Chase's POV
Kinabukasan walang pasok. Napagpasyahan kong puntahan si Ace sakanila, gusto ko na makipagayos. Ayoko ng patagalin, dahil natatakot ako, baka mawalan ako ng kaibigan huhu.
Kaya nagbihis na ako at inihanda ang kotse ko, at nagpunta na kela Ace. Pagdating ko ay sinalubong ako ni Kuya Ben, guard nila, kilala ko na siya kasi dati akong tambay dito sakanila kapag di ko trip umuwi ng bahay hehe.
"Sir Chase! Kamusta na po kayo? Madalang na kayo magpunta rito ah namimiss ka tuloy ng bahay." pabirong sabi ni Kuya Ben, habang Masayang nakangiti.
"Ah opo, medyo nagkatampuhan po kasi kami ni Ace. Kaya balak ko po sana siyang kausapin. Andito po ba siya?"
magalang kong sabi. Mabait kaya ako!"Nako iho kakaalis lang ni Sir Ace. Pero siguro kaya mo siyang abutan." sabi ni Kuya Ben.
"Ah ganon po ba Kuya Ben? San daw po nagpunta?" tanong ko, baka nga maabutan ko pa siya.
"Ang rinig kong paalam niya sa mama niya, ay may bibisitahin raw siya sa ospital." aba may pagkachismoso na ata tong si kuya Ben ah HAHAHAHA!
"Saang ospital po kuya Ben?"
"Sa Woodridge ata yon iho, kung tama ang dinig ko." sabi ni Kuya Ben. Kaya nagpasalamat na ako at pinaharurot ang sasakyan ko papunta sa sinabing ospital ni Kuya Ben.
Pagkapark ko sa labas ng ospital ay agad akong pumasok. Naaninag ng mga mata ko ang pamilyar na katawan ng isang lalake, si Ace! Kaya agad ko siyang hinabol at sinundan, at napahinto naman ako nang pumasok siya sa isang room.
Naiwan niyang nakaawang ng konti ang pinto kaya, tumingin muna ako sa loob at pinakinggan sila. Nakita ko si taba na nakaupo sa upuan katabi ng nakaratay ang isang hindi gaanong katandang lalaki sa kama. Mukang natutulog ang lalaki sa kama at may pagkakamuka sila ni taba.
Tatay niya siguro yon. Naalala ko yung sinabi ni Ace nung nasa bleachers kami. Naaksidente nga pala ang tatay niya.
"Margaux? Kamusta? Okay na ba ang papa mo?" nagaalalang tanong ni Ace.
"Sabi ng doctor ay may ibang test silang ginawa at yung iba at nagrerespond naman si papa. Maghihintay nalang daw kami na magising si papa." malungkot na sagot ni taba.
"Wag kang mawalan ng pag-asa Marg, magising at magiging maayos din si tito ha?" pagpapagaan ni Ace kay taba, sabay tapik ng balikat niya, nakita ko namang ngumiti ng malungkot si taba kaya nakaramdam ako ng awa. Hirap na hirap na pala siya, habang ako ginagago ko siya. Pinagsasalitaan ng masasama at pinagtritripan.
"Kumain ka na ba? Nangangayayat ka na, kapag nalaman ng papa mo na napapabayaan mo na ang sarili mo, panigurado hindi siya matutuwa niyan." concern na sabi ni Ace kay taba.
"Hindi pa ako kumakain, Ace. Tsaka hindi din naman ako nagugutom. Ilalaan ko nalang ang perang pangkain ko sa pagpapagamot kay papa, napakamahal pa naman ng bayarin rito, kaunting sakripisyo lang yon para kay papa." Ngumiti si taba na parang pinapakita na okay lang siya. Wow kaya pala anlaki ng ipinayat niya this week.
"Kahit na Marg, you still need to eat. Hayaan mo ako na ang bahala, wait for me okay? Bibili lang ako ng pagkain" ngingiti ngiting sabi ni Ace.
"Pero Ace hindi na-"
"No buts Marg. I'll be back okay?" sabi ni Ace sabay gulo ng buhok ni taba. Nang papunta na si Ace sa gawi ko ay lumayo ako ng konti at napaayos ng tayo.
