

"Sir, this is the smallest size I could ever find, sana po ito ang hanap ninyo." nakangiting pagpapakita niya ng singsing.

"This is perfect. Bibilhin ko to." tsaka ko na binayaran at inilagay sa paper bag, nakangiti naman akong lumabas ng store. Sana magustuhan niya ito!

Hindi pa ako nakakalayo ng may makita akong pamilyar na babaeng bulto na may kasamang lalaki, kamuka niya si Chloe at hindi ko mamukaan ang kausap niyang lalaki dahil nakatalikod ito.

Nang lalapitan ko sana ito ay naharangan ako ng mga tao kaya hindi ko na sila nakita at biglang nawala, kaya pinagsawalang bahala ko nalang yon at dumiretso na sa kotse para makabalik sa condo.

Nang makabalik ako sa condo ko ay nagpahinga muna konti at naligo, tinext ko na din si Chloe na maghanda siya at magkita kami sa resto na kakainin namin ng 7pm, this is it!

Pagkatapos kong maligo ay pinlantsa ko muna ang suit ko at sinuot ito inayos ko ang sarili ko at nagmuka naman akong disente hehe. Nilagay ko na ang regalo kong singisng sa bulsa ng coat ko at lumabas na ng condo ko.

Binati ako ng guardya sa parking lot "Looking good, Sir!" kinindatan ko nalang siya at nginitian.

Pinaharurot ko na ang kotse ko at pinuntahan muna ang flower store at kinuha ang pinareserve kong roses, sakto namang quarter to seven na kaya dumiretso na ako sa resto na pagkikitaan namin ni chloe.

"Table for how many sir?"

"Two people please." nakangiti kong sagot. "This way sir." tsaka niya ako hinatid sa pang dalawang table na sobrang magarbo nagpasalamat naman ako at inalok ang order ko pero i refuse, magoorder nalang ako pagdating niya.

Tinext ko muna si Chloe kung nasaan na siya at sinabing nandito na ako, naghintay ako ng ilang minuto pero wala pa ding response mula sakanya.

Maya maya pa ay tumunog na ang cellphone ko at napangiti naman ako ng pangalan ni Chloe ang lumabas ron.

Imperfect UsWhere stories live. Discover now