Chase's POV
Padabog akong lumabas ng classroom namin habang salubong ang mga kilay ko. Kasalanan to ni taba eh! Ang lakas ng boses! Tsaka akala mo naman ikamamatay nya pagsusundot ko sa makapal niyang braso!
Binuksan ko ang pintuan at isinara ito kagad. Narinig ko ang pagbukas sara ng pinto at singhal ng isang biek. Kala niya siguro pagbubuksan ko siya ng pinto! HAHAHA utot kala mo chix ka? Pwe!
Lumipas na ang ilang segundo, minuto nang wala akong ginagawa. Habang nagmumuni muni sa labas ay may narinig akong hilek. Nilingon ko ang kasama ko at nakita ko siyang tulog at nakahilata sa sofa! Mukang lechon!
Naghanap ako ng apple pero nadismaya ako nang wala akong nakita. Sayang! Ilalagay ko sana sa nakaawang na bibig niya para magmuka na siyang lechon lalo!
Napangisi ako nang nakita ko ang bag niyang mukang pinaglumaan ng kung sino man dahil may mga punit rito.
Lumapit ako sa mga bag niya at dahan dahang binuksan ito mahirap na baka magising si lechon!
Nang mabuksan ko na ito, ay kinilukot ko ang mga laman sa bag niya. Hmm mga notebooks na parang gamit na, isang ballpen na mumurahen, at limang libro, ang dalawa ay galing sa school namin at yung tatlo naman ay sigurado akong hindi libro ng school namin.
Inilabas ko yun lahat at walang tinira sa loob, kinalat ko ito sa lamesa at lapag. Ayusin niya nalang basura niya kapag nagising siya.
Nilapitan ko siya at tinignan. Ang taba niya muka siyang gusgusin at halatang galing siya sa mahirap na buhay, grabe ngayon lang ako nakakita ng matabang mahirap!
Ayon nanaman ang awang naramdaman ko sakaniya. Ano kayang lagay niya? Nahirapan kaya siya sa buhay niya? Pero muka naman siyang masaya habang tinitignan ko sila ni Keanne sa canteen. Buti pa siya, kahit mahirap buhay niya nagiging masaya pa din siya.
Nawala ang awa at mga iniisip ko nang gumalaw siya. Agad naman akong lumayo sa puwesto niya at umupo malapit sa bintana.
Narinig ko ang paggalaw ng upuan. Gising na kaya siya? Hindi ko na inabalahang lingonin siya dahil baka maramdaman ko nanaman ang awa, at baka hindi na yun maitago pa.
"Bakit nakakalat mga gamit ko?" Tanong niya saakin ng may halong irita pa rin.
Nilingon ko na siya at tinignan ang mga gulo gulo niyang gamit at napabaling ulit ang tingin kay.. sino nga ba ito? Meh wala akong interest malaman yun.
"Ewan ko baka multo? O kaya baka ginulo mo yan ng hindi mo namamalayan. Diba ang baliw mo?" Natatawang sabi ko at agad gumuhit ang asar sa muka niya na agad Kong ikinatuwa. Mm! Best expression!
"Alam kong ikaw ang gumawa niyan Chase. Wag mo kong niloloko diyan!" singhal niya sakin habang tinuturo ang mga gamit niyan.
"Oh eh alam mo naman pala, bat mo pa tinatanong? And so what? What if ako nga gumawa non?" humakbang ako papalapit sakaniya at nakipagtitigan. "Anong gagawin mo ha taba? May magagawa ka ba?" nakita ko ang pagtigil niya ngunit andun pa rin ang inis sa mga mata niya.
Hindi ko inakalang makikipagtitigan rin siya at lalabanan ang mga titig ko. Ako na ang kusang umiwas ng tingin at tumingin na ulit sa bintana dahil sa kakaibang naramdaman ko. Narinig ko ang paghabol ng hininga niya at pagbuntong hininga.
"Ayusin mo ito kung ganon. Alam mo bang importante ang mga laman niyan. pag may nawala bayaran mo yun!" Panguutos niya sakin ng walang takot. Aba matabang to ah.
YOU ARE READING
Imperfect Us
Teen FictionMeet Zaivan Chase Bautista, ang pinaka sikat na gwapo, basketball player, mayaman at BULLY ng Kentwood University. Masungit syang tao at mapangtrip. Lahat ng atensyon sa eskwelahan ay kuha niya, ngunit pagdating sa kaniyang pamilya ay kulang na kula...