Nang makalabas si Ace ay gulat nya kong nakita at may halong pagtataka sa mukha niya. Ngiti lang ang naisagot ko sakaniya dahil hindi ko alam sasabihin ko! Namemental block ako huhu.
"Chase? Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Ace habang walang emosyon niya akong tinitignan.
"A-Ah eh sinundan kasi kita." kamot batok kong sabi.
"Why? What for?"
"I'm here because I want to ask for an apology. I'm sorry bro. Andami kong nagawang mali." Napayuko ako at napagat labi dahil nahihiya ako. Hehe minsan lang kasi ako magsorry, sa taas ng pride ko kahit ako ang may kasalanan ay hindi pa din ako nagsosorry.
"Wow, I can't believe this. Isang Zaivan Chase Bautista ang nagsosorry sa harapan ko ngayon." nakacrossed arms niyang sabi. Napayuko nalang ako dahil wala akong masabi.
Saglit pa niya kong seryosong tinignan.
"No more bullying?""No more." agad kong seryosong sagot.
"Lulubayan mo na si Margaux?"
"Yeah bro. Hindi ko na siya guguluhin pa."
"Forgiven bro." ngumiti siya, na ikinalawak ng ngiti ko lalo at sinuntok ang braso ko.
"Akala ko hindi na tayo magkakabati! Salamat bro." nakangiti kong pagpapasalamat.
"Pero Chase, hindi ka lang dapat sakin magsorry. Mas napuruhan mo si Margaux, she deserves a sorry rin." pag iintindi niya sakin, tama siya I need to say sorry sakaniya.
"Yes bro. I have a plan, I'll make it up to her don't worry."
"That's my brother!" tsaka ako inakbayan at ginulo gulo ang buhok ko. Ang saya ko ngayon at bati na kami, sana wala ng mangyaring masama! Hehe.
Sinamahan ko si Ace na bumili at nakwento niya din na nagtutulungan sila ni Keanne na magbayad sa hospital expenses ng papa ni taba, at minsan naman ay pinapatigil ni taba ang ginagawa nila dahil nahihiya na siya pero tinutulungan pa din nila si taba. Ang bait naman nila.
"Eh pre kung ako nalang kaya ang magbayad sa lahat? Makabawi manlang sa kagaguhan na ginawa ko sakaniya? Ano sa tingin mo?" ito nalang ang kabutihan na gagawin ko sakaniya, sana lang ay mapatawad niya ako.
"Well, panigurado kung malalaman niya na ikaw ang magbayad sa lahat ay hindi siya papayag don." seryosong sabi ni Ace sakin habang namimili ng pagkain.
"Edi hindi ko nalang ipapaalam!" confident kong sabi!
"Ewan ko sayo puro ka kalokohan!" natatawang sabi niya at nagkwentuhan pa kami.
Pinauna ko na siya sa room nila taba at susunod nalang ako, seryoso ako sa sinabi ko. Kaya agad akong pumunta sa cashier ng ospital na ito at binayaran ang mga dapat bayaran sa papa ni taba, medyo natagalan ng konte kaya nagstay muna ako doon at naghintay. Ang effort ko rito ah!
Nabanggit rin ni Ace na hindi siya gaano magtatagal, dahil ipinanganko niya sa mama niya na magdadate sila, amp ang bakla naman ng isang yon. Mommy's boy kasi. Kaya nakita ko siyang pababa at paalis na sa ospital kaya agad akong nagpaalam sakaniya.
Kausapin ko kaya siya? Nahihiya ako. Parang wala akong mukha na kayang iharap sa kaniya sa kabila ng mga nagawa ko.
Hindi! Isang Chase mahihiya? Kakausapin ko na siya. Makikipag ayos ka diba?
Pumunta ulit ako sa harap ng pinto kung saan ang room nila taba. Kumatok ako at naghintay para buksan ang pinto.
"C-Chase?" tanong ni taba habang mamugto-mugto pa ang mata. At mukha siyang nagulat na makita ako.
"Hey. Uhm, gusto sana kitang makausap."
YOU ARE READING
Imperfect Us
Teen FictionMeet Zaivan Chase Bautista, ang pinaka sikat na gwapo, basketball player, mayaman at BULLY ng Kentwood University. Masungit syang tao at mapangtrip. Lahat ng atensyon sa eskwelahan ay kuha niya, ngunit pagdating sa kaniyang pamilya ay kulang na kula...