CHAPTER 33: GROUPWORK

13 1 0
                                    

Margaux's POV

Last subject na namin at english to, isa sa pinakamadaming pinapagawa ng teacher naming si mrs flores. "Okay class, magkakaron kayo ng group project and it will be passed tomorrow. Ayoko ng naghihintay, sawa na ko." nagsi-ooh ang mga kaklase kong uhaw sa hugot at agad naman pinatahimik ito ni Mrs. Flores, English teacher namin.

"Gagawa kayo ng report about sa topics natin which is Literature. Basic nalang yan. Magsipag-sipag din pag may time." nagsitawanan naman ang iba kong kaklase at yung iba naman ay nagrereklamo. Ibang klase den, ung nagreklamo ung hindi naman gumagawa ng kahit ano.

"Group yourselves into 6. That would be enough to make it look presentable. Ayoko nang kaawa-awang report. Dismissed." ani Mrs. Flores at tsaka siya umalis kaagad ng room. Lumingon naman ako sa paligid at naririnig kong naggrupo na ang iba. Yung ibang parte naman mga nag rereklamo.

"Ano bayan babeee, hindi tayo makakapaglandian later."  sabi nung magjowa sa gilid.

"Kakapasok lang natin may ganto na kagad!" sabi naman nung tamad sa unahan ko.

"Bwiset dami ko gagawin!"  sabi naman nung isang hindi nagpapasa ng mga projects.

"Uhm may grupo ka na bang sasalihan?" biglang sabi ni Ace na katabi ko lang.

"Wala pa eh." sagot ko naman sa kaniya.

Kinagat niya ang labi niya at sabing, "Gusto mo tayo nalang?" napatingin ako kay Ace at napalunok naman siya. "I mean—

"Anong tayo nalang?!" biglang sumulpot si Chase at nakasalubong ang kilay pero agad din huminahon ang mukha niya. Weirdo.

"I mean tayo-tayo nalang magkakagrupo. Clyde, Bryce, Chase, you and me, and sama na rin natin si Keanne." napatango-tango kaming lahat at nagkasundo.

"Saan naman tayo gagawa?" tanong ko sakanila at bago pa man makasagot ang iba, si Bryce na ang naunang sumagot. "Samin nalang mga pre! ... and ladies hehe. Gusto ko patunayan kay Mommy na nag-aaral talaga ako ako. Nanganganib na allowance ko huhu." binuklat ni Bryce ang wallet niya na may ilang isang libo. Jusko, ano kanganib-nganib jan. Ang yayaman talaga ng mga to.

"Pwede ren! Namimiss ko na mga pameryenda ni tita na sobrang sarap. Tara na!" singit naman ni Clyde.

Agad kong niligpit ang mga gamit ko at pinasok sa bag ko. Nakita ko naman si Chase na nakatingin sakin pero binawi niya ang tingin niya at nag-ayos na rin ng gamit. Ang weird niya ngayong araw.

"Omg giiirl! Magssleepover tayo?" sigaw ni Keanne sa may likuran ko na excited at  tuwang-tuwa na nagliligpit na rin ng gamit.

"Hindi naman siguro tayo aabutin ng ganun katagal." sagot ko habang inaayos ang mga papers ko at inilagay sa bag.

"Ay hala oo nga. I'm not pwede pala, it's Bryce's home! Nakakatakot yung mommy niya. Napakastrikto. Yikes!"

Tinawanan ko nalang si Keanne at sabay na kaming lumabas ng classroom. Paglabas namin ay nagaantay na pala ang mga boys dun. "Sabay na kayo samin?" yaya ni Ace.

"Sure! Oh wait! I have to go to my Dad pa pala. Pwedeng sumunod nalang ako? It's important daw eh. Si Margaux girl nalang isabay nyo." biglang sagot ni Keanne at dali-dali siyang kumaripas ng takbo pero tumigil din siya at humarap, "Ingatan niyo si Marg ha! Ipapatumba ko kayo kay Tulfo pag may nangyaring masama jan! Ciao!" at tuluyan na siyang umalis at rinig na rinig ang takong niya hanggang sa mawala na ang tunog nito. .

Imperfect UsWhere stories live. Discover now