CHAPTER 10:JEALOUSY

18 1 0
                                    

Margaux's POV

Hindi ko mapigilang hindi maiyak habang papalabas ako ng room. Nasaktan lang kasi ako sa sinabi ni Chase, ewan ko ba basta parang pinana yung puso ko.

Kanina ko pa siya pinakikisamahan kahit minsan ang sarap niyang sapukin kasi nakakasakit yung ibang sinasabi nya. Buti nalang kinakaya ng mga layers ng taba ko at hindi umaabot sa puso ko yung mga pinagsasabi nyang masasakit. Kaso, yung huli niyang sinabi? Tumagos eh.

Pumunta muna akong cr at nag hilamos doon. Ayaw kong makita ako ni papa na umiiyak nanaman at baka kung ano gawin non. Tinignan ko muna ang itchura ko bago ako umalis, ampanget mo, Margaux. Ang pula pa ng mata ko, kung may makakita ng itchura ko baka akalaing adik pa ko.

Di bagay sayo na umiiyak, dapat palagi kang masaya. Ngumiti ulit ako sa salamin at inayos ng konti ang luma kong t-shirt. Inayos ko na rin ang buhok ko, magulo pa rin naman kahit ayusin hehe.

Lumabas na ko sa cr nang may biglang humatak sa braso ko. Napatigil naman ako sa paglalakad at hinarap kung sino iyon. Nagulat naman ako nang nandito to. Ace?

"Are you okay?" tanong niya sakin at mukhang nag-aalala. Namamalikmata ata ako, bakit naman sakin mag-aalala to? Pero sabagay, sa pagkakatingin ko sa kanila, siya ang mukhang mabait sa grupo nila. Ang gwapo pala nito sa malapitan. Napatitig nalang ako sa kaniya. Grabe mukha siyang anghel. Nakakalaglag panty yung kagwapuhan niya. Ang puti at ang kinis ng mukha niya, ang tangos ng ilong, ang pula ng labi, ang pu-

"Hey? Natulala ka na?" napailing ako sa mga naiisip ko. Para kasing sa kaniya lang nagfocus ang buong paningin ko. Natulala tuloy ako.

"A-ah eh... Oo naman. Ayos lang ako!" sinubukan kong pasiglahin ang sarili ko sa harap niya. Natulala pa ko, nakakahiya!

"Sure? You don't seem fine." nananaginip ata ako. Kinakausap niya ako! Napakurap kurap ako sa kagwapuhan ng isang to. Parang nawala yung lungkot at sakit na nararamdaman ko kanina.

"Sure na sure! Hehe. Uhm bakit ka andito?" tanong ko, imposible namang sinundan ako neto. Hindi naman ako kagandahan o kapansin pansin para sundan.

"U-uhm nag cr kasi ako hehe. And then I saw you. Mukha kang umiiyak eh."

"Ah hehe ayos lang ako."

"Ganun ba? Well if I could ask you sana-"

"Margaux!" napatingin ako sa sumigaw at nakitang si Keanne ito at mukha ring nagaalala. Tumakbo siya papalapit samin at niyakap ako. Nangunot naman ang noo ko at humarap din siya kagad sakin.

"Are you hurt? Bakit ka umiiyak?" ganun na ba kahalata ang mata ko? Mukha na nga siguro akong adik.

"Hindi ayos lang ako, kulit nyong pareho. Napuwing lang." pagdadahilan ko naman. Magsasalita pa sana si Keanne nang maunang magsalita si Ace. "Uhm I think I should go. If you need me, lapitan mo lang ako." nagpakawala ng gwapong ngiti si Ace at tsaka tumalikod na. Ang gwapo talaga niya grabe.

"Gosh ang gwapo ni Ace!" ani Keanne habang tulala pa rin kung saan umalis si Ace. Ang gwapo nga.

"Hihi tara na nga Margaux girl!" yaya sakin ni Keanne at hinila niya ako paalis dun at nangunot nanaman ang noo ko. Saan naman ako dadalhin ng babaeng to? "Saan naman tayo pupunta?" tanong ko habang hila hila parin niya ako.

"Sa coffee shop! You need to take a break from whatever you are going through! And maguusap rin tayo what happened." napailing iling nalang ako sa kanya at nagpahila nalang sa kung saan man ako dadalhin nito.

Imperfect UsWhere stories live. Discover now