CHAPTER 11:PINAGTULUNGAN

11 1 0
                                    

Margaux's POV

Kinabukasan naman, hindi ko pa rin pinapansin si Chase. Tss bahala ka jan. Nakikinig lang ako kay ser sa mga pinagsasabi niya hanggang sa sinusundot nanaman ako ni Chase.

"Tss ano bang problema mo!" sigaw kong pabulong sa kaniya. Mukha siyang bata, eh bat ang cute nya? Yuck! Ew! Ew! Burahin nga yon! Kadiri amp.

"Bat ka umalis ng maaga kahapon? May tatanong pa ko eh!" sagot naman nito at salubong pa rin ang kilay.

"Wala ka na don! Manahimik ka nalang." at hindi ko na siya pinansin. Sarili mong kagagawan wala kang alam. Bwiset.

Narinig ko nalang siya na umayos ng upo habang nakacrossed arms. Panay ang buntong hininga niya pero hindi ko pa rin siya pinapansin. Nilabas ko ang notebook ko at nag drawing drawing nalang doon. Doon ko nilabas ang sama ng loob ko sa kaniya.

Nag sketch muna ako ng lalaki tsaka ko inayos ang itchura. Tapos, nilagyan ko ng sungay sa taas dahil masama siyang nilalang! Tapos nilagyan ko rin ng buntot na pangdemonyo ang gilid niya, bagay sayo!

Nagdrawing rin ako ng sarili ko na ginawa kong higante at parang tinatapakan ang bwiset na to. Patapos na sana ako sa drinadrawing ko ng biglang sinagi ako ng katabi kong wala ng ginawa kung hindi kulitin ako.

"Ay sorry di ko sinasadya." may halong sarcasm ang pagsasalita niya. Halata naman na sinadya ng hinayupak na to. Ayos na yung drawing ko eh! May guhit tuloy!

"Ano bang problema mo ha! Halata namang sinasadya mo." hinarap ko siya at nakita ko namang nakangisi ang loko.

"Wala ka na don." pagbabalik niya sa sinabi ko kanina at hindi na ko pinansin. Tss, gaya gaya. Inirapan ko na lang siya at nagpatuloy nalang sa pag ddrawing.

Ilang oras ang lumipas at recess na. Kagad namang tumayo tong lintek na to at parang sinadya pang ihulog ang notebook ko at nagpatuloy sa paglalakad at nilapitan ang mga kaibigan niya.

Pinulot ko nalang yung notebook ko at nilagay sa bag ko. Bwiset talaga siya leche!

"Margaaaaux, tara na let's eat! Hihi." naramdaman ko namang lumapit si Keanne sakin, nginitian at tumango ako sa kaniya at lumabas na kami ng room. Dinaanan ko nalang yung mokong na yon at di na lang pinansin.

Habang papunta kami sa canteen ay marami akong naririnig na bulungan tungkol sakin.

"Uy kita mo yung naglalakad na mataba na yun? I heard siya yung dahilan kaya nadetention si Chase."

"Gosh bat siya sinasamahan ni Keanne? Hindi ba siya nandidiri?"

"Grabe ang taba niya pala talaga sa malapitan."

"Mukha siyang alalay ni Keanne HAHAHAHA!"

Naramdaman ko namang papalapit si Keanne sa nagsabi non pero pinigilan ko nalang siya at tinignan niya ko ng may awa at nginitian ko nalang siya.

"Hayaan mo na, sanay na ko." sabi ko sabay ngumiti. Napabuntong hininga siya at tumango tango. Ang swerte ko rin at may naging kaibigan ako dito.

Nagpunta na kami sa canteen at maglalabas na sana ako ng pera ko kaso pinigilan ako ni Keanne. "Margaux, ako na." napailing kagad ako sa sinabi niya. Nakakahiya na kasi kahapon nalibre na ko tas ngayon ililibre niya ulit.

"Wag na, Keanne. Nalibre mo na ko kahapon eh."

"Oh it's fine! It's just a simple treat." at bumili na siya ng pagkain namin. Wala na naman akong nagawa kasi binayaran na niya rin.

Napatingin ako sa buong cafeteria, napakalaki pala talaga dito. May mga nakapila namang mga lalaki at babae don na grabe kung mandiri ang tingin sakin. Pinagbubulungan nila ako at yung iba naman ay pinagtatawanan ako.

Naisip ko mga abnormal ata ang mga tao dito. Hindi naman ako clown para pagtawanan, baka mga adik tong mga to?

Mabilis lang rin at nakuha na namin ang pagkain namin ni Keanne, naghanap kami ng bakanteng table at naupo ron. Syempre alangan namang tumayo kami doon at yung pagkain yung paupuin namin diba?

"Oh shoot! I forgot to buy water. Wait lang, Margaux girl." tatayo na sana siya ng pinigilan ko siya.

"Ako na ang bibili. Kahit man lang tubig malibre ko sayo hehe." tumayo na ako at bumili ng tubig. Nauuhaw na ako kaya binuksan ko na ang akin, nang biglang....

Pucha may pumatid sakin!

Natapon ang tubig na iniinom ko sa taong dumaan sa harap ko. Pinagtatawanan naman ako ng mga lalaking sa tingin ko ay pumatid sakin.

Tinignan ko ang natapunan ko ng tubig at kamalas malasan naman talaga!

"What the hell! Ikaw nanaman?! Look what you've done you fat bitch!" sigaw niya sakin at kitang kita ang galit sa mukha ng babaeng ito. Siya yung nagpahiya sakin nung araw na nagaapply ako ng scholarship. Putragis si Chloe!

"S-Sorry hindi ko sinasadya! Napatid lang ako-"

"Oh ano?! So yung paa ko yung sisisihin mo ha?! Do you know how expensive this dress is? Mas mahal pa to sa buhay mo! Na kahit iluwa mo pa lahat ng pinagkakain mo hindi mo mababayaran to!"

Narinig ko namang nag tawanan ang mga tao sa sinabi niya at nakaramdam na ko ng hiya.

"H-Hindi ko nga sinasadya pasensya na."

"Anong hindi sinasadya? You must be out of your mind you-"

"Chloe tama na. Hindi niya sinasadya, nakita kong pinatid siya." nagulat ako ng humarang si Keanne sa gitna namin ni Chloe.

"Get out of the way! Hindi ikaw ang kausap ko dito kaya umalis ka sa harap ko." tinabig niya si Keanne at kita ko ang takot sa mukha niya. Hindi ko na pinalapit pa si Keanne dahil ayokong madamay siya sa kung ano mang gulo to. Hinarap ko si Chloe
kahit may halong takot ako dahil baka mapahiya nanaman ako.

"Ugh! My dress is ruined because of your dumbness! And ano tong naririnig ko na nadetention si Chase kahapon because of you?!" lumapit na siya sakin at mas lalo akong kinabahan. Natitiklop ang dila ko kapag siya na ang kaharapan ko. Pakiramdam ko ang dali dali kong tapakan.

"K-Kasalanan niya rin n-naman yun, Chloe. Hindi lang a-ako-

"So sinisisi mo pa kong taba ka?" bigla namang sumulpot si Chase sa tabi ni Chloe at malamang ay kakampihan niya ang girlfriend niya.

"E-Edi sana ako lang yung nadentention kung wala kang k-kasalanan?" sagot ko naman.

"Sumasagot ka na? Oh please, alam ko namang ginusto mo yun dahil gusto mong malandi si Chase. Napakalandi mo! Dinamay mo pa siya sa detention para lang makasama siya? Napakadesperada mo. I know my boyfriend is hot and handsome. Baka nga perahan mo siya dahil ganyan naman kayong mahihirap." eto nanaman ang sitwasyon kung saan nadadamay ang pagiging mahirap namin.

"Wala kang alam. Kahit kailan hindi ko gugustuhin yang boyfriend mo. Sayong sayo na siya. At kahit kailan hindi ko nilandi yang boyfriend mo. Oo mahirap kami, pero hindi kami yung klaseng tao na iniisip mo. At hindi ako interesado sa boyfriend mo." nilabanan ko yung takot para maipaglaban ang nararamdaman ko. Wala naman talaga akong interest kay Chase, at hinding hindi mangyayare yon.

"Aba! Wala kang karapatan pag salitaan ng ganyan si Chloe! At mas lalong wala akong interest sa isang katulad mo! Kadiri ka! Akala mo kung sino ka!" ani Chase habang dinuduro duro niya ako. Pinagtutulungan nanaman nila akong dalawa, malapit na kong mapaiyak at magmumukha nanaman akong kawawa. Ayoko na maranansan yun. Ansakit.

"Ugh bitch!" at nakaramdam na naman ako ng pamamanhid ng pisngi ko. Ang sakit, napahawak ako sa pisngi ko matapos ako makatanggap ng sampal nanaman. Agad na lumapit sakin si Keanne at hinagod hagod ang balikat ko. "Let's go na, hayaan mo na siya." bulong ni Keanne sakin at tumango naman ako at di ko na kinakayang manatili pa doon.

Dinala ako ni Keanne sa may field at umupo kami sa bleachers. Iyak ako ng iyak at pinapatahan naman ako ni Keanne. Laking pasalamat ko rin at andito si Keanne sa tabi ko.

Sakit lang ang buong nararamdaman ko. Sakit.

Imperfect UsWhere stories live. Discover